CHAPTER 8 "Our Queen"

208 10 0
                                    

Naka isang hakbang na ako nang pigilan nya ang kamay ko. Nilingon ko sya.

"What's your problem mister?" Pasigaw kong tanong.

"Let's dance for a while." Malambing nyang sabi.

"I don't do hooking if that's what you are up to." Mataray kong sagot saka binawi ang kamay mula sa pag kakahawak nya. Pero mas lalo nyang hinigpitan ang pag hawak sa kamay ko.

Kinunutan ko sya ng noo saka namewang na bahagya nyang ikinagulat. Akala siguro nya matatakot at mag papanic ako.

"Can you see my four inch stilettos?" Saka yumuko sa sapatos ko na ginawa nya rin. Binalik ko ang tingin sa kanya. "I can stab this to your neck if you won't let me go." Seryoso kong sabi habang naka taas ang kilay.

Kita ko ang pag usbong ng gulat at takot sa kanyang mukha. Pero mabilis nya rin itong naitago using his playful smile.

"Oh so feisty. I like it."

Hihilain ko na sana ang kamay nya para maka gawa ng first defence nang may biglang umakbay sa akin.

"Hey! Is there any problem here Dey?" Masigla at malakas nitong tanong.

"Mark..." Nabanggit ko nalang ang pangalan nya nang sya ang makita ko pag lingon. Cool syang naka akbay sakin habang naka tingin sa lalakeng naka hawak sa kamay ko.

"Let go of her Drew. She's my friend. Kumpleto kami ngayon kaya kung ayaw mo ng gulo, bitawan mo sya."

Nagulat ako dahil magka kilala pala sila. At anong tinutukoy nya na kumpleto sila? Don't tell me...sana mali ang hinala ko.

Binitawan nung "Drew" ang kamay ko saka tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko pero naka ngisi.

"Okay. Okay." Natatawa nitong pag suko. "Unlucky me, you're my rival's friend. Tipo ko pa naman ang mga babaeng matatapang gaya mo. Palaban, challenging." Sabi pa nito sa akin bago kami tuluyang tinalikuran.

Mark turned to me.

"Are you okay?" Nag aalala nyang tanong sakin.

Nginitian ko sya bilang sagot. "I'm fine Mark thanks anyway."

"Let's get out of here." Hinawakan nya ako sa bewang at pumwesto sa likod ko para maprotektahan sa maaring maka bangga sakin saka ako inalalayan paalis sa magulong dance floor.

"Sino ba yung asshole na yun?" Tanong ko sa kanya nang medyo maka layo sa dance floor.

"He's Drew Silvano. Ka schoolmate namin noong college at rival ng grupo namin nila Vince."

So tama nga ang hinala ko. Ang barkada nga nila Vince ang tinutukoy nya. Napa gala ang mata ko sa paligid para hanapin kung saan sila maaring naka pwesto. Nadaanan pa ng mata ko ang nag lalambingan na sina Trisha at Jayson sa pwesto namin. Pag tawid ng tingin ko ay napako ang tingin ko sa lalakeng matalim na naka tingin sakin. Sa akin nga ba o kay Mark? Biglang nang hina ang tuhod ko.

"Ahm Mark...thanks for backing up for me pero babalik nako sa pwesto namin. I'm with Trisha actually." Inunahan ko na sya bago pa nya ako mayayang pumunta sa pwesto nila. Hindi ko kayang harapin si Vince.

"Oh she's here too?" Masaya nyang sabi.

"Yeah." Tumango-tango pa ako para effective.

"Oh okay. I'll go there later. But let's go in our table first. Kumpleto kami ngayon." Masaya nya paring sabi.

Hindi ko naitago ang pag ngiwi ko sa sinabi nya.

"Ahm Mark kasi..." Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon