CHAPTER 1 "Surfing"

400 17 0
                                    

CHAPTER 1 "Surfing"

Mataas ang sikat ng araw kaya ramdam ko ang hapdi ng pag dampi nito sa aking balat habang naka dapa sa aking surfboard at ikinakampay ng mabilis ang parehas kong braso. Naka tingin ako ng mataman sa papalaking alon sa harap ko. Mas binilisan ko pa ang pag sagwan gamit ang aking mga braso. Nang sa tingin ko ay nasa tamang distansya na ako sa rumaragasang alon ay agad akong nag switch back. Nilipat ko ang aking surfboard paharap sa dalampasigan. Nang nasa ibabaw na ako ng alon ay maingat akong tumayo sa surfboard at agad ko namang nakuha ang tamang balanse. Pinaandar ko ang aking surfboard sa kahabaan ng alon. Pumasok din ako sa loob nito.

And I made it perfectly.

Naka ngiti akong nag lakad pabalik sa dalampasigan habang bit-bit sa kaliwang braso ang aking surfboard na apat na taon ko nang iniingatan.

Dumerecho ako sa aming pwesto. Nasa parehas na pwesto parin sila. Isang kumot ang nilatag sa buhangin at doon naupo habang nag iinom ng beer.

Tinanggal ko ang taling naka kabit sa paa ko na naka dugtong sa surfboard. It's a part of a surfboard para kahit malaglag ang gumagamit nito hindi ito malulunod o mapapalayo. Saka ko pinasandal patayo sa gilid ng lounge kung saan naka patong ang aming mga bag katabi lamang ng inuupuan nila.

"Damn Daisy, you are a good surfer. Why don't you join an Olympic?" Natawa ako sa suhestyon nya.

"Ty, I'm not interested about that." Pag tanggi ko.

"Tyler is right Dei. You have a talent in surfing. You should show it to everyone." Pag sang-ayon pa ni Taylor sa kakambal nya.

Umiiling kong inabot ang tuwalya na hinanda ko kanina.

"I love surfing but I don't have any plan to show it off or to join any Olympic." Pag tanggi kong muli.

Ilang beses na ba nila akong kinukumbinsi about dyan?

Hindi na rin naman na nila dinugtungan pa iyon at nag patuloy na sila sa ginagawa. Pero naramdaman ko ang paninitig sa akin ni Tyler. Kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Yes Mr. Smith?" Pag tataray ko.

Natatawa sya habang umiiling.

"Nothing. You are just so beautiful." Walang kahiya-hiya nyang sabi.

Namula ako sa pagiging bulgar nya.
Hindi na sorpresa para sakin ang mga ganyang banat ni Tyler. Matagal nya nang inamin sakin ang nararamdaman nya na agad ko namang klinaro. Na hindi pa ako handang pumasok sa kahit anong klaseng relasyon. Masaya naman ako dahil kahit ganun, hindi pa rin nag bago ang pag kakaibigan namin. Though minsan hindi maiwasan ang pagiging over protective nya.

Natawa nalang ako nang sundan ng pang aalaska ni Taylor ang kambal nya.

"Wooooh! My twin still won't stop to win you Dei. When will you stop ignoring his feelings huh? I'm just so tired listening with his whims about you every time he's drunk."

"Shut up Tay!" Saway nya sa kapatid.
Kaya natawa nalang ako.

"Come on babe. Stop meddling with their love story." Saway ni Brent sa girlfriend nya saka hinila ito pahiga sa lap nya saka hinalikan.

Napa iling nalang ako. Sanay na ako sa pagka liberated ng mga kano. Pero minsan hindi ko parin ma-take.

I'm happy to know them. Sila ang naging kasama at kaibigan ko dito. Sila ang tumulong sa akin kung paano mag cope up sa kultura, klima at sa lahat ng bagay na dapat kong matutunan habang nandito ako.

Hindi ko alam kung paano nag simula ang lahat. Pero katabing unit ko lang ang unit ng kambal sa tinitirahan kong condominium na inilaan sakin ni mommy at tito Ben. I still remember how Taylor was been so bitchy with me while Tyler was charming since then. Then one day we just saw each other sitting in one table inside a coffee shop while drinking coffee and laughing.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon