CHAPTER 6 "Not Important"

235 10 0
                                    

Nilunod ko ang sarili sa pag tatrabaho sa buong linggo. Pinipilit kong maging occupied ang isip ko sa mga paper works.

"Miss Daisy mag oorder nalang po ba ako ng lunch nyo?"

Napa lingon ako sa pinto kung saan derechong naka tayo ang aking secretary.

Saglit akong nag isip. Marami pa akong tatapusin kaya maganda ang idea nyang mag order nalang ng lunch.

"Yes please Cherry. Sabayan mo narin ako mag lunch."

After half an hour ay pumasok si Cherry bit-bit ang dalawang paper bag. Isa galing sa sikat na restaurant at isa naman ay isang normal na paper bag lang.

Lumapit ako sa sofa habang sya naman ay isa-isang nilabas ang laman ng mga paper bag at pinatong sa center table.

Vegetable salad ang inorder nya para sakin at mango shake for drinks.

Gusto ko sya. Madali nyang matandaan ang mga gusto ko kahit isang beses ko lang nabanggit.

Napa tingin ako sa baunan na nilabas nya sa normal na paper bag. Hinintay kong buksan nya ito. Nanuot agad sa ilong ko ang amoy ng chapsuy. May pritong isda din at kanin.

"Tara, kain na tayo miss." Magiliw nitong yaya sakin.

Tumango lang ako saka dahan-dahang kinain ang aking pag kain.

"Talagang diet po kayo lagi miss ano?" Bigla nyang tanong.

Nilapag ko ang clear tupperware na pinag lalagyan ng salad ko saka kinuha ang mango shake.

"Naka sanayan lang. Hindi na kasi ako masyadong sanay kumain ng rice." Paliwanag ko.

"Kaya sobrang sexy nyo miss eh." Wala sa sarili nyang papuri sakin.

Kaya ngumiti nalang ako at pinag patuloy ang pag kain.

"Ikaw, pansin ko lagi kang may baon."

Never ko syang nakitang bumili ng lunch sa cafeteria o kumain sa labas. Pupunta lang sya sa cafeteria kapag kakain lang. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong mga panahong nag titipid pa ako dahil ako lang ang bumubuhay sa sarili ko.

"Ah opo. Bukod po kasi sa tipid na, luto lang talaga ng nanay ko ang kinakain ko." Paliwanag nito.

"Mukang masarap mag luto ang nanay no." Hula ko. Na mukhang totoo naman.

Nag angat sya ng tingin saka nang lalaki ang matang tumango. Todo sang-ayon sa sinabi ko.

"Naku miss hindi po kayo nag kakamali."

Kitang-kita ko ang pagka proud nya sa kanyang ina. Napa ngiti ako.

Natutuwa ako sa mga anak na mapag mahal sa mga magulang. Nabuhay ako sa loob ng labing siyam na taong walang karamay, walang gumagabay, walang nag aalagang mga magulang kaya alam ko ang pakiramdam at hirap.

"Gusto nyo po miss?"

Napa tingin ako sa mukang masarap na chapsuy.

"Sure."

Kumuha ako ng ilang piraso ng repolyo at sayote gamit ang aking tinidor. Saka napa tango-tango dahil sa sarap nito.

"Your mother is a good cook."

"Sabi ko sayo miss eh." Tuwang-tuwa nyang sabi.

~*~

Since that day sabay na kaming kumain ni Cherry. I'm starting to love her company.

Her innocence and truthfulness in everything is making me remember about my old self.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon