CHAPTER 43 "Deal"

206 8 0
                                    

"Isang malaking eskandalo ang kinakaharap ng mga kilalang pamilya na Montemayor at Arguelles. Kaka putok lang ng balita noong nakaraang araw tungkol sa nalalapit na pag papakasal ng tagapag mana ng Montemayor Corp. na si Vince Montemayor at nag iisang anak ng Arguelles Company na si Margarette Arguelles at nag patawag ng enterview si Mr. Vince Montemayor ngayong araw lamang at pinabubulaanan ang balita na ikakasal sya kay Miss. Margarette Arguelles. Klinaro din nya na mali ang kung sino man ang nagpa kalat ng balitang iyo. Naguguluhan ang elite world ngayon dahil mismong ang ina nya ang nag anunsyo ng tungkol sa kasal. At dagdag problema ang hindi mahanap na si Miss. Arguelles. Ano nga ba ang katotohanan sa issue na ito?"

Napa tulala ako matapos mapanood ang balitang iyon sa Youtube.

"So anong masasabi mo?" Bumalik lang ako sa ulirat nang mag salita muli si Trisha sa phone.

Tinawagan nya ako at inutusan na panoorin ang balitang ito sa Youtube dahil kanina pa itong tanghali pinalabas sa TV.

"I don't know. I didn't know Vince will do that. Mag kasama lang kami kagabi." Naguguluhan kong sagot habang naka titig parin sa screen ng laptop ko.

"Nagawa nyang ipahiya ang nanay nya para sayo. Siguradong nag wawala na ang madame Constancia na yun."

"Yan din ang iniisip ko."

"Tingin mo, titigil na kaya sya ngayong si Vince na mismo ang kumilos?" Tanong nya.

Nag kibit balikat ako na para bang nakikita nya ako. "Hindi ko masabi. Pero base sa ugali nya? Di papatalo yun. Natatakot lang ako na baka may mas gawin syang hindi kanais-nais."

Yun talaga ang iniisip ko ngayon. Baka mas malala ang gagawin nya sa susunod. Baka mas lalo syang naglit dahil sa pag deny ni Vince tungkol sa kasal. Napa hiya sya dun sigurado.

I should be ready if that's the case.

----------------------------------

KINABUKASAN ay nag paalam ako kay dad na pupuntahan ko si Vince para kausapin sya about sa balita kahapon. I know we will meet each other later this afternoon but I can't wait that long.

Nag tataka ako nang dumating ako sa building ng office nya. Lahat ng tao ay aligaga. Mapa employee or stuff man.

"Nandyan daw yung big boss kaya nag kakagulo. Nakaka takot pa naman sya."

Narinig kong bulungan ng mga  employees sa likod ko habang naka sakay ako sa elevator paakyat sa floor ng office ni Vince.

Sinong big boss? Hindi kaya si...

Naabutan kong aligagang naka tayo ang secretary ni Vince sa desk nya.

"Excuse me miss." Tawag pansin ko sa kanya.

Nag angat sya ng tingin. Recognition flashed on her face.

"Ma'am Daisy." Mabuti naman at nakikilala nya na ako. Akala ko makikipag tarayan na naman ako sa kanya eh.

"Nandyan ba sa loob ang boss mo?"

"Y-yes po. P-pero may kausap po sya sa ngayon.."

"Sino?" Curious kong tanong.

"Si madame po. Ang mama nya."

Nanlaki ang mataka ko. So nandito sya, nang ganito kaaga?

Walang sabi-sabi akong nag lakad papunta sa pinto ng office ni Vince. Pinigilan ako ng secretary nya pero hindi ako nagpa pigil hanggang sa mabuksan ko ang pinto.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon