CHAPTER 4 "Meet Again"

262 10 0
                                    

CHAPTER 4

Inaamin ko hindi maganda ang narinig kong balita mula kay Mark. Matamlay akong umuwi ng bahay after kong maihatid si Trisha sa bahay nila at ipanaliwanag ko na rin sa kanya kung paano kami nagka kilala ni Mark habang nasa byahe kami.

Agad akong dumerecho sa kwarto ko nang wala akong naabutan sa sala kundi ang mga katulong na nag lilinis. Umalis malamang si mom.

Pabagsak akong humiga sa kama habang nasa sahig parin ang aking mga paa. Napatitig ako sa kulay puting kisame ng aking kwarto.

"The last news we have about him is his already engaged with someone."

"The last news we have about him is his already engaged with someone."

"The last news we have about him is his already engaged with someone."

Yan ang paulit-ulit na nag play sa utak ko.

I should be happy right? I should be happy for him.

But damn it! I know I'm not. Because it hurts. It really hurts.

How should I be happy if the only man I love will get marry soon to other girl, not to me! I don't know if I can see him with another girl. I don't even know if I can see him touching, hugging, loving another girl, and not me. I can still remember him saying about marrying me.

Naipatong ko ang isa kong braso sa noo ko nang maramdaman ko ang pag ragasa ng mga luha ko. Nag babaka sakaling maikubli ito mula sa maaring makakakita sa pag iyak ko kahit na alam kong wala namang makaka kita sakin.
Ha! Why are you crying Daisy! You don't have any right to be hurt because it was all your fault. Don't act as if you are the victim here. It was all your fault bitch!

Panenermon ko sa sarili ko. Dahil sa ganitong paraan, mabibigyan ko ng dahilan ang sarili ko na ipamukha sa sarili kong ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kaya wala dapat akong karapatang masaktan kung ikakasal na sya sa iba dahil ako ang nang IWAN.

Napa balikwas ako nang maka rinig ng katok. Napa lingon pa muna ako sa bukas na bintana sa labas ng kwarto ko. Madilin na. Shit! Naka tulugan ko pala ang pag iyak. Hinilamos ko ng aking mga palad ang aking mukha upang mabura ang mga luhang dumaan dito. Sana lang hindi namamaga ang mga mata ko. Agad akong lumapit sa pintuan ng aking kwarto at binuksan ito.

Bumungad ang naka ngiti kong ina. Hindi ko alam kung kakauwi nya lang o ano dahil bihis na bihis pa rin sya.

"Hi ijah. Kaka gising mo lang?"

"Yes mom. Please come in." Saka ko binuksan ng malawak ang pinto.

"Thanks darling but I'm just here to tell you that we have visitors right now. Some of them are our clients. They will have a dinner with us. So go ahead and ready yourself. We will wait you at the garden."

Bahagya akong nagulat sa binalita nya. Pero agad akong tumango.

"Sure mom."

"Okay darling."

Hinaplos pa muna nya ang mukha ko bago tuluyang tumalikod at nag lakad na pababa ng hagdan.

Isinara ko ang pinto saka napa sandal dito at napa buntong hininga.

Client? Mukang mapapa aga ang simula ng trabaho ko ah.

What's wrong with that Daisy? That's the reason why you go back here right? Work.

Kaya agad akong dumerecho sa banyo at nag madaling naligo. Nakaka hiya naman kung pag hihintayin ko ang mga bisita. Matapos maligo ay dumerecho ako sa veranda upang silipin ang mga bisita sa garden. Lahat sila ay naka formal attire kaya agad akong pumili ng damit na babagay sa dinner na ito.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon