CHAPTER 45 "Trying To Blend"

228 8 2
                                    

Kinabukasan ay ginawa naming busy ang aming mga sarili sa pag hahanap ng trabaho. Ang main reason ko ay para may mapagka abalahan habang si Cherry naman ay para may maipadala sa mama nya na naiwan sa Pilipinas.

Sa isang coffee shop kami naka pasok. Hindi ganun kagaan ang trabaho, hindi din ganun kabigat. Nakikita kong nag eenjoy si Cherry kagaya ko sa bago naming trabaho. Hindi nya na ako boss ngayon, pantay na kami pero nandun parin ang pag galang nya sakin.

Lumalabas kami tuwing off namin at namamasyal sa kung saan-saan. Minsan naman nag sstay lang kami sa bahay at tuturuan syang mag surfing kapag hapon na. That's how ur lives run here. Laking pasasalamat ko na dumating sya. Dahil hindi na ako madalas nalulungkot gaya noong unang buwan akong narito. Iba parin ang may kasama sa bahay at sa buhay. Nakaka tawa lang dahil parehas kaming narito sa parehas na dahilan, pagibig.

Isang buwan palang ang nakaka lipas simula nang maka pasok kami sa coffee shop pero inofferan agad ako ng may ari ng mas mataas na position dahil nakita nya ang credentials ko. Pero tumanggi ako dahil masaya ako sa pag gawa ng order ng mga cutomers, mag linis ng mga tables, mag map ng sahig at ang magkaroon ng time na maka usap mo ang mga customers. I don't need a lot of money this time, all I just need as of now is to grow my humanity and live with a happy life.

On the next month, Taylor, Tyler and Brent visit me again. At nagulat sila nang makita si Cherry. Si Tyler lang ang nakaka kilala sa kanya dahil hindi naman ako nag karoon ng chance na ipakilala si Cherry kila Tay at Brent.

"You're here cutiepie." Bati sa kanya ni Tyler habang ginugulo ang buhok nya.

"Hi sir Tyler." Nahihiya namang bati sa kanya nito.

"Oh come on, please drop the sir. Just call me Ty." Sabay kindat.

Naiiling ko naman syang sinaway. "Please Ty, not her." Banta ko sa kanya.

Agad naman syang lumapit sa akin at umakbay. "Oh my babe is jealous here." Nang aasar nyang sabi.

Siniringan ko lang naman sya sabay sabing "Asa."

Dinilaan sya ni Taylor, inaasar ang kapatid. "In your dreams twin brother."

"By the way guys, for the two of you," Binalingan ko ang magka akbay na mag kasintahan. "this is Cherry my friend."

Unang lumapit si Taylor kay Cherry at nakipag shake hands. "Hi Cherry. I'm Taylor." Pakilala nya dito. "She's so cute and adorable." Comment nya pa habang naka tingin sakin.

"She's my baby actually." Sagot ko. Para ko naman talagang baby ang batang yan. Para ko na syang kapatid kung tutuusin.

Pero bigla na namang nag react ang katabi ko. "I thought I'm your baby?"

Nag dadrama na naman sya. "Shut up Ty." Saway ko sa kakulitan nya saka bahagyang siniko sa tagilran.

Sumunod namang nag pakilala si Brent. Habang si Cherry naman ay namamanghang naka tingin sa mga foreigner kong mga kaibigan.

Nag file kami ni Cherry ng three days leave dahil alam kong pupunta silang tatlo dito.

Mas masaya kami this time dahil nadagdagan kami ng isa pa. We spent the three days with movie marathon, eating and playing at the beach. Pero dahil alcoholic ang mga kaibigan ko hindi mawawala ang alak. We enjoyed partying and dancing at the shore under the light of the beautiful moon.

Napa upo ako sa buhangin habang hawak ang bote ng beer sa kamay ko saka tumingala sa langit. Napa ngiti ako nang maka kita ng maraming stars. Isang tao lang ang naalala ko kapag naka tingala ako sa mga bituin. Ang tanging tao na walang ginawa kundi ang mahalin ako pero lagi ko namang iniiwan.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon