CHAPTER 42 "Problem"

188 8 0
                                    

BUSY ako sa pag rereview ng isang financial report nang bigla-bigla nalang bumukas ang pinto ng office ko.

Dere-derechong pumasok ang taong di ko inaasahan. Kasunod si Cherry na nagugulat at aligaga sa biglaang pag pasok nito.

"I'm sorry miss D bigla po syang pumasok." Paliwanag ni Cherry.

"Shut up! You don't know me." Bulyaw sa kanya ni madame Constancia.

Nagugulat na nilingon ako ni Cherry. Natatakot.

"It's fine Cherry you can leave us."

Nang maka labas si Cherry ay binalingan ko ang kaharap.

"Take a sit." Saka ko itinuro ang upuan sa harap ng mesa ko.

Pero siniringan nya lang ako na parang sinasabi nya na 'bakit ako uupo dyan?'

Nang di sya gumalaw para maupo ay ako nalang ang naupo sa swivel chair ko saka sumandal. Ipapakita ko sa kanyang hindi ako nasisindak sa kanya.

"So what brings you here madame Constancia?" Nilabanan ko ang masama nyang titig pero natawa din sa huli. Isang mapang asar na tawa.

"You act like you're not afraid with me." Then she cross her arms showing her branded watch.

"You're correct with that." Sagot ko sa kanya. Hindi nag baba ng tingin.

Tatlong araw palang mula noong urgent meeting na ginawa nya nandito na naman sya para buwisitin ako.

"Matapang ka. Dahil ba alam mong mahal ka ng anak ko?"

"Mukang mahaba-haba ang pag uusapan natin madame, maupo ka kaya muna."

"Tsss no thanks."

"Ikaw bahala. Pero para sagutin ang tanong ninyo, hindi lang sa dahil mahal ako ng anak ninyo kundi dahil sa mahal ko rin sya. You can't do the same thing you did with my parents. You manipulative witch!"

"What did you say?" Nanlalaki ang mata nya sa sinabi ko. "How dare you talk to me like that?"

"Bakit madame, masakit ba ang mabastos ng taong pakakasalan ng anak ninyo? Marunong po akong gumalang pero depende sa taong kaharap ko yun."

"I don't need your respect because you will never be part of my family. You're such a bastard bitch." Nang gigil nyang sigaw sakin. "I will do everything para hindi ikaw ang pakasalan ng anak ko. Tandaan mo yan!" Pahabol nya pa.

"Try harder madame." Pang aasar kong sagot.

Pabagsak nyang sinara ang pinto dahil sa inis. Habang ako ay nang hihinang napa sandal muli sa inuuuapan ko. Parang naubos lahat ng lakas ko dahil sa usapan na iyon.

Hinihilot ko ang sintido ko nang pumasok muli si Cherry.

"Miss D okay ka lang?" Nag aalala nyang tanong.

"Yeah. I'm fine."

"Sino po ba yun?"

"Mama ni Vince." Simple kong sagot.

Hindi sya agad naka sagot. "Mama ni sir Vince? Pero bakit parang galit sya?"

"She doesn't want me for Vince." Maikli kong paliwanag.

Tumango lang sya at di na nag kumento pa. Yan ang nagustuhan ko sa kanya. Alam nya kung kaylan dapat tumahimik.

---------------------------

"How's your day baby?" Tanong ni Vince habang nag mamaneho. Sinundo nya ako sa office like the usual. "You look drained."

"Your mom went in my office."

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon