CHAPTER 29 "Ruined"

217 10 1
                                    

Napapa ngiti ako habang pinag mamasdan ang profile picture nya sa facebook. It's the same picture as I have capturing:

My everything.
#baby

Punyemas! Kinikilig ako kahit pang benteng ulit ko nang tinignan 'to.

"Miss D."

Nagulat ako sa presensya ni Cherry na mukhang nag tataka habang naka tingin sakin.

"Yes?" Painosente kong tanong upang mapag takpan ang pagka pahiya sa pagka huli nya sakin na ngumingiti mag isa.

"Itatanong ko lang kung tuloy po ba yung lakad natin after ng trabaho?"

Sinara ko ang laptop ko saka umunat sa pag upo.

"Ah yeah. Tuloy yun. So be ready."

Agad naman syang tumango. "Okay po. Mag papaalam na po ako sa mama ko."

Nginintian ko sya. "Okay." Maki mama talaga ang batang 'to.

Tinuloy ko na rin ang trabaho pag alis nya. Alas kwatro na. Kaya maya-maya lang ay aalis na kami.

Since eight pm pa kami pupunta sa bar ay sa mansion muna kami dumerecho para makapag dinner.

"Ilang taon kana ijah?" Tanong ni dad kay Cherry habang kumakain kami ng hapunan.

"Twenty po sir." Magalang nyang sagot.

"And you graduated as?"

"Fresh graduate po ng Bachelor of Business Administration sir."

Nginitian sya ni dad habang kami ni mom ay nakikinig lang.

"Just drop the sir pag nasa labas tayo ng office. I can see how close you are with Daisy kaya hindi ka na din iba sa amin. Thanks for being a good secretary to my daughter."

Medyo nagulat pa sya sa narinig kaya lumingon sya sakin nang hihingi nang permiso. Agad ko syang nginitian saka tumango.

"Thank you po..."

"Tito nalang ijah." Dugtong ni dad.

"Thank you po tito." Nahihiya nyang sabi.

"You know dad, mom. Cherry is very efficient with her work. Wala akong nagiging problema. Para ko na rin syang kapatid. You know." Dagdag ko pa.

Ngumiti si mommy habang si dad naman ay ngumisi nang nakaka loko.

"You can have her as your sister since me and your mom is still working for your soon to be sibling."

Nanlalaki ang mata kong binalingan si mom. Kahit alam kong biro lang yun ni dad, nakaka gulat pa rin marinig.

Natatawa syang hinampas ni mom. "You silly. I'm too old to get pregnant again."

Nakitawa na rin si Cherry sa amin. And our dinner went happy and enjoying.

Nandito na kami ni Cherry sa kwarto ko para mag bihis. Pina suot ko sa kanya yung binili kong dress para sa kanya noong nakaraang nag shopping ako. Ayaw nya pa sanang tanggapin dahil marami na daw akong nabibigay sa kanya but I insist. Sobra akong natutuwang bihisan sya. Para ko syang manika.

Tapos na kami sa pag aayos nang nag ring ang phone ko.

"Yeah. We're done. Cherry will be with us. Okay. We're going down." Saka binaba ang tawag.

Nilingon ko si Cherry na nag hihintay lang sakin.

"Tara na sa baba. Nandyan na daw si Vince."

Binigyan nya ako ng nakakalokong tingin.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon