CHAPTER 35 "Offer"

183 4 0
                                    

Hindi ko sya sinagot. Wala ako sa mood para makipag bangayan sa kanya.

"I guess the news already reached you." Mapang asar nyang sabi.

Doon nya nakuha ang atensyon ko. Kaya napa lingon ako sa kanya. Naka upo sya patalikod sa bar counter habang naka dipa ang isang braso at mayabang na naka de quatro. Kung titignan ko sya, masyado syang hard na tao siguro dahil sa features nya.

"Ano bang alam mo?" Inis kong tanong pero ang totoo ay curious talaga ako sa kung anong alam nya.

"Well nandun ako sa engagement party ng boyfriend mo."

Tinignan ko sya ng masama. Hindi naniniwala sa sinasabi nya. Dahil kung nandun talaga sya nung engagement, bakit nandito na sya? I also saw him last wednesday night and yesterday then today.

"Ayaw mong maniwala? Last Sunday nangyari ang engagement. At kaka uwi ko lang this Wednesday just to clear your mind up." Mayabang nyang sabi.

Inismiran ko sya kahit na sa loob loob ko ay pinag tatagpi-tagpi ang sinasabi nya.

Kung noong Sunday pa yun. Bakit ngayon lang pinakita sakin ni Trisha?

Kinuha ko ang shot na inorder nya para sakin at inisang lagukan ito. Agad nanuot ang pait sa lalamunan ko pero gusto ko yun.

"So what's your plan now?" Bigla nyang tanong sa kabila nang mahabang katahimikan sa pagitan namin.

"Plan for what?" Walang gana kong tanong. Napapagod narin akong mag taray sa kanya dahil sa totoo lang feeling ko sya ang kakampi ko ngayon dahil sa mga sinasabi nya.

"Your plan. Yung boyfriend mo engaged na sa iba."

"Wag mo nang ulit-ulitin." Inis kong bulong na ikinatawa nya.

"Oh sorry. Napag didiinan ko ba." Natatawa nyang sabi. Sinamaan ko sya ng tingin. Gusto ko syang suntukin dahil ang lakas nyang mang asar.

"I will talk to him first bago ako mag paplano." Yun ang unang pumasok sa isip ko. Dahil tingin ko ay yun ang tama kong gawin. I don't want to make a same mistake again. I concluded before na mag pinsan kami kaya nag pasya akong lumayo. But now, I want to hear it from him. At gusto kong magka closure kami kung totoo nga.

"Woah! Sa tapang mong yan di ko alam na ganyan ka pala ka martyr."

Hindi ko maiwasang kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Anong karapatan nyang sabihan ako nang martyr? Did he know me? Pero hindi ko nalang pinatulan pa.

"Call me in anyway you want mister. I just don't want to make a same mistake again."

"Ganun ba yun? O baka ganun mo lang talaga sya kamahal?"

Nagulat sya nang ngumiti ako. Dahil sa lahat ng pang bubuwisit nya sakin, yan lang ang pinaka masarap pakinggan sa mga sinabi nya.

"If you love. You need to endure the pain. Because you will not be hurt if you don't love."

Natahimik sya sa sinabi ko saka tumungga sa baso nya.

"You're so deep." Pahayag nya na nginisihan ko lang. "Sana may babae ding mag mamahal sakin ng ganyan. Will accept and love me no matter who I am."

Napa tingin ako sa kanya dahil napaka seryoso ng pagka sabi nya.

"Asshole ka daw kasi kaya walang nag mamahal sayo." Ganti ko sa lahat ng pang aasar nya sakin.

"Hey! Foul yun ah." Saway nya sakin na tinawanan ko lang.

Until I just saw myself laughing with this guy. Akala ko puro pang aasar lang ang kaya nyang gawin. Sya pala ang makakapag pagaan ng loob ko.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon