CHAPTER 26 "Siargao"

224 8 1
                                    

Buong weekends ako nag stay sa Blue House kasama si Vince. Hindi naman na nag tanong sila mom and dad nang ihatid nya ako Sunday night. Ngitian at tanguan lang ang namagitan sa kanila nang mang hingi ng paumanhin si Vince sa biglaan kong pagka wala.

Hindi ko maiwasang hindi itanong sa kanya kung sinong kasama nyang mamili ng mga damit kong casual na nasa Blue House. Nang mapa tingin kasi ako sa suot kong white mickey mouse crop top at denim skirt ay naisip kong hindi ganito ang taste na damit ni Vince para sakin. He would choose a covered clothes rather than this.

"Ahm Vince." Tanong ko sa kanya nang nasa sasakyan kami pauwi.

"Hmmm?"

"I'm just wondering, sinong kasama mo noong binili mo 'tong mga damit ko. 'Coz actually its girl's choice."

Hindi agad sya sumagot. Lumiko muna sya papasok sa kanto ng subdivision namin.

"Margarette chose your clothes. She's good at that so I asked her help."

Binawi ko ang tingin ko sa kanya kasabay ng pag ismid ko. Hindi maiwasang hindi mag selos.

"So madalas mo pala syang kasama mag shopping? Ang sweet naman." Nang aasar ako pero ang totoo ako ang naaasar sa nalaman.

"Don't be jealous baby. That was just a friendly bonding." Nangingiti sya habang sinasabi yan. Masaya sya na nag seselos ako sa babaeng yun.

"Huh? Jealous? I'm not! Kaibigan mo nga diba. Edi kayo na." Sabay irap ko saka umupo patalikod sa kanya.

Hindi na sya sumagot pa pero narinig ko ang marahan nyang pag tawa.

Ang saya-saya nya pa eh.

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Vince never get tired fetching and driving me home. Naawa tuloy ako sa sasakyan ko. Baka kalawangin na.

We are both busy with our own work but  still have time for each other. Madalas kaming mag dinner sa labas bago nya ako ihatid sa bahay.

I can say that the first week of our relationship was been good and fine.

Naitanong ko din sa kanya kung nabanggit nya na ba sa mga boys ang tungkol sa amin. Hindi pa daw nya nasasabi. Pag nag bonding nalang daw ulit ang lahat.

Naalala ko din sila Trisha at Jayson. Hindi ko pa sila nababalitaan. May time naman siguro para dyan.

Dahil ngayon ay busy ako sa pag prepare nang mga dadalhin ko sa beach escapade namin nila Taylor. It's Friday night at kakauwi ko lang galing office. Kahapon ko pa naayos ang maleta ko. Mga personal things nalang ang inaayos ko ngayon. Nag bihis din ako nang comfy clothes; maong shorts and checkered long sleeve and white converse for my feet.

Agad akong sinalubong ni Vince nang makita nya akong hila-hila ang aking bagahe habang papababa nang hagdan.

Bigla akong nailang nang pasadahan nya ako ng tingin habang humahakbang sya sa bawat baitang papunta sakin.

He's checking what I'm wearing, I know.

Umiwas nalang ako nang tingin. Hindi parin talaga ako nasasanay sa tingin ng gwapong lalake na 'to.

Walang kahirap-hirap nyang binaba ang luggage ko. Nasa sala sila mom and dad inaabangan ang pag alis namin.

"Hindi ba muna kayo mag didinner?" Si mommy.

Naka ngiti akong umiling sa kanya.

"Hindi na po mom. Nag mamadali po kasi kami. Nine pm po ang flight namin. Sa airport nalang po siguro while boarding."

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon