CHAPTER 14 "Tyler"

225 10 0
                                    

Coron is a beautiful island. The white powdered sand and the crystal clear water makes me want to dive now to the sea. But I held up myself. We're still here in the site checking and talking about the additional plan for our new resort hotel here.

Nag uusap-usap ang lahat pabilog. Sampu kaming lahat na narito habang ang ibang employees ay naiwan sa hotel at nag hahanda na sa team building na uumpisahan namin mamaya.

Cherry is busy with her planner, writing down all important details while me is just listening with their talk since I don't have any knowledge about building a hotel. My expertise is on how to manage business.

I cross my arms while listening then the two person in front of me caught my attention. Vince put her hands on Margarette's hat to stop it from flying because of the strong wind while his another hand is cooly resting inside the pocket of his board short. And I can read Margarette's mouth saying 'thank you' to him shyly.

Napa iwas ako ng tingin dahil bigla na namang kumirot ang puso ko. Pero sinasabi ng utak ko na tignan ko lang sila para masanay na ako. Masanay na ako sa sakit.

Then I just found myself following my mind's command.

Pinako ko lang ang tingin ko sa kanila. Nakita iyon ni Vince kaya tumingin din sya sakin. Kita ko ang pag tataka sa mga mata nya pero hindi ko parin inalis ang tingin sa kanya. I want to show him that I can now see him happy with other girl. Na kaya ko na. Na tanggap ko na. This is my only way to bring up my pride for myself.

Kahit pilit ko lang nilalabanan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi sya naka tagal sa tingin ko kaya sya ang unang umiwas.

Even in the yacht when we are going back to the hotel. Pinag sawa ko ang sarili ko sa sakit kakapanuod sa sweetness nilang dalawa. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Vince na maging sweet sa fiance nya dahil alam nyang naka tingin ako o ano. But whatever it is...I know, mapapagod at magiging manhid din ako. Sa tamang panahon.

May mga naka ready nang volleyball net sa dalampasigan nang dumating kami sa resort. Naroon na rin ang mga empleyado at handa na ang mga larong pre-ni-pare nila para sa team building.

Tuwang-tuwa ako sa panonood sa kanila nang nag tag of war na sila. Ang mga girls ang nanalo. We also have price for the winners.

Ang sumunod na laro ay amazing race. They request me to play with them kaya pumayag naman agad ako. Pero biglang sumibol ang competitive spirit ko nang pinilit din nila si Margarette na sumali sa kabilang grupo.

I want to win this game. Even just this game.

Because of my will power to win, nanalo nga ang grupo namin kahit na naka dress lang ako game na game ako sa pag takbo. I'm a sporty lady anyway.

Nagulat ako nang lumapit sakin si Margarette nang naka ngiti.

"Congrats! That was a nice game." I can hear sincerity in her voice na lalo kong kinainis. Nakaka inis kasi ang bait nya. Hindi ganito ang iniexpect kong attitude ng fiance ni Vince. I thought I can use my bitch lines I learned from Taylor. But I'm wrong.

Masyadong genuine yung ngiti nya. Nag mumuka tuloy ako lalong bitter.

Bakit ka ba ganito langit?

"Thank you as well." Naiilang kong sagot pero nginitian narin sya.

Umalis din naman sya agad sa harap ko at dumerecho sa pwesto kung nasaan si Vince. Naka upo si Vince sa isang sand lounge katabi lang kung saan yung lounge nila mommy.

Dahil break muna sa mga palaro. I took the chance to do what I'm really excited for. Lumapit ako kay mommy na prenteng nag sa-sun bathing habang naka higa sa lounge nya.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon