CHAPTER 16 "Closure"

237 8 0
                                    

Sa sobrang inis kay Margarette ay nag paalam na ako kila mom at dad na aakyat na ako sa suite ko. Agad naman silang pumayag siguro dahil akala nila hindi pa ako okay.

Pero okay ako kanina. Ngayon hindi na. Bwisit na babaeng yun.  Bait-baitan lang pala.

Naabutan ko si Cherry na naka dapa sa kama nya habang hawak ang cellphone. Agad ko syang nilundag at tumabi sa kanya pag higa.

"Hoy sino yang kachat mo?"

Nagulat sya pero hindi man lang nya tinago yung cellphone sakin.

"Si Mark po. Yung kaibigan mo." Pag susumbong nya.

Tinaasan ko sya ng kilay.

"At paano mo sya naging friend sa Facebook aber?"

Kumunot ang noo nya na parang may naalala syang hindi kanais-nais.

"Naiwan ko kasi 'tong cellphone ko nung nag CR ako kila kuya Xave. Sya ang naka dampot. Kinabukasan nagulat nalang ako may notification nalang ako na in-accept nya na yung request ko. Eh hindi ko naman sya in-add." Paliwanag nya.

"Pero close na kayo ngayon?" Hindi ko mapigilang hindi maintriga.

"Sakto lang naman. Nag uusap lang kami ng random topic. Saka pag kailangan nya daw ng kausap at malungkot dahil sa babaeng gusto nya."

"Si Gracianna ba?" Bakit naman kaya? Baka yun yung problema nya kaya sya tahimik nung birthday ni Xave.

Nag kibit balikat sya.

"Hindi ko alam. Hindi naman nya binabanggit sakin yung pangalan. Basta pag nalulungkot daw sya ako ang kinakausap nya." Humarap sya sakin. "Mukha ba akong clown D?" Ang seryoso ng pagka tanong nya kaya mas lalo kong gusto matawa.

"Hindi naman." Pigil tawa kong sagot.

"Eh bakit natatawa ka?" Simangot nyang tanong.

Ang cute talaga ng batang 'to. Kaya kinurot ko sya sa pisngi.

"Ang cute mo talaga." Agad nyang hinimas yung pisngi nyang kinurot ko. "Pero ingat ka lang kay Mark. He's my friend pero matinik yan sa babae."

Kumunot nanaman ang noo nya na parang hindi nya ako naiintindihan.

"Anong ibig mong sabihin D?"

Oo nga pala marami pang hindi alam 'tong batang 'to. Ang late bloomer naman kasi nya.

"Nagka boyfriend ka na ba?"

Agad syang umiling. "Ha? Hindi pa ah! Yari ako kay mama."

Sabi ko nga.

"Eh crush?"

Nag isip sya saglit. "Mmm...oo. Yung isa sa mga kaibigan mo."

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Bigla akong kinabahan na baka si Vince ang crush nya.

"Yung sikat na singer. Si Jayson Dee. Hindi ko alam mga bigatin pala mga kaibigan mo D."

Naka hinga ako ng maluwag dahil sa sagot nya.

"I'll tell you a secret." Bulong ko sa kanya.

"Ano yun? Ano yun?" Agad nyang nilapit ang tenga nya sa akin.

"Crush ko din yun dati."

Dahan-dahang nanlaki ang mata nya.

"Talaga?" Hindi nya maka paniwalang sabi.

"Oo. At alam nyang crush ko sya."

Mas lalo ata syang nagulantang dahil naka buka pa ang bibig nya.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon