SPECIAL CHAPTER

259 9 7
                                    

SPECIAL CHAPTER

I can’t stop myself from crying while slowly walking at this red carpet in my way to the man whose waiting for me beside the altar. Napaka gwapo nyang tignan sa suot nyang white three piece suit habang nasa harap nya ang kanyang parehong kamay na magka hugpong. Naka ngiti sya sakin pero halata ang pag pipigil nya ng iyak dahil namumula ang kanyang mata at ilong habang kinakagat ang ibabang labi. Paraan nya marahil para mapigilan ang luhang gusto nang bumagsak.

Napa lingon ako sa paligid. Sa mga espesyal na tao sa buhay namin ni Vince na masayang pumapalakpak habang naka tingin sakin. Mom and dad is here. Mom is already crying habang inaalo naman sya ni dad na yakap-yakap na sya ngayon.

Napalingon ako sa kabilang gawi nang may pumito. Ang mga kaibigan ni Vince kasama ang mga babae sa buhay nila. Kumpleto sila lahat. Gusto kong mapa pikit, mga pasaway talaga. Nag lalakad palang ako papuntang altar pero nag iingay na sila ng ganyan. Nakaka hiya sa pastor na mag kakasal sa amin.

Nandito din si Trisha at Jayson na masayang nanunuuod sa akin. Si Mr. Willies ay nandito din dahil nag presinta syang maging ninong namin. Sobrang gulat nya nang malaman kung gaano kabigatin ang nahire nyang crew. He already knew about Vince’s real profile. Mas mayaman pa pala ito sa kanya kaya inulan nito si Vince ng tanong kung bakit pumasok ito sa coffee shop nya bilang crew. But Vince answered him with his cheesy line, “I just want to be with my girl every time.

Nakita ko rin si Terry na nag pupunas ng luha. Gusto kong matawa. Hindi ko kasi alam kung tears of joy ba iyon o luha ng hinagpis dahil ikakasal na ang crush nya. Hindi naman naging sekreto sa amin ang pag kakagusto nya kay Vince. Because she bluntly show it whether I’m around or not.

Napili namin ni Vince na dito ganapin ang kasal sa dalampasigan sa tapat lang ng cabin namin. He proposed to me just three months ago. At talagang pinangatawanan nya na hindi na sya makakapg hintay ng matagal pa kaya natapos nya ang preparation ng ganito kabilis. Nagawa nya ring papuntahin ang mga espesyal na tao sa buhay namin. Though alam kong medyo malungkot sya dahil dineadma lang ng mama nya ang invitation na pinadala dito. I hope time will come, magka ayos na rin silang mag ina.

Napuno ng iyakan at tawanan ang pag papalitan namin ng vows dahil sumisingit ang mga kulugo sa likod namin.

You are the sunshine of my life baby.” Madamdaming sabi ni Vince habang naka tingin sa mga mata ko.

Muka mo Vince!” Sigaw ni Mark.

Nilingon nya ang mga kaibigan. “Can you please shut up you all?” Saway nya dito dahil kanina pa ito panay ang sabat sa mga sinasabi nya na tinatawanan ng lahat maging ng pastor na nag kakasal sa amin.

Matapos ang seremonya ay nag simula na ang kainan na sa dalampasigan din ginanap. Laking pasasalamat ko na nakiki ayon ang panahon. Hindi umuulan, hindi din ganun kainit. Sakto lang.

Dey! I’m so happy for you.” Tili ni Trish saka ako sinunggaban ng yakap. Mabilis naman syang sinaway ni Jayson dahil sa careless nitong kilos.
Ay sorry, nakalimutan kong buntis pala ako.” Natatawa nitong sabi habang nag papacute sa asawa.

Thank you for coming.” Pasasalamat ko sa kanila.

Oo naman. Kahit na nag tatampo ako dahil wala ka sa kasal namin dahil missing in action ka nanaman.

Pasensya na talaga. Thank you for coming Jay.” Baling ko kay Jayson saka yumakap dito.

Anything for you Dey.” Naka ngiti nitong sagot.

Agad akong kumalas sa yakap dahil naisip kong baka mag selos nanaman tong gaga kong kaibigan na mukhang nahalata nya ata.

Don’t worry, hindi na ako nag seselos. May anak na kami no, jusko naman!” Saka bumunghalit ng tawa. Parang timang talaga.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon