CHAPTER 15 "Volleyball"

229 9 0
                                    

Nag lunch ang lahat sa restaurant ng hotel nang mag alas dose na. Ipag papatuloy ang palaro mamayang alas dos.

Huling dumating sa mesa sina Vince at Margarette. Pansin ko ang madilim na mukha ni Vince. Saglit nya akong tinignan pero napa yuko ako agad dahil sa talim noon.

Ano bang problema nya sakin? Kung may away silang mag fiance hindi nya dapat ako idamay.

Bigla tuloy akong nainis. Kung ayaw nya akong makita o makasama, dapat hindi nalang sila pumunta. That's easy. Hindi yung dinadamay nya ako sa init ng ulo nya.

Nakipag kwentuhan nalang ako kay Tyler habang kumakain na walang ginawa kundi dagdagan ng dagdagan ng pagkain ang pinggan ko.

"Hey! Stop. I can't eat it all." Saway ko sa kanya na nag lalagay nanaman ng kanin sa plato ko.

"You need to eat a lot. Look at you, you get more skinnier than the last time I saw you." Panenermon nya naman.

Bahagya akong napa tingin sa braso kong mukhang lumiit nga. Maybe because I don't have any appetite this last few weeks, that's why.

"You know that I don't eat too much rice. It will destroy my diet." Dependsa ko sa sarili ko.

"You should listen to me this time babe."

Napa tingin ako sa mga kasama namin sa table nang tumikhim si Vince. Kinuha nya ang baso ng tubig nya saka uminom dito habang malalim na naka tingin sa akin.

Problema nya ba? Pasimple ko syang inirapan.

Hindi nalang ako nakipag diskusyon kay Tyler dahil kami lang ang pinapanuod ng mga kasama namin sa mesa even mom and dad who are hiding their smiles.

Nag lakad-lakad kami ni Tyler sa dalampasigan pag tapos mag lunch. Nag papa baba ng kinain. Niyaya ko si Cherry na sumama sa amin pero ang sabi nya matutulog daw sya dahil inaantok daw sya which is I don't believe because of her smile. Sa ngiti nya palang halatang tinitukso nya na ako.

"So how's L.A.?" I ask.

"It was boring without you." Natawa ako sa sagot nya lalo pa at seryoso yung pagka sabi nya.

"Aaaw...really?" Pang aasar ko habang natatawa.

"Oh don't laugh at me. That's true.

"Stop being so dramatic Ty." Natatawa kong saway sa kanya.

Huminto sya sa pag lalakad at pinanliitan ako ng mata habang nasa bulsa ng shorts nya ang kanyang mga kamay. Hindi ko alam kung seryoso ba yung tingin nya o nag papacute lang.

"I'm dead serious Daisy."

Napa 'okay' nalang ako dahil mukang seryoso na nga sya.

Binuksan ko nalang ang camera ko saka kinuhanan ang mapayapang dagat.

Humarap din sya sa dagat gaya ko.

"I can see he's looking at you."

Hindi na ako nagulat sa sinabi nya. Alam kong io-open nya talaga ang about kay Vince.

"I don't know." Pag kukunwari ko.

"Don't lie Dei, I know you saw it as well."

"I don't care." Balewala kong sagot habang tinitignan sa screen yung mga kuha kong litrato.

"Really? Are you saying that you already moved on from him?"

Hinarap ko sya saka binaba ang hawak na camera.

"Honestly? I'm not, yet. But that's what I need to do. Have you seen the girl? She's beautiful and...kind. She more deserves him."

"Are you still hurt?" Napa yuko ako sa tanong nya.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon