CHAPTER 41 "Pool"

213 9 0
                                    

WARNING: SPG content

BUONG maghapon kaming nag movie marathon. Bandang alas kwarto ay nag paalam si Mang Selyo na uuwi na dahil may pupuntahan daw sya at bukas pa ng hapon ang balik.

Namiss ko ang mag luto kaya nag luto ako ng tinolang manok for dinner. Parehas kami ni Vince na maraming nakain. Huli na nang maalala ko ang diet ko. Mag eexcercise nalang ako bukas.

"Iniwan mo si Margarette dun kanina paano naka uwi yun?" Bigla kong naitanong.

Nandito kami ngayon sa pink kong kama, just cuddling and talking about random things.

"She has a driver." Sagot nya. Pero busy sa pag singhot sa buhok ko.

"Dapat sinabay mo nalang sya palabas kanina."

Tumigil sya sa ginagawang pag singhot sa buhok ko saka ako sinilip.

"Seriously baby, are you sincere with what are you saying or you're being sarcastic? Aren't you jealous with her?" Nag tataka nyang tanong.

"Sencere ako. Kita ko namang wala syang interes sayo. Saka sayo na mismo nang galing na parehas nyong ayaw ang plano ng mga magulang nyo."

"Yeah. And she's in love with someone else like me kaya ginagawan talga namin ng paraan ang arrange marriage na 'to."

Napa tango nalang ako.

Naalala ko ang ginawa kong pag sagot sa mama nya kanina.

"Vince..."

"Mmmm?"

"Sorry kung sinagot ko ng ganun ang mama mo kanina." Kahit anong iwas ko sa topic na 'to I think we really need to discuss this.

Sinusuklay nya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.

"Actually I was shocked but I think my mother deserved it. Hindi ko na maintindihan ang pagiging manipulative nya."

"How could we be happy kung hadlang satin ang mama mo?" Sobrang namomroblema talaga ako.

"Baby look at me." Kinuha nya ang pisngi ko at hinarap sa kanya. "There's no any important in this relationship but just the two of us. Don't worry, gagawan ko ng paraan si mommy. Hindi ako papayag na may mag papahiwalay sa atin, kahit si mom pa."

Naka tulog ako ng mapayapa dahil assurance na binigay sakin ni Vince.

---------------------

DAHIL maaga kaming natulog kagabi ay maaga akong nagising. Nag lalakad ako papunta sa bintana habang nag pupusod ng buhok.

Papasikat palang ang araw at maaliwalas ang paligid. Iba talaga pag wala ka sa city, sariwa ang hangin.

Napa tingin ako sa pool. Inaakit ako ng malinaw na tubig nito. Halatang alagang-alaga ni Mang Selyo ang buong Blue House, nakaka tuwa. Dati ako ang nag aalaga sa buong bahay na ito. Ngayon may iba nang tao na may puso din para sa Blue House.

Dahil marami akong nakain kagabi, I decided to get a deep in the pool.

Dumerecho ako sa walk in closet ko. May bikini kaya ako dito?

Halos mapa palakpak ako nang maka kita ako ng isang drawer na puno ng iba't-ibang bikini.

Bilib na talaga ako sa boyfriend ko, kumpleto na lahat ng kailangan ko dito sa walk in closet ko.

Pinili ko ang red tube bikini na paribbon ang harap. Naka ngiti akong lumabas ng walk in closet at dumapo ang tingin ko sa mahimbing pang natutulog kong pinaka mamahal na lalake sa buong mundo.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon