CHAPTER 40 "Last Name"

188 8 0
                                    

Kinakabahan ako habang nag dadrive papunta sa main branch ng hotel namin. Doon daw gaganapin ang urgent meeting.
I don't know why it's necessary to attend it. I'm not actually a Montemayor.

Hindi na ako nag text pa kay Vince dahil alam kong mag kikita din naman kami sa family meeting na 'to.

Pag tapos ko mag park sa basement ay nag retouch muna ako saglit sa loob ng sasakyan. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung sino-sino ang nandoon. Kung buong pamilya ng Monetemayor ang meeting na 'to, ibig sabihin makikita ko na ang angkan ni Vince.

Pinapakalma ko ang sarili habang nasa loob ng elevator. Sa conference room daw gaganapin ang meeting at sa fifteenth floor yun. Dadalhin ko sana si Cherry but I think it's not applicable since family meeting ito.

Laking pasasalamat ko nang pag pasok ko sa loob ng conference room ay sila mommy at daddy palang ang tao. Agad akong lumapit sa kanila, bumeso at nag mano.

"Good thing you're already here ijah." Nag aalalang sabi ni mommy.

Nag tataka ako bakit ganito ang reaksyon nya. She seems tense.

"Why mom? What's wrong?" Nag aalala akong tumingin sa kanya habang umupo sa swivel chair sa tabi nya.

Umiling lang sya saka bumuntong hininga. Nilingon ko si dad. Naka tulala sya at mukang uneasy.

Ano ba ang nangyayari?

"What is it dad? May problema ba?"

Bumaling sya sakin saka ngumiti. Isang ngiti na halatang pilit. "Nothing ijah. Let's just wait for the others."

Hindi na ako nangulit pa. Tahimik nalang kaming nag hintay. Ilang saglit pa ay bumukas na ang double door ng conference room. Niluwa noon ang isang medyo may edad nang babae at medyo may edad nang lalake. Mukang mag asawa sila dahil naka angkla ang kamay nung babae dun sa lalake.

Agad na tumayo sina mom and dad kaya alisto din akong tumayo.

Kasunod ng mag asawa ay isang lalakeng tatlong taon na mas bata kay Vince. He look's like the old man na nauna sa kanya. His father maybe.

Ang sumunod na pumasok ay isang supistikadang may edad na babae. Taas noo syang nag lalakad papasok. Malaki ang pagkaka hawig nila ni Vince. Bigla akong natigilan.

Hindi kaya...mama nya ito?

Hindi pa nga ako nakaka recover sa pag pasok ng posibleng mama ni Vince ay bumungad na agad sakin sa pinto si Vince. He looks so serious at mukang may malalim na iniisip. Pero natigilan ako nang makita na may babaeng naka kapit sa braso nya.

Margarette....

Like her usual face, parang wala lang lahat. Gusto ko nang maniwala sa sinabi ni Vince na parehas nilang ayaw ang idea ng mga magulang nila tungkol sa pag papakasal sa kanila.

Hindi ko alam ang gagawin ko. pero nang makita ko sila dad at mom na lumapit sa kanila para makipag beso ay humakbang na rin ako papalapit sa kanila kahit na nainigas ang paa ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Una kong nilapitan ang mag asawa saka bumati at nag mano. Naka tingin sila sakin ng mataman. Walang sinasabi. Hindi ko alam kung nag tataka ba sila kung sino ako o may idea na sila sa pagkatao ko.

Nang walang nakuhang kahit ano sa mag asawa ay bumaling ako sa marahil ay anak nila. Nag lahad ako ng kamay.

"Good afternoon. I'm Daisy."

Inabot nya ang kamay ko. "Bernard Montemayor." Seryoso nitong pakilala habang naka tingin sakin ng mataman. Nagulat ako nang bahagya syang ngumisi. "Finally meet you." Sinabi nya yun na para bang matagal nya na akong kilala at first time nya lang akong nakita.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon