CHAPTER 20 "That's You"

266 9 4
                                    

Ilang minuto na kami sa ganoong posisyon. Walang nag sasalita, nag papakiramdaman lang.

Pinag lalaruan nya ang mga daliri ko gamit ang kamay nya habang naka patong parin ang kanyang ulo sa balikat ko. Maya't maya nya rin ako kung halikan sa pisngi at sintido.

Hindi ko alam pero hinahayaan ko lang sya. Siguro dahil gusto ko yung pakiramdam na nasa bisig nya muli. Yung pakiramdam na ako lang yung mahalaga sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin pero sabi ng puso ko hayaan ko lang  si Vince.

Masyado akong na ooverwhelm sa nangyayari dahil yung akala kong tapos na talaga ang sa amin ay nag bago na ngayon.

"Vince..." Marahan kong tawag sa kanya.

"Hmmm?" Tinatamad nyang sagot na parang ayaw nyang paistorbo sa pag siksik sa leeg ko.

"I need to go back to my office now. Marami pa akong dapat tapusin." Paalam ko sa kanya.

Akala ko papakawalan nya agad ako pero tinignan nya muna ako kaya hinarap ko sya. Mataman syang naka tingin sakin na tila binabasa ang nasa isip ko.

"Can I go with you?" Tanong nya na kinagulat ko.

Anong gagawin nya sa office ko? Papanoorin ako sa mga ginagawa ko? No way! I'm sure wala akong matatapos pag ganoon.

"I already finished my work today kaya wala na akong gagawin. Promise hindi kita guguluhin sa gagawin mo."

Gusto kong matawa habang tinitignan syang mag paawa. Kaylan pa sya natuto ng mga gawain ni Mark?

Kinuha nya ang kanang kamay ko saka hinalikan iyon.

"Please baby pumayag ka na. And besides marami pa tayong dapat pag usapan."

Dapat pag usapan? Kanina pa kaya kami nananahimik dito tapos marami pa pala syang gustong sabihin.

This guy is really crazy!

Over you.

Napa irap nalang ako sa sigaw ng isip ko at para pag takpan na rin ang kilig na nararamdaman.

"Fine." Pag suko ko saka tumayo mula sa kandungan nya.

Agad nya akong inalalayan patayo. Hanggang pag labas ng pinto ay naka hawak sya sa bewang ko kaya nilingon ko sya.

"Vince, are you really planning to hold me like this while we are walking?"

Tiningala ko sya at mukhang nag taka sya sa tanong ko.

"Why?"

"Ayaw kong maeskandalo ang pangalan natin. So please behave."

Pamangkin at anak ng may ari ng kompanya sweet na nag lalakad. How's that sounds? Kahit pa alam naming dalawa na hindi kami magka dugo, mag pinsan parin kami sa mata ng ibang tao lalo na sa mga hindi nakakaalam ng katotohanan. Ayaw kong makaladkad ang pangalan nila mom and dad dito pati na rin ni Vince. So wherever this thing go, we need to be careful.

"Oh sorry." Mahina nyang sagot saka inalis ang kamay sa bewang ko at umayos ng tayo. Inayos nya rin ang coat nya na bahagyang nagusot dahil sa pag kandong ko sa kanya kanina.

Biglang uminit ang pisngi ko sa naalala. Ginagawa naman namin yun noon pero sobrang iba na ngayon. Siguro dahil sa mga taong lumipas.

Naguguluhang mga mata ni Cherry ang sumalubong sa amin nang makita kung sino ang kasama ko.

"Good afternoon Mr. Montemayor." Bati nya sa lalakeng katabi ko. Kilala nya ito dahil bukod sa nakita nya na ito noong birthday ni Xave. Nakakasama din si Vince sa mga meetings na importante dahil isa sya sa stock holders ng kompanya.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon