CHAPTER 34 "Engagement"

179 4 0
                                    

Tulala akong bumalik sa upuan namin. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng Drew na yun. Saan naman nya nadampot ang kwentong yun?

But even if I want to ignore those shits, I can't stop myself from thinking if it is true.

Kaya ba hindi nya na ako kinocontact dahil busy nga sya sa iba? Kaya ba extended ang stay nya dun dahil nakukulangan pa sila ng oras para sa isa't-isa?

Damn him!

Mas lalo akong nag lasing nang dahil sa isiping iyon.

Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo. I don't know who sent me home? How about my car? Basta pag gising ko ay nandito na ako sa kwarto ko at naka pang tulog na.

Agad akong naligo at nag bihis. Dahan-dahan akong bumaba sa dinning table at nang hingi ng kape sa isa sa mga katulong namin.

"You're so wasted last night darling. What happend?" Masuyong tanong sakin ni mommy habang naka tingin sakin ng may pag aalala.

Bigla akong nahiya.

"I'm sorry mom." Yun nalang ang nasabi ko dahil sa hiya.

Palihim kong sinilip si daddy Ben na naka tingin lang din sakin. I don't know what are they thinking about me right now. Kung alam ba nila na si Vince ang dahilan kung bakit ako nagkaka ganito.

"We will have a lunch meeting with Mr. Monzon later. And he wants me to bring you. Is that okay with you ijah?" Maingat na tanong sakin ni dad.

I nod without any hesitation. Kaylangan kong gawing busy ang sarili ko sa pag kakataong ganito.
"You don't need to go to the office today. Just get rest and be ready later for our lunch meeting." Dagdag nya pa.

"Okay dad. Thank you." Mahina kong tugon.

Sakto namang dating ng request kong kape. Buong breakfast ay naka tungo lang ako at tutok sa pagkain. Ayaw kong iangat ang tingin ko sa mga magulang ko dahil ayaw kong makita nila kung gaano ako ka devastated ngayon.

Pag tapos mag almusal ay umakyat na ako ulit sa kwarto.

I texted Cherry and tell her na hindi ako pupunta ng office ngayon. I just leave some important things she needs to do for today and advice her to go home once she's done.

Naka online ako pero wala akong gana mag kalkal ng social accounts ko. Kaya nag patugtog nalang ako sa cellphone ko habang naka tiyang higa sa kama. Hanggang sa di ko namalayang naka tulog ulit ako.

Nagising ako nang mag vibrate ang phone ko. Dali-dali akong bumango. 'Coz I thought it was him.

But disappointment eat me up again when I saw Trisha's text. Nangungumusta lang.

Mapait kong binitawan ang cellphone ko. Saka dumerecho sa CR para maligo na. It's already eleven and I need to prepare myself for the lunch meeting dad said.

Nag hahanap ako nang masusuot habang may tuwalya sa ulo ko at naka suot ng roba nang pumasok si mommy.

"Mom." Bati ko sa kanya.

"Do you need help?" Naka ngiti nyang tanong sakin saka umupo sa kama ko.

"I just don't know what to wear for this lunch meeting. Do I need to wear corporate attire or just a simple dress will do?"

Tumayo sya at pumasok sa walk in closet ko. Pag labas nya ay may hawak na syang three fourts denim dress. At agad akong umiling sa kanya. Vince bought that dress for me noong nag o-OJT pa ako sa kanya. I brought that in L.A. at inalagaan ng husto. Pero sa estado namin ngayon ay ayaw kong suotin ang kahit anong bigay nya.

Can I Take Care Of You Again? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon