Tangerine's POV
It was pass 5 o'clock already at out ko na sa work. Ngayon ko pala ime-meet yung rented boyfriend ko dito sa malapit na coffee shop lang. He said, he will be wearing a black t-shirt and a white cap.
I checked first my messenger pero wala namang chat mula sa kanya since the last time we chatted. Ipanasok ko na ang phone ko bulsa ko tsaka tumawid na ng pedestrian lane at naglakad patungong coffee shop kung saan lagi akong nakatambay pag break time.
"The usual." Sabi ko pagdating dun sa counter tsaka nginitian yung barista na kilala ko na sa mukha. Umupo ako sa favorite sit ko tsaka ng antay ng order ko at the same time nag aantay ng taong ime-meet ko.
"Sabi ko 5 o'clock eh." I muttered to myself after a few minutes ng pag aantay ko. Nakuha ko na ang order ko lahat lahat ngunit wala parin siya. Tsk! Ayokong pinag-aantay ako -.-
Tutubuan na ata ako ng ugat dito hays.
"Hi!" Bati sa akin ng isang familiar na mukha na kauupo lang sa harap ng pwesto ko.
"Hi." Tipid ko namang bati tsaka nginitian siya ng mejo pilit na ngiti.
Akala ko naman kung sino na... si Lucas lang pala. My college lover slash worst ex. Isa sa mga nanloko sa akin. Ang kapal naman ng mukha niya para humarap pa sa akin huh?
"It's been a long time. How are you?" He started a conversation.
"I'm still breathing." I replied coldly then take a sip on my coffee. Hindi ko alam kung nananadya si tadhana or what. Sobrang liit lang ba talaga ng mundo at sa dinami dami ng coffee shop, sa dinami dami ng taong pwede kong makasalubong ay si Lucas pa.
"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?" He said as if wala kaming issue from the past.
Pinagpalit niya lang naman ako. Pinagpalit niya ako sa akala ko ay kaibigan ko. Pero pareho pala silang ahas. Inuto lang ako, pinaikot ikot na parang bola at penirahan lang nila ako ng kabit niya. Ang laki kong tanga noon. Judge me if you want to. It was a years ago pero hindi ko yun makakalimutan.
"Well, mukhang hindi namang hindi na kailangan. You look so happy and... very well." Nagkibit balikat nalang ako.
"Honey!" Nalipat ang attention ko doon sa babaeng kapapasok lang ng coffee shop.
Wow may reunion? Sila parin pala nung kabit niya. Tibay ng mga mukha ah.
"Hey honey." Bati naman ni Lucas sa haliparot na kabit niya tsaka sila nagtukaan sa harap ko pa mismo. Arggh! Parang kailangan ko din ata maghire ng aso. Ipapalapa ko lang 'tong dalawa 'to.
Napatingin nalang ako sa ibang direction para umiwas sa hindi magandang view sa harapan ko. Baka mag apoy lang ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Ayoko namang umalis noh. Baka isipin naman nila affected parin ako hanggang ngayon though totoo naman pero ayokong ganun ang isipin nila.
Sana lunukin nalang ako ng lupa dito sa kinauupuan ko kesa makita ng harap harapan yung dalawang ahas na'to.
"Oh hi, Tange--tangerine?" Nagdadalawang isip pa nitong banggit ng pangalan ko at nalimutan niya pa ata. Wow ang tibay naman ng sikmura ng babaeng 'to. Sarap sakmalin eh.
Hindi na ako sumagot pa at nginitian nalang din siya ng plastik na ngiti.
Alam ko din namang plastik siya eh. From my peripheral vision ay nakita kong pinandilatan ni Cathy si Lucas. Nagselos pa ata yung legal one?
Nung tumingin naman ako sa kanila biglang sweet naman ang eksena nila at tila pinapamukha pa nila sa akin na happy ang love life nila. Edi kayo na!
Bwisit! Asan naba kasi yung lalaking yun? Hanggat maaari ayokong kumunot ang noo ko dito.
"May inaantay ka?" Lucas asked. Hay naku ang daming dada. Bakit di nalang sila umalis sa harapan ko at ang luwag luwag pa naman ng coffee shop.
"Baby! I'm so sorry if I'm late." Someone says tsaka ako hinalikan sa pisngi dahilan para mapanganga ako. Muntik pang matapon yung coffee na hawak dahil dun sa ginawa niya.
Isang nakablack t-shirt na lalaki at nakasuot ng white cap ang nakatayo ngayon sa harapan ko.
I know it was him. The one who posted the thing so called 'boyfriend for rent'
"Wha-what are you doing?" Nakasalubong na kilay kong tanong sa kanya ngunit sa halip na sumagot sa tanong ko ay nginitian lang ako. Giving the sumabay-ka-nalang-look.
"Your boyfriend?" Napalingon naman ako kay Lucas dahil sa tanong niya.
Para silang nagulat sa nakita nila. So ano? Hindi nila inasahan na may boyfriend ako?
"Yes, I am." Pagsagot ng rented boyfriend ko dun sa tanong nila tsaka ako hinawakan sa kamay na siyang lalong nagpalaki ng mga mata nila. Instead na mainis ako ay parang nakaramdam ako ng tuwa ng makita ko ang itsura nila sa ganung kalagayan.
"Yeah, he's my boyfriend. May problema ba?" Sabi ko naman tsaka inayos yung salamin ko at tumayo na. "Bye." Tumalikod na ako sa kanila habang pasekretong napapangiti. Nakakatawa yung itsura nila.
But wait...
Napahinto ako sa paglakad ng maramdaman kong magkahawak kamay pala kami. Agad ko naman akong kumalas.
"Uhm..." shit wag kang magpadistract Tangerine. "Ba't ang tagal mo kasi? 5 o'clock yung usapan natin diba?" Bulyaw ko sa kanya.
"Whoaa...chill." napaatras namang sabi nito.
"Anong chill? Halos tubuan na nga ako ng ugat doon dahil sa kaaantay sa'yo then you came out tapos nakaisang halik kana agad sa akin?" Ang kapal niya!
"Okay, sorry for being late. Na-traffic lang ako pasensya na. And sorry din sa halik." Ani niya tsaka tinanggal ang suot nitong white cap. Bahagya niyang inayos ang mejo kulay abong buhok nito tsaka muling tumingin sa mga mata ko. This time mas malinaw at mas malapit kong natitigan ang mukha niya but again, HINDI AKO MAGPAPADISTRACT. Eh ano ngayon kung may itsura siya? Lahat naman ng tao may itsura -.-
"Whatever!" Napa-cross arms nalang ako at tumahimik kesa dumaldal pa.
Panandaliang katahimikan ang namagitan sa amin.
"I'm CIB." pagpapakilala niya sa akin then extended his arm.
"I'm Tangerine." Pagpapakilala ko din at tinugon ang pakikipagkamay niya.
"So, are we just going to stand-up here?" Tanong nito. Ay oo nga pala. Nag walk out kami sa coffee shop kaya nasa hallway kami ngayon.
Ang masasabi ko lang, hindi maganda ang unang magkikita namin.
A/N: Sorry guys for the slow update. Nasa bakasyon kasi ako. Enjoy *wink*
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent (COMPLETED)
RomanceIt was all started with a game. A game that leads into a boyfriend for rent contract. Until when are they going to pretend? #BoyfriendForRent DATE STARTED: JUNE 8, 2018 DATE FINISHED: AUGUST 5, 2018 Highest Rank in humor is #19