Cib's POV
"Kamusta ka?" Tanong nito na parang wala lang. Walang issue.
"Okay lang. Ikaw?" Ganti ko naman.
"Okay lang din." She smiled at me.
Actually nagdadalawang isip ako na kausapin siya. She almost ruin my life and now lalapit siya sa akin na parang wala lang. Iniwan niya ako na parang basahan, she never ask for forgiveness despite of everything what she did to me.
Nagkakasalubong naman kami minsan, like noong nakipagkita ako kay Tangerine but we're just acting like we don't know each other. After Six months? I think. Ngayon lang kami nagkausap ulit for I-don't-know reason.
"Masaya ka ba?" F*ck! Ano bang klasing tanong yan Cib.
Inantay kong sumagot siya pero wala, wala siyang sagot kundi ngiti. Siguro nga masaya na siya kasi hindi naman siya ngingiti ng ganyan kung hindi siya masaya.
"May girlfriend kana pala." Sambit niya.
"Yeah." Tipid kong sagot.
"Are you happy with her?" Tanong niya ulit.
Tumango naman ako. "I'm so lucky to have her. Mabuti nalang pala at naghiwalay tayo." Mahina kong sabi kahit sa totoo lang nasasaktan parin ako.
"I'm so sorry." Tsk! Ngayon pa siya magsosorry kung kailan lumipas na muna ang ilang buwan.
"Okay lang. Tapos na iyon." I half smiled kahit pilit ngunit nagulat ako ng bigla niyang hinaplos ang mukha ako.
She's staring me now na parang namiss niya ako. Yung mga titig niya sa akin ngayon ay parehong pareho kung papaano niya ako titigan noon.
F*ck. Anong ginagawa niya?
"I missed you." She said at dahan dahang inangkin ang mga labi ko.
My mind says stop this nonsense bullshit but my body isn't listening. I keep on responding to her kisses.
Hindi tama ito... mali 'to Cib...
"Stop!" Finally nagawa ko din. Bahagya ko siyang naitulak pero hindi naman ito nasaktan. "Excuse me, I have to go." I said then walk away.
Napahawak ako sa labi ko habang palabas ng bar. I'm so f*cking missed her kisses pero hindi na pwede. Ayoko ng maulit pa ang lahat. Ayoko ng umasa pa ako sa kanya. Tama na Cib, forget about her. Just forget about what happened.
Anong oras naba? Napatingin ako sa relo ko. Gumagabi na pala, sunduin ko kaya si Dalanghita?
Tangerine's POV
I feel relief ng makita ko ang oras. Phew! Out ko na sa wakas. Tumayo na ako then binitbit yung bag ko tsaka nag-log out.
Magpapaalam pa sana ako kay sir Zach kaso mukhang busy siya kaya aalis nalang ako.
Saan pa nga ba ako dadaan? Syempre magrerelax muna ako sa coffee shop at sana wala ng asungot doon.
Pagkarating ko doon ay pumwesto agad ako sa favorite spot ko kung saan kitang kitang ko ang bawat taong dumaraan.
Kinuha ko ang cellphone sa bag ko tsaka binuksan ang--- shocks! Sabog sabog notifs ko ah. I checked everything. Tungkol nga doon sa video. Mas lalo pang dumadami ang nagshare including yung mga sikat na pages.
Someone mentioned me doon sa video kaya naman pati account ko sobrang tambak ng notifs and messages. Hindi ko ata kaya basahin ang lahat ng ito sa isang araw lang.
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent (COMPLETED)
RomanceIt was all started with a game. A game that leads into a boyfriend for rent contract. Until when are they going to pretend? #BoyfriendForRent DATE STARTED: JUNE 8, 2018 DATE FINISHED: AUGUST 5, 2018 Highest Rank in humor is #19