KABANATA 10

2.6K 139 9
                                    

Cib's POV

Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko. Ngayon parang alam ko na kung bakit kami pinagtagpo. I don't believe in destiny but I do believe that everything happens for a reason. At ang rason kung bakit kami pinagtagpo is... we're both being cheated or betrayed by the person whom we loved so much.

"Seryoso ka? Baka binibiro mo nanaman ako ah!" She seems so shocked lols.

"I'm serious. Lucas cheated on you because of Cathy and Cathy cheated on me because of Lucas. What a twist right? And you know what was the worst? Recently ko lang nalaman that they had an affair."

"What the f*ck!" Napamura siya sa sinabi ko. "Sorry but why o why? Omg! Naging kami ni Lucas nung mga panahong college pa ako. We're in a relationship for almost 3 years I think, but our relationshit ended 2 years ago at ikaw? Recently mo lang nalaman? It means... mas matagal kang naging tanga kesa sa akin?" She's now staring at me as if ako na ang pinaka-kawawang nilalang sa mundo.

"I guess so. 5 years din yun but I'm okay now." I sighed.

"No. You're not. I know may sugat pa ito." She pointed out my left chest.

"Don't feel so pity on me." Sinabi ko yun because I think she needs to know about it at hindi para kaawaan ako.

"I'm not. It just that... I know what you feel. I know how hurt it is, I know your pain." She said seriously. Pinagdaanan niya ang nararamdaman ko ngayon pero pakiramdam ko she was still into it. She's still in pain.

"Hindi ako naaawa sa'yo noh! Why would I do that? Where in fact you're so brave dahil buhay ko pa hanggang ngayon." Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Bakit hindi nalang natin totohanin? Iniwan tayo ng mga partner natin so bakit hindi nalang tayo?" I said while looking straight forward to her eyes at namilog naman ang mga mata niya sa sinabi ko.

"A--ano bang sinasabi mo?" She's stammering. I wanna laugh out loud but wait I'm not yet done.

"Single ka, single din ako. Malaya na nating magagawa ang gusto natin." I slowly keep closer to her habang tinititigan parin siya ng malagkit.

"Tu-tumigil ka nga!" Pfff~

"Hahahahaha why your face was so epic hahahahaha" I burst into laugh. Hindi ko kinaya yung itsura niya.

Tangerine's POV

Gago 'tong moko na'to ah. Alam mo yun? Yung seryosong seryoso yung usapan niyo tapos bigla lilihis siya ng genre? Napikon ako ng very slight dun ah.

"Sorry, sorry." He said habang pinapakalma yung sarili niya.

Parang ang saya niya lang tignan at hindi ko akalaing ang lalim pala ng sugat niya sa loob. Yung mga manlolokong yun hmp! Kakarmahin din sila! Sinusumpa ko sila sa ngalan ng twintitri!

"Ay. Ba't nawala na yung mga star?" I pouted out. Napatingala naman siya.

"Mukhang uulan ata." He said at parang nakamove on na nga siya sa ginawa niya kanina.

Hindi naman siya nagkamali at naramdaman kong may pumatak na luha galing sa langit sa mukha ko.

"Mukhang uulan na nga. Tara na!" Aya ko sa kanya at sumunod naman ito. Nasa silong na kami ngayon at biglang buhos naman ng malakas na ulan. Ang lamig grr...

Teka lang. Napatingin ako sa kamay kong-- shookt! Magkahawak kamay kami? Pareho kaming kumalas ng mapansin namin yun.
Awkward~

"Aantayin paba nating titila yung ulan?" Pagbasag niya sa awkward atmosphere na namagitan sa amin.

"Oo naman." Sagot ko.

"Mukha matagal pa yun." So ano ibig niyang sabihin? Napatingin ako sa kanya.

"Why can't we just enjoy it?" He half smiled and I don't get it. Ang bobo ko ba?

Bigla niya akong hinawakan muli at hinatak papunta sa area na wala ng bobong. He extended his arms now habang tuwang tuwa na nagtampisaw sa ulan.

Ginaya ko narin lang kung ano man ang mga pinagagawa niya sa buhay at unti-unti kong naramdaman ang enjoyment under the rain. Ang saya pala nito my gosh!

Malabo man ang salamin ko ngayon dahil sa ulan, wala na akong pake.

"Whooo!" He shouted out.

"Ang saya nitooo!" I shouted out as well. Para kaming mga bata ngayon na naglalaro sa ulan. Buti nalang at wala masyadong tao dito dahil ang ingay namin.

"Wala na akong pakealam sayooo! Magsama kayong dalawaa!" He shouted out again.

"Oo nga! Mga manloloko kayo! Tandaan niyong madami  pang twintitri na dadating!" Sigaw  ko din at pareho naman kaming nagtawanan sa pinagagawa namin.

"Are you happy?" Tanong niya sa akin.

"Sobra." I replied.

"See? Sabi ko lumabas ka sa comfort zone mo eh." Nakangiting sabi niya na halatang masaya din.

Sana ganito  nalang lagi. Kung pwede ko lang hilingin na sana wag na matapos 'tong araw na ito noh? Ang saya kasi pero alam ko matatapos din 'to at bukas babalik ulit ang buhay ko sa reality.

"Can we take some photos?" Sabi ko dito.

"Sure." He replied with a wide smile tsaka niya nilabas yung phone niya. So water proof? Yaman ah.

We took some pictures of us habang nag-eenjoy sa ulan. Mukha man kaming basang sisiw pero kitang kita naman yung happiness sa mga ngiti namin.

Dahil sa tuwa ko nagtatalon pa ako at di ko naisip na madulas pala yung kalsada--

"Ahhhhhh!" Hiyaw ko ng maramdaman kong babagsak na ako.

At syempre hindi ito tulad ng drama sa tv na may sasalo sa'yo. Tulog na yung knight in shining armor ko kaya yung kalsada mismo yung sumalo sa akin.

"Awwww." Napahawak sa ako likod at ang sakit ng pagkabagsak ng pwetan ko.

"Are you okay?" Tanong niya sa akin habang tinutulungan akong tumayo.

"Okay lang ako. Di naman masyadong malala yung pagkabagsak ko." Giit ko naman at nakatayo narin ako ng maayos bago pa man ako mag-enjoy sa pagkapit sa biceps este braso niya.

"Mag-ingat ka kasi." Ani nito.

"Okay." I shortly replied then took a few steps closer to him but unfortunately may naapakan na naman ako na parang balat ata ng saging na siyang dahilan para madulas nanaman ako but this time, sinalo ako ng bisig niya.

Parang... sandaling bumagal yung oras ng saluhin niya ako at nagtama ang aming mga mata. Ang OA mo naman Tangerine!

Ang gwapo niya. Oh wait! Tangerine wake up!

"I told you so." He said then gave me a smile.

Muli niya akong tinulungan na makatayo at nagkatinginan nanaman kami ulit.

*dugdug...*

Uh-oh~ nararamdaman ko nanaman yung abnormality ng heartbeat ko. I gulped ng matitigan ko ang wet lips niya. Ang lagkit ng titig niya sa akin. Pareho nanaman ba kami ng iniisip? Oh no! Oh tukso~ layuan mo ako.

Hinawakan niya ako sa bewang at hinatak palapit sa kanya. Geez! Tama ba ito?

Lumalapit ang mukha niya sa akin. At parang  kusa ding lumalapit yung mukha ko sa kanya. Gusto mo din ba Tangerine? Hoy gumising ka!

Hahalikan niya ba ako? Anong gagawin ko? Pipikit naba ako?

I slowly close my eyes and suddenly felt the warmth of his lips. It was a soft and gentle kiss that I think every girl would love to. I'm not a good kisser but he is. Never been kissed but tonight...

At exactly midnight, my first kiss happened under the rain.



A/N: Anong pakiramdam ng first kiss? Hahaha don't forget to hit the star guys ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon