KABANATA 11

2.4K 121 29
                                    

Cib's POV

"Achew!" Umagang umaga bahing ako ng bahing. Ilang araw na'to ah.  Tinablan ata ako ng sakit nung naligo kami sa ulan. Hays naku naman ang kati ng ilong ko. "Achew!" Tumayo na ako sa kama at saktong paglabas ko ay bumungad sa akin si Victoria.

"Oh? Ilang araw kanang ganyan ah. Nagkakasakit din pala yung kalabaw."  Biro pa nito sa akin. Inismiran ko lang siya.

"Umalis kana nga jan sa harapan ko ang pangit mo." Sabi ko dito at ako nalang mismo ang naglakad palayo sa kanya.

"Hoy! Ungas ka. Binilhan kita ng gamot." Napalingon ako sa kanya at naglakad siya palapit sa akin tsaka nilagay sa palad ko yung gamot.

"Aba...good girl!" Saglit kong ginulo ang buhok niya na siyang kinaiinis niya naman. Dalaga na talaga siya.

"Late kana sa trabaho mo. Hindi kaba papasok?" She asked.

"Wala na akong papasukan." Tugon ko naman sa tanong niya. Oo nga pala nakalimutan ko atang sabihin kay mama na nagresign na ako sa trabaho ko.

"Anong wala? Bakit? Tanggal kana?" Dami naman nitong tanong -.-

"Hindi. I resigned because I'm not happy with it. Banking industry is not for me." Sabi ko habang naglalakad paputang kusina at sumunod naman ito.

"Asan si mama?" Tanong ko naman dito.

"Si mama nasa grocery at si papa naman nasa office na as always." She answered. Hindi na nagtuturo ngayon si mama kaya lagi nalang siya sa bahay taking good care of us. Kaya naman hindi ko maiwasang hanapin siya tuwing nawawala siya dito sa loob ng bahay.

"Okay." Sagot ko tsaka ininom yung gamot na binigay niya sa akin.

"Eh ano nang gagawin mo ngayon?" She asked again.

"Basta. Makakahanap din ako ng trabaho. Yung gustong gusto ko." Giit ko. "At wag kang madaldal masyado jan ah. Ako na magsasabi kay mama ng tungkol dito." She nodded.

Kailangan ko na din maghanap ng bagong trabaho agad para hindi ako kulitin ni papa na pumasok sa company niya. Pero bago pa man ako magresign ay may naisip naman na ako.

"Achew!" Hay nakakainis -.-

"Nagsimula naba pasok mo?" Ako naman ang nagtanong at naalala kong Grade 12 na  pala si kapatid ngayong pasukan.

Pareho kaming naupo sa sala.

"Yeah." She replied.

"How was it?" I asked again.

"Okay lang. Meeting some new friends but hindi parin nawawala talaga yung 'introduce yourself' na yan." Naiirita niyang sabi at natatawa naman ako sa pagmumukha niya.

"Wag kang maarte. Hindi ka naman maganda." Asar ko sa kanya.

"Oh? Talaga kuya? Kaya pala ang daming nanliligaw sa akin." She crossed her arms.

"Ligaw lang pero bawal kang sumagot." Biglang nagseryoso ang utak ko dahil sa sinabi niya.

"Whoaa! Kuya naman eh! Dalaga na ako."

"Dalaga ka jan. Wala ka pa nga sa legal age. Sige subukan mong suwayin ako at bibingutan ko yung boyfriend mo." Giit ko.

"Oo na. Oo na! Hmp!" Iritang umalis siya sa harapan ko. Ganun lang yun, pero alam kong takot siya at sinusunod naman niya ang bilin ko.

May usapan kasi kaming hindi siya magboboyfriend hanggat hindi siya nakakagraduate ng college.

Tangerine's POV

"ACHEW!" Omg sipon at lagnat layuan niyo na ako dahil ilang araw na akong absent sa trabaho ko.

Napuruhan ata ako ng first kiss este ng ulan. Bumangon na ako sa kama ko at bumaba.

"Oh tangerine kumain kana dito para makainom kana ng gamot." Ani ni mama at talagang nilagyan pa ng kanin yung plate ko.

Napabuntong hininga ako sa harap ng mesa dahil masama talaga pakiramdam ko at wala akong gana kumain.

"Ate kumain kana. Hindi yan mauubos pagtititigan mo lang." Sabi ni blue ng mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko. "Sige ka! Pag hindi ka gumaling lalo kang papangit tapos iiwanan ka ni kuya Cib." Dugtong pa niya.

Okay na sana eh. Kikiligin na sana ako kaso dinugtungan pa. Naku pasalamat ka naka-uniform kana ha. Nakakagigil talaga minsan magkaroon ng kapatid eh. And speaking of Cib... kamusta na kaya siya? Joke. I don't care about him.

I was about to start eating pero ng mailapit ko yung spoon na may lamang pagkain ay parang bumaliktad bigla ang sikmura ko sa amoy nito.

"Ma ano 'to?" Napatakip ako sa bibig ko dahil pakiramdam ko may lalabas eh. Uh-oh~ di ko na kayang pigilan 'to.

Dali-dali akong tumakbo papunta kusina at dumuwal. Geez bakit nasuka ako sa amoy ng chicken curry? Hays.

Hinihimas himas ko ang sikmura ko habang naglalakad pabalik sa mesa. Nakita kong nagkatinginan yung dalawa at tila ba may iniisip sila at hindi ko alam kung ano yun.

"What?" Sabi ko sa kanila.

"Bakit ka naduduwal sa chicken curry ate? May mali ba? Ang alam ko kumakain ka naman niyan eh." nagtatakang sabi ni Blue.

"Siguro masama lang talaga pakiramdam ko at ang sakit din ng ulo ko." Bumalik ako sa pagkaupo sa pwesto ko kanina. But I don't think so kung kaya kong kumain at ang sama ng sikmura ko.

"Nahihilo kaba anak?" Nag aalalang tanong ni mama sakin.

"Mejo po." Sagot ko naman.

"Mukhang kailangan na natin pumunta sa hospital nak." Ani ni mama.

"Naku mama. Ano kaba... hindi na kailangan okay? Mawawala din 'to." Ayoko magpunta talaga hospital at baka turukan ako nakuuu! Takot ako sa injection period.

"Baka mapano pa kasi yung apo ko." Mahinang sabi ni mama which is enough for me to hear.

"ANONG APO MA?" nagtataka kong sabi at nagkatinginan nanaman silang dalawa. Okay I got it. Naalala ko nga pala na nakita ni Blue kaming dalawa  Cib sa kwarto na magkasama plus bathrobe lang suot ko nun. Siguro iba yung nasa isip niya at sinabi kay mama. Hay naku naman -.-

"BLUE!" Pasigaw kong tawag sa kanya at tinitigan siya ng masama.

"Ah late na pala ako ate. Mama bye!" Sa sobrang madali niyang lumabas ay hindi na siya humalik kay mama

"Hoy blueee!" I shouted out.

"Tangerine, do not stress yourself okay? Kumain ka ng masustansiya for your baby's health blah blah blah..." Oh my gosh. Napa-face palm nalang ako sa pinagsasabi ni mama.

Pakiramdam ko tuwang tuwa pa si mama eh. Pero what the heck! Buntis agad? Eh hindi pa nga ako nakaranas ng-- you know.

"Ma~ stop it. I'm not pregnant. Hindi ako buntis. Hindi pa ako Ina at mas lalong hindi pa kayo magiging grandmothe--" bago  ko pa man matapos ang sasabihin  ko ay nag iba nanaman ang pakiramdam ko at dali-dali nanaman akong pumunta ng kusina para dumuwal. Hays bakit ba kasi ako nasusuka? Hindi kaya buntis talaga ako? Kaloka nabuntis ako sa halik ganun? Ang lupet naman.

Ipa-breaking news ko naba 'to? Suddenly there's something pop up into my head.

Virgin nabuntis dahil sa unang halik.

Uh-oh~ I shook my head para mabura ang kabaliwang pumapasok sa isipan ko. Hays...


A/N: Thanks sa new readers and supporters ko. Don't forget to leave some feedbacks and hit the star below as well ^^


Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon