KABANATA 51

1.7K 59 25
                                    

Cib's POV

Nag-sign na kami ng contract sa isang sikat na entertainment industry. Tuluyan na nga naming pinasok magbabarkada ang showbiz. Ngayon naman ay ang simula ng recording namin for our first album. Hindi pa naman 'to finals, kumbaga practice palang.

During lunch break...

"Cib oh~ may nagpapabigay daw." Abot sa akin ni Matt ng isang paper bag. Kinuha ko naman at tinignan ang laman nito. Tatlong tupperware na may lamang mga pagkain.

"Sino nagbigay nito?" Nagtatakang tanong ko.

"Ewan ko." He shrugged. "Hindi ko nakita eh kasi 'yong guard lang nag-abot niyan sa akin. Sabi niya pinapabigay daw ng mama mo." Ani ni Matt at nag-ayos na din ng pakain na pina-deliver namin at kararating lang.

"Si mama?" Bahagyang kumunot ang noo ko. Ni minsan hindi ako hinatiran ng pagkain ni mama sa labas dahil alam naman niyang may dala akong pera para pambili ng pagkain.

Binuksan ko 'yong mga tupperware at inamoy 'yong pagkain. Mukhang masasarap at nakakatakam. Tamang tama at kakain na din talaga kami. Kinuha ko 'yong kutsara at susubo na sana ako para tikman ito ng pigilan ako ni Laures.

"Baka may lason yan." Ani nito.

"Oo nga bro." Pag-sang ayon ni Jack.

"Wala naman siguro, tsaka mukhang masarap nga eh." Ani naman ni Matt.

"Ah uhm... tikman mo kaya Matt." Abot ko ng kutsara dito.

"Sige ba." Agad itong ngumisi at kinuha ang kutsarang hawak ko.

"Ang sarap kaya."  Saad niya nang matikman 'yong pagkain at sumubo pa ulit.

"Ang takaw mo talaga. Akin na nga yan!" Inagaw ko na sa kanya 'yong kutsara at akmang susubo na din sana ako nang--

"Teka, parang naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga." Sambit ni Matt. Natigilan naman ako at baka nalason na ang mokong.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Jack dito.

"Joke lang! Kumain na nga tayo at gutom na ako. Uy, pahingi ako niyan Cib ah." Tsk! Ang takaw talaga.

Tuluyan ko na ngang natikman 'yong pagkaing pinabigay lang sa akin. Ang sarap nga pero sigurado akong hindi galing kay mama ito.

Habang ngumunguya ako ay napapaisip ako. Bakit tila may kakaiba sa lutong ito? Kanino kaya ito galing at alam niya ang mga paborito kong pagkain.

Tangerine's POV

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya nang abutan niya ako ng bulaklak at chocolates.

"Para sa'yo." Tugon niya.

"I know. Pero para saan?" I asked again.

"Wala lang. " he shrugged.

"Wala lang? Are you sure? Kung may balak kang manligaw sa akin Lucas, I'm sorry but you're too late and I can't accept you anymore. Alam mo naman siguro na may boyfriend na ako." Diretsang sabi ko dito at akmang tatayo na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Mahal kita Tangerine. Please... give me a chance. Minahal mo na ako dati diba? Baka pwedeng mahalin mo ako ulit?" Agad kong inalis ang pagkahawak niya sa kamay ko.

"Hindi na mangyayari 'yon Lucas. Oo minahal kita noon pero tapos na 'yon. Siguro kung pinili mo ako over Cathy noon... baka tayo parin hanggang ngayon. But you're too late. Mahal ko si Cib at masaya ako sa kanya. Hindi ko siya lolokohin katulad ng ginawa niyo sa amin." Giit ko at tuluyan nang umalis sa coffee shop.

Akala ko normal lunch lang ang ganap, may iba pala siyang plano. Hmp! Sa fast-food na nga lang ako kakain.

Nagtungo ako sa pinakamalapit sa fast-food kung saan din kami kumain ni Cib noon. Mag-isa man akong kumakain ay feeling ko kasama ko parin si Cib dahil ala-alang pumapasok sa isipan ko. Dito kasi kami unang kumain noong unang beses din kami nagkita. *insert kilig* 

Hay naku, baka isipin pa tuloy ng iba na nababaliw na ako at ngumingiti ako ng mag-isa dito.

After lunch ay bumalik na agad ako ng office. Tuloy ulit ang trabaho. Babae na ang boss ko ngayon at ang ganda ah. Sobrang sexy at beauty and brain pa. Mabuti nalang at mabait siya kahit medyo strict.

Cib's POV

Pagtingin ko sa orasan ay lagpas na ng 5 o'clock. Hays, hindi ko na masusundo pa si Tangerine. Nag-aalala tuloy ako dahil sa nangyari kagabi.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi,I'm sorry if hindi kita masusundo ngayon. Update mo ako pagkauwi mo huh? I love you dalanghita mwa *kiss emoticon*" message sent.

"Nasa bus na ako. I love you too Crisostomo. Kayo din, mag-ingat kayo este ingat sila sa inyo wahaha."- Dalanghita.

Aba... bilis magreply ah.

"Hi Cibbb!" Nagulat ako nang biglang may yumapos sa akin.

"Cathy?" Napakunot noo ako nang makita ko siya.

"Yes, it's me." Giit niya.

"What are yo doing here?" Tanong ko at pumasok sa isipan ko 'yong ginawa niya.

"Gusto lang kita makita." Sagot niya.

"Tigilan mo na ako Cathy. At isa pa, hindi kita girlfriend okay? Wala tayong relasyon at alam mo yan. Bawiin mo 'yong sinabi mo sa media kung ayaw mong mapahiya." Mariing sabi ko dito.

"Hindi ko gagawin 'yon. Ikaw! Ang susunod sa gusto." Turo niya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Mukhang may binabalak nanaman siya. Hindi talaga siya titigil hanggat hindi kami nagkakahiwalay ni Tangerine.

"May trabaho kapa diba? Pumunta kana doon." Tulak niya sa akin habang nakangiting tagumpay. Masama ang kutob ko ngayon sa kanya.

Cathy's POV

Napansin kong hindi na mapakali si Cib. Hmm... tignan ko lang kung kaya mo parin kaya akong itaboy sa oras na malaman mo ang sikretong hawak ko. Hawak ko ngayon ang alas, kaya paniguradong iikot ang mundo mo ngayon sa akin Cib.

Kung hindi kita makuha sa santong dasalan, pwes! Pasensyahan nalang tayo dahil nakukuha ko ang lahat ng bagay na gusto ko.

Ngayon palang ay nakakaamoy na ako ng tagumpay. Kaya dapat mag-ipon na ng madaming luha ngayon si Tangerine.

Unting panahon nalang at mabubuwag na din ang team CriTan na sinasabi nila. Di hamak na mas maraming sumusuporta sa amin  Cib kaya kami dapat ang in a relationship at hindi sila ni Tangerine.

Well, for now... hahayaan ko na munang mag-enjoy si Tangerine sa mga huling masasayang araw na natitira sa kanya. Because surely, she will be broke into pieces and Cib will be mine again. Ang galing  ko talaga wahahaha.

A/N: Mabubuwag na nga ba ang team CrisTan? Abangan yan. VOTE AND COMMENT GUYS ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon