Cib's POV
It's been two days. Yeah, dalawang araw ko na ding hindi ko nakikita si Tangerine. Kamusta kaya siya? Puntahan ko kaya siya? Hays, hindi man lang siya nagtetext or chat man lang sa akin.
"Ikaw"
Natigilan ako nang maalala ko yung sinabi ni Cathy. Tsk! Sinungaling siya.
"Hey bro." Bungad nila sa akin pagkapasok ko ng bar.
"I have a good news bro." Akbay ni Jack.
"Ano?" Tanong ko naman.
"Remember the video? Yung nag-viral?" Sabi naman ni Matthias na busy sa mobile games.
"Anong meron?" Pa-suspense naman 'tong mga 'to.
"Wala lang. Tinanong ko lang." Pilosopong sabi ni Matthias.
"Gago! Ano nga?" Batok ko dito.
"May pumunta dito. She's from entertainment industry. Gusto niyang sumali tayo sa audition ng isang boy band group live on tv next week." Kwento ni Laures at napaisip naman ako.
"Sasali ba tayo?" Tanong ko.
"Well, okay lang naman sa akin." Ani ni Jack.
"Wala din namang problema sa akin." Sambit ni Matthias na nagsisimula nanamang kumain ng chocolate.
"Sa akin din. Masaya iyon." Giit ni Laures.
"Edi go tayo!" Sabi ko naman. Okay, mukhang mapapasabak kami sa audition. But this time, mukhang bigatin at mapapanood pa kami sa tv.
Cathy's POV
Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Lucas. Bakit ganun? Bakit parang wala siyang pake sa akin?
Nagtext siya sa akin ngunit isang sorry lang. Like wtf? Hindi ba niya ako namiss? Nagpapamiss lang naman ako ah. Bahala siya sa buhay niya! Hmp!
Lucas' POV
Ngayon nakikita ko ng masaya si Tangerine sa piling ng iba ay tila nauntog naman ako sa pader at nagising sa katotohanang mahal ko parin talaga siya.
Ako dapat ang nasa tabi niya ngayon kung hindi lang ako naging marupok. Namiss ko yung pag-aalaga niya sa akin at pagmamahal.
Ang sakit pala. Pero alam kong mas masakit pa dito ang dinanas niya sa akin noon dahil kay Cathy. I was so stupid.
Kinakarma na ata ako dahil sa kagaguhang ginawa ko sa kanya noon. Paano na'to ngayon?
Gusto ko siyang bawiin at angkinin ulit pero paano?
Na-distract ako mula sa pag-iisip dahil biglang nagring yung phone ko. Si Cathy yung tumatawag. Sasagutin ko ba? Parang ayoko muna siyang makausap.
I know she's been flirting again with his ex na boyfriend na ngayon ni Tangerine. Dapat ba akong magalit? Siguro? Pero hindi eh. Si Tangerine parin ang mahal ko at nabulag lang ako kay Cathy. Si Tangerine ang mahal ko kaya pabor sa akin kung may balak man na makipagbalikan si Cathy kay Cib.
Ilang taon din ang nasayang ko. Hays, sana mabalik ko yung oras. Sana kami parin. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Tangerine's POV
I stretched my body for awhile habang ginagawa ko yung utos ng boss ko. Maaga pa naman at feeling ko hindi ko na kailangan pang mag-overtime.
"Ehem."
Agad naman akong bumalik sa ginagawa ko nang maramdaman kong nasa likod siya. Ano ba problema niya? Feeling ko binabantayan niya ako. Hindi ba siya busy?
"Uhm Tangerine." Tawag nito sa akin.
"Yes po?" Tugon ko naman.
"After mo dyan ay ilapag mo nalang yan sa table ko then kunin mo yung box sa ibabaw." Mahinang sabi niya tsaka tuluyang umalis at tila nagmamadali pa. Ang weird ngayon ni sir Zach ah.
Makalipas ang ilang oras...
"Hay, salamat naman at natapos ko din." I muttered to myself then I printed it out tsaka inayos.
Napatingin ako sa oras. Saktong 10 minutes before ko mag-out ay natapos ko din.
Isinukbit ko na yung bag ko tsaka pumasok sa loob ng office ni sir. Wala siya doon kaya nilapag ko nalang yung papers sa ibabaw ng table nito dahil iyon nga ang sabi niya.
Lalabas na sana ako nang maalala ko yung box na sinasabi niya. Oo nga, may box nga na nakapatong sa ibabaw ng mesa niya.
Kinuha ko ito at sinuring mabuti. May sticky note na nakalagay dito at may nakasulat pang--
"Belated happy birthday." Aba. Para sa akin ata 'to. Ano kayang laman nito?
Tinanggal ko ang balot nito at binuksan. A pair of black shoes ang tumambad sa akin nang mabuksan ko yung box.
Napangiti naman ako. Kahit papaano ay may tinatagong kabaitan pala yung boss ko.
~*~
As I went home, sinalubong agad ako ni mama. Ang aga ko umuwi ngayon in fairness ah. Hindi na kasi ako dumaan pa sa coffee shop."Nak, naayos ko na yung mga gamit mo." Sambit ni mama at tumango lang ako tsaka ito hinalikan sa pisngi.
Gusto ko na munang magpahinga kaya umakyat na agad ako sa kwarto.
Binagsak ko agad ang sarili ko sa malambot kong kama.
"Hay, namimiss ko na si Cib." I muttered unconsciously. Shit! Ano bang sinasabi ko?
Erase! Erase!Tumayo na muna ako para magbihis ngunit nagulantang ako nang makita kong walang laman kahit isang pirasong damit yung closet ko.
"Maaaaaaa!" I shouted out.
"Yes?" Mabilis namang tugon ni mama.
"Nasaan ang mga gamit ko?" Nagtatakang tanong ko dito.
"Nailipat ko na nak." Sagot niya.
"Huh? Nailipat saan? Lilipat ba tayo ng bahay?" Gosh!
"Hindi kami. Ikaw lang." Wait! I'm stuck up.
It takes me a minute to absorbed everything. Naalala ko yung susi na regalo niya sa akin. Hindi kaya... omg! No!
"Maaa! Wag mong sabihin na--"
"Tama ka dyan anak. Kaya maghanda kana at ihahatid na kita doon." Mataray nitong sabi habang nakapamaypay pa at ako? Nganga!
"Ma, hindi pwede!" Giit ko.
"At bakit hindi? Matatanda na kayo kaya dapat lang na isipin niyo na ang magiging pamilya niyo!" Anong magiging pamilya?
"Ma hindi pa kami kasal!" Mariin kong sabi.
"Edi magpakasal kayo. Problema ba iyon?" Hays. Parang mali ata ako ng sinabi at baka mamaya ipagsiksikan nanaman ni mama na magpakasal kami ni Cib.
"Pero ma--" hihirit pa sana ako kaso hindi niya na ako pinatapos magsalita.
"Wala ng pero pero." Ani nito. Hayst!
Napa-face palm nalang ako at ibinagsak muli ang sarili sa kama.
What-to-do? Hindi ko akalaing gagawin 'to ni mama. Decided na pala talaga siyang mag-asawa ako. Bata pa naman ako ah? 23 palang naman. Bakit ba parang nagkakaubusan na ng lalaki sa mundo at atat na atat si mama?!
Bahala na nga si Superman!
A/N: Payag ba kayong tumira sila sa iisang bobong? Don't forget to vote and comment *wink*
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent (COMPLETED)
RomanceIt was all started with a game. A game that leads into a boyfriend for rent contract. Until when are they going to pretend? #BoyfriendForRent DATE STARTED: JUNE 8, 2018 DATE FINISHED: AUGUST 5, 2018 Highest Rank in humor is #19