Tangerine's POV
"Hay naku, ang laki ng eyebag ko." I muttered habang nakaharap sa salamin.
Tila namamahay ata ako at hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Tsk!
Lumabas na ako ng kwarto para makapaghanda ng agahan. Nakakahiya naman kasi kay Señorito Crisostomo enoh.
Teka, ano bang meron sa ref? Binuksan ko yung refrigerator tsaka tinignan kung anong pwedeng lutuin. Egg nalang siguro tsaka hotdog. Agahan naman eh.
Tinali ko na ang buhok ko tsaka nagsimula ng magluto. Feeling ko tuloy may asawa na ako. Ang dami niyang do's at ako pa ang nagbabayad sa kanya. Well, it's my fault.
"Good morning darling."
"Ay palaka!" Hiyaw ko at nabitawan ko pa ang kutsarang hawak ko dahil bigla nalang siya sumulpot at niyakap ako mula sa likuran.
"Magugulatin ka naman masyado." Ani nito at halatang inaantok pa. I gulped. Shocks! Six packs!
"Bakit?" Nagtatakang tanong pa nito.
"Wala! Mag-toothbrush kana ang baho ng hininga mo." Sabi ko naman kahit hindi naman talaga mabaho yung hininga niya. Syempre palusot ko lang at baka mahalata niyang pinagnanasaan ko siya.
Nagtungo na siya sa banyo. Ang cute niya sa suot niyang pajama. Oo nakapajama siya tapos walang damit pang-itaas. Umagang umaga pero feeling ko tirik na tirik na yung araw dahil sa init ng atmosphere na dala niya.
Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko tsaka naghain. Ang tagal niyang lumabas ah.
"May pasok ka?" Sabi niya pagkalabas ng banyo.
"Oo, bakit?" Sagot ko.
"Hatid nalang kita." Sambit niya tsaka nagsimula ng sumubo ng pagkain.
"Well, okay." I shrugged then nagsimula na din akong kumain at baka malate pa ako. Namiss ko tuloy kasabay yung mama at asungot kong kapatid. Kamusta na kaya sila?
"May lakad ka?" Tanong ko din.
"Yeah. May rehearsal kami ng fboys. Sasali kasi kami sa audition." Kwento niya.
"Audition for?" Aba... ano kayang sasalihan nila?
"Boy band." Tipid na sagot nito. "But next week pa naman iyon. Sama ka ha?Gabi naman daw iyon eh." He added.
"Okay." Napatango naman ako at gusto ko din silang i-support sa ganung event.
Anyway, mukhang nasarapan naman siya sa luto ko. Sana may sabihin naman siya tungkol sa luto ko.
"Masarap ba yung luto ko?" Ayan, hindi ko na natiis.
"Mas masarap ka. Wag kang magpapatalo." Hinampas ko siya ng malumanay dahil sa sinabi niya.
"Puro ka biro! Ano nga?" Tanong ko ulit.
"Hmm... yeah. Kaya lang parang may kulang pa." Itlog na nga lang may kulang pa?
"Ano?" Arte naman nito.
"Pagmamahal." He half smiled. Shocks! Parang kinikiliti nanaman ako ng dimple niya. Nakakainis siya ngumiti! Hindi ko na tuloy malunok ng maayos yung kinakain ko.
"Mauuna na akong maligo. Bilisan mo na dyan at baka ma-late ka pa." Ani nito tsaka tumayo na. Ang bilis niya kumain. Din bale na at baka magkasabay pa kaming maligo choss. Isa lang kasi banyo namin kaya sana wag siyang pabebe maligo kung ayaw niyang pasukin ko siya doon sa loob. Joke lang.
Behave Tangerine.
~*~
First time kung papasok ng office ngayon ng hindi naka-ponytail 'tong buhok. At dahil nakamotor kami, mukha na tuloy akong bruha pagdating sa office.
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent (COMPLETED)
RomanceIt was all started with a game. A game that leads into a boyfriend for rent contract. Until when are they going to pretend? #BoyfriendForRent DATE STARTED: JUNE 8, 2018 DATE FINISHED: AUGUST 5, 2018 Highest Rank in humor is #19