KABANATA 71

1.9K 62 19
                                    


Tangerine's POV

I was totally in middle of the chaos. Kaliwa't kanan ang iyak na naririnig ko. Sobrang gulo at tila nabibingi ako sa sunod sunod na pagdating ng ambulance.

Kinakabahan, natatakot, umiiyak, at halos hindi ko na ininda pa ang bigat ng tiyan ko at kahit halos hating gabi na ay agad akong kumaripas dito sa nasabing hospital. Hindi na ako makapag-antay na makita si Cib.

Oo tama kayo, nasa hospital ako at hindi, hindi pa ako manganganak. Nandito ako para hanapin ang asawa ko.

Nagkaroon ng isang malaking aksidente kanina along Q.C at laking gulat ko dahil kasama ang pangalan ni Cib doon sa binanggit na mga biktima. Agad naman akong kumaripas dito at shit! Hanggang ngayon ay hindi ko parin makita si Cib.

Nasa halos 50 persons ang biktima sa nangyaring car accident at marami na din ang nai-declare na dead on arrival dahil sa sumabog na tangke ng gas.

Diyos ko, nasaan na si Cib.

"Tangerine!" Agad akong napalingon sa tumatawag sa akin at nakita ko naman agad si mama at 'yong parents ni Cib.

"Ma... wala parin si Cib. Hindi ko parin siya makita." Napahikbing sabi ko at napayakap kay mama.

"Nasaan na kaya ang anak ko?" Umiiyak na ding sabi ni Mama Lucia, ang mama ni Cib. "Honey, 'yong anak natin." Hikbi niyang muli at napakapit sa papa ni Cib.

Sinilip namin ang bawat pasyenteng nanggaling sa aksidente at lalo lang bumibigat ang loob ko. Akala ko nalagpasan na namin ang pagsubok sa buhay namin ngunit ano nanaman ito? Hindi ko kakayanin kapag nawala si Cib. Paano na ang magiging anak namin? Ayokong lumaki siya na hindi buo ang pamilya niya kaya sana... kung saan man siya ngayon ay sana nasa mabuti siyang kalagayan.

Ngunit sa kalagitnaan nang paghahanap namin kay Cib ay bigla akong natigilan nang makaramdam ako nang paghilab sa tiyan ko at tila sunod sunod ang pag-galaw ng baby ko sa loob.

"Ma..." I uttered at napakapit pa sa braso ni mama.

"Bakit?" Tanong naman ni mama.

Hindi na ako nakasagot pa at nakaramdam na ako sobrang sakit at may parang tubig narin na dumadaloy sa binti ko.

"Mukhang... MANGANGANAK KANA ATA ANAK!" Hiyaw ni mama at agad na nagtawag ng doktor.

Everyone is so busy kaya naman medyo natagalan bago nila ako naasikaso kung saan may dugo nang lumalabas sa akin at pakiramdam ko ay lalabas na talaga ang anak ko.

"Push!" Ani nang doktor na kasalukuyang nag-aabang na sa paglabas ng anak ko.

Sa puntong ito ay isinantabi ko muna ang pag-aalala tungkol kay Cib at kasalukuyang nasa isang kwarto na ako na hindi ko alam kung saan at todo push naman ako para normal kong mailabas ang anak ko.

Hindi ko mabilang ang pawis na tumatagaktak mula sa akin. Bawat oras na lumilipas ay tila kasama nitong hinihigop ang lakas ko.

I suddenly heard his crying voice. Gumihit nalang sa mga labi ko ang ngiti nang marinig ko ang isang iyak nang sanggol.

"Darl..." isang pamilyar naman na boses ang narinig ko at naramdaman ko ang mahigpit nitong paghawak sa kamay ko ngunit ilang saglit lang ay nagdilim na din ang paningin ko hanggang sa tuluyan na din akong nawalan ng ulirat.

Cib's POV

As I open my eyes, agad akong napabalikwas sa kamang kinahihigaan ko.

Agad din akong tumayo at paika-ikang naglakad. May bandage ang isang tuhod ko, braso, at ulo ko. F*ck! Ang sakit ng buong katawan ko at tila ba sobrang dami kong sugat na natamo dahil sa aksidente but I'm still thankful dahil buhay pa ako at ganito lang ang nagyari sa akin. Ang mas mahalaga sa ngayon ay nakaligtas ako.

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon