KABANATA 62

1.7K 56 22
                                    

Tangerine's POV

"Welcome back Tangerine!" Pagpasok na pagpasok ko ng bahay ay tila mayroong fiesta sa loob at maypa-party popper pa silang nalalaman.

"Wow, thank you guys." Sabi ko naman at pakiramdam ko tuloy ay isang dekada kong nawala sa bahay na ito para isurpresa nila ako ng ganito.

And guess what? Pati family namin ay dinamay pa sa surprise. Akala ko naman ay normal lang ang pag-uwi ko dito pero iba! Kabogera! So nandito nga si mama, si Blue, 'yong parents ni Cib at kapatid niya. And of course 'yong tatlong gwapito na feeling ko ay sila nanaman ang nag-organized nito at si Cib 'yong head. 

"Welcome home." Nakangiting sabi ni Cib at hinalikan pa ako sa noo.

"Yieeeeee..." asar nila. Syempre kinilig naman ako. Ang haba na ulit ng buhok wahaha.

As usual, hindi mawawala 'yong bonggang preparation nila sa foods. Ugh! Namiss ko 'to. Kompleto na sana... kung andito si papa. But anyway, I'll just enjoy this moment.

"Mabuti naman at nagkaayos na kayo anak." Ani ng mama ni Cib at bakas din sa mukha nito ang tuwa.

"Syempre mama. Hindi naman ata ako papayag na mawala sa akin si Tangerine." Kindat sa akin ni Cib. Okay, relax Tangerine. Walang tatalon at baka magsiliparan 'tong mga pagkain na nasa harapan mo. Relax lang. Pwedeng kiligin pero bawal maging wild.

"Ay hindi ko din hahayaang mangyari 'yon Cib. Support kita." Pag-sang ayon ni mama at aba. Nagkampihan pa 'yong dalawa.

"Si ate namumula..." asar sa akin ni Blue at sinundot pa ako sa tagiliran.

"Tumigil ka nga!" Saad ko.

"Si kuya din oh. Kinikilig na yan... achuchu." Asar din ni Victoria kay Cib.

"Ang pangit mo dyan." Sabi naman ni Cib at napa-pout nalang si Victoria. Ang sama naman ng kuya na 'to. Ang ganda kaya ng kapatid niya. Napatingin ako kay Blue at mukhang busy ang isa ito kakatitig kay Victoria.

"Ano yan?" Distract ko dito at napangisi lang siya. Mukhang hindi maganda ang balak ng unggoy na 'to ah.

"Alam mo ba Tangerine... noong wala ka dito. Araw araw umiiyak si Cib." Giit naman ni Jack.

"Grabe ka." React agad ni Cib. Natawa naman ako sa itsura niya. Para siyang bata na isinumbong sa nanay niya.

"Totoo naman bro. Pero loyal yan Tangerine. Tropa ko yan eh." Saad naman ni Laures.

"Yan bro!" Nakangising sabi ni Cib.

"Talaga lang ah." Napatingin ako kay Cib at kumindat siyang muli sa akin. Dudukutin ko na 'tong mata nito eh.

"Loyal sa lima." Saad naman ni Matt tsaka nagtawanan ang lahat.

"Ano?" Nakakunot noo namang sabi ni Cib.

"Syempre biro lang bro. Baka abangan mo nanaman ako sa labas niyan ah. Peace tayo." Ang cute ni Matthias. Sarap lamugin at ihagis sa dagat. Choss! Bababa ang sales ng chocolate sa Pilipinas kapag ginawa ko 'yon.

After naming magharutan ay sabay sabay na kaming nagdasal at kumain. Grabe, food is life talaga. Matakaw siguro si Author, joke!

"Wala paba kayong plano na magpakasal?" Natigilan naman ako sa pagsubo ng pagkain dahil sa tanong ng papa ni Cib.

Bahagya kaming nagkatinginan ni Cib at napangiti sa isa't-isa. Naalala ko tuloy 'yong panahong nagpapanggap palang kami ay tila nabubulunan kaming pareho kapag binabanggit na 'yong tungkol sa kasal. Pero ngayon... uhm. Soon? Char!

"Oo nga naman. Para magka-apo naman na kami sa inyong dalawa." Ani naman ni mama. Hayst!

"Mama~" nasabi ko nalang at mukhang mas atat pa si mama na magka-apo kesa sa parents ni Cib.

"Oh bakit? Wala namang masama at nasa hustong gulang na kayo." Dugtong pa niya.

"Malapit na po." Natatawang sabi naman ni Cib at tinitigan ako ng malagkit. Mukhang na-gets ko 'yong titig na 'yon. Omg! Parang natatakot naman ako at baka bukas paggising ko ay dalawa na ako.

"Ako ninong"

"Ako din."

"Me too."

Sabat nung tatlo.

"Wala pa nga. Ninong agad? Baka ninong sa kasal?" Advance mag-isip itong mga 'to ah.

"Bakit? Kasalan naba ate?" Ani ni Blue.

"Uhmm...ahh..." muli akong napatingin kay Cib.

Bahagya niya namang binitawan ang kutsara at tinidor na hawak niya tsaka ngumiti at hinawakan ang kamay ko.

"Soon." Saad niya. Gosh! Kinukuryente ata ako.

Napangiti din ako at bigla namang natawa si Cib. Bakit kaya? May nakakatawa ba? Hmm... pagtingin ko sa plate ko ay doon ko lang na-realize na pusit pala ang kinakain ko at malamang kulay puti este itim 'yong ngipin ko ngayon. Inirapan ko nalang siya. Kainis! Kinilig na nga eh! Panira kang pusit ka! Ngunguyain talaga kita ng pinong pino at nanggigigil ako sa'yo hmp!

"Excuse me." Sabi ko at saglit na tumayo para magtungo sa banyo. Ang bastos naman at tila biglang sumama ang pakiramdam ko. Bad timing hayst! Ang sakit ng puson at bewang ko. Magkakaroon naba ako? Bakit sobrang sakit naman ata?

Pagpasok ko ng banyo ay agad akong umupo ng toilet para umihi at pagtayo ko para sana i-flash ay nagulat ako. May dugo. Agad akong napaisip at nagbilang ng araw. Parang ang aga naman ata. Pagtingin ko sa legs ko ay dumaloy narin ang dugo pababa. Hindi naman ganoon kadami, medyo lang pero iba ang pakiramdam ko. Parang natatakot ako at hindi ko alam kung bakit.

"Maaa!" Tawag ko agad kay mama pagkalabas ko ng banyo at medyo hindi narin tuwid ang lakad  ko hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa sahig at nawalan ng ulirat.

Cib's POV

Nagulat ang lahat sa malakas na pagkabasag na nagmumula sa may banyo. Agad akong kumaripas at nagtungo doon.

Laking gulat ko at nakita ko nalang na nakahandusay na si Tangerine sa sahig at tila wala ng malay. Agad akong lumapit dito at kinapa ang pulso nito. At lalo namang namilog ang mga mata ko nang makita kong duguan ang mga binti nito.

Bahagya akong napapikit at may takot ako sa ganito kadaming dugo. Kaya ko pang tiisin 'yong dugo mula sa maliit na sugat katulad nang nangyari kay Lucas. Pero ito, iba 'to.

"Ma! Tulungan niyo ako di--" hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko at nakaramdam na ako ng pagkahilo hanggang sa tuluyan na ding dumilim ang buong paligid.

A/N: Ano kayang nangyari kay Tangerine guys? May sakit kaya siya? Abangan. VOTE AND COMMENT ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon