KABANATA 37

1.8K 67 13
                                    

Tangerine's POV

Sa sobrang excited kong umuwi, ang aga aga kong magising. Yung tipong mamayang tanghali palang 'yong flight namin tapos around 4 am ay gising na gising na ako.

Nag-flashback sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi kaya panaginip lang 'yon? Hays, hindi ako makapaniwala sa sinabi ni sir. Bakit niya ako nagustuhan? Wala namang special sa akin ah. Hindi kaya-- maganda talaga ako? Choss!

Kamusta na kaya si Cib? Umuwi kaya siya sa bahay? O baka naman... may inuwi siya sa bahay? Hays!

I shook my head. Wala naman siguro.

Cib's POV

"Wag, wag si Tangerine! Wag..." I groaned at agad akong napabalikwas sa kama ng magising ako mula sa hindi magandang panaginip.

Huminga ako ng malalim habang nakaupo ako sa kama. Napasabunot ako sa buhok ko. Pawis na pawis ang mukha ko kahit aircon naman dito sa loob ng kwarto ko.

"Kalma ka lang Cib. It was just a nightmare." I muttered to myself. Napatingin ako sa orasa, 4:30 AM na din pala. I guess hindi na ako makakatulog pa so maybe magjo-jogging nalang ako.

Tumayo na ako sa kama ko at nagtungo sa banyo. I wash my face, nag-toothbrush tsaka nagbihis at isinuot ang kulay puting rubber shoes ko.

Excited na ako mamaya at uuwi na din dito si Tangerine.

Tangerine's POV

9 o'clock na, paalis na sana kami ng isla nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan na may dalang hangin kaya hindi natuloy at baka malunod daw kami sa gitna ng dagat.

Antayin nalang daw muna namin na medyo humina 'yong ulan tsaka kami umalis ng isla. Seryoso sila? Baka mahuli naman kami nito sa flight.

Na-distract ako nang biglang may naglagay ng jacket sa balikat ko.

"Naku, wag na sir. May jacket ako." Sabi ko dito tsaka isinuli sa kanya 'yong jacket na dapat ay suot niya. Kinuha ko 'yong jacket ko sa bag tsaka isinuot sa sarili ko.

"Rain, rain, go away. Come again another day..." shocks! Napalingon ako kay sir. Kumakanta siya ng pambatang kanta. Natawa naman ako bigla sa kanya.

"Little children want to play. Rain, rain, go away." Kahit tumatawa ako ay tuloy parin siya sa pagkanta.

"Ang saya mo ah." Sambit niya.

"I just found it cute. Mag-teacher ka nalang kaya sa pre-school noh?" Pabiro ko namang sabi.

"Pwede naman, basta ba sasamahan mo ako." Nakangiting sabi nito.

"Ngek! Wala akong passion sa pagtuturo." Giit ko at mukhang balak pa akong idawit sa kabaliwang naisip ko.

"Ano bang passion mo?" Tanong niya.

"Uhm... passion kong magmahal--at masaktan. Etchos! Itong trabaho ko, mahal ko ang trabaho ko kasi passion ko 'to eh." Tugon ko.

"Sana naging trabaho mo nalang pala ako noh? Para-- mahal mo din ako." Napakunot ang noo ko doon sa hirit niya.

"Ang baduy niyo sir!" Hindi bagay sa kanya humirit ng mga ganun.

"Just call me Zach kapag nasa labas tayo." He winked.

I shrugged." Okay...Zach!" In fairness, ang ganda ng name niya. Pang-millennial ang dating.

"I love you." Muli akong natigilan dahil sa sinabi niya. Ito nanaman siya.

"Araw araw ko yan sasabihin sa'yo." Bahagya niyang hinaplos ang pisngi ko.

"Zach, I'm sorry. Mahal ko na si--" hindi ko na natapos pa ang gusto kong sabihin at bigla niyang diniin sa bibig ko ang daliri niya.

"I know. Just give me a chance. Hindi pa naman ako huli." Mapait siyang ngumiti sa akin. "Let's go. Wala ng ulan." He added then hold my hand.

~*~

Nandito na kami airport. Nag-aantay nalang kami ng oras ng alis namin. I checked my phone. Sobrang daming messages. From my mother, kay Blue at syempre kay Cib.

I texted them na pauwi na ako at nandito na ako sa airport. Buti nalang nakabili pa ako ng pasalubong nila.

Wala pang isang minuto ay biglang nag-ring ang phone ko. Excited na naman akong sinagot ito.

"Hello." I answered his call.

"Hi darling. I miss your voice." Wow naman. Baka maniwala na ako nito huh. Well, actually namiss ko din siya. Pati ba naman boses niya on phone ang pogi. Nakakapigtas ng strap ng bra mga teh. Choss! Harot harot.

"I miss you too." Sagot ko. Ano daw? Wait! Parang kinikilig ako. Inaatake nanaman ako ng kiliti sa katawan.

"Susunduin nalang kita. Just see you later and ingat ka. I love yhdehg." Huh? Bakit parang biglang humina 'yong boses niya sa bandang dulo? Hindi ko maintindihan.

"Anong sinabi mo?" Tanong ko.

"Wala, ang sabi ko mag-ingat ka." Ahh... 'yon lang pala. Akala ko may sinabi pa siya.

"Sige bye. Ingat ka din." I love you. Charot! Nahihiya akong sabihin. Binaba ko na 'yong tawag nang may ngiti sa labi. Feeling ko ang haba haba na ng buhok ko. Magpapagupit naba ako? Teka, wait lang. Kinikilig talaga ako omg!

"Kumain ka muna." Ani naman ni Zach na kararating lang at may dala dalang donuts.

"Thanks." Sabi ko naman at nagsimula ng kumagat ng donut. Takte! Kinikilig parin ako.

"What happened to you?" Nagtatakang tanong ni Zach.

"Bakit?" Tanong ko naman dito.

"Ngumingiti ka kasi ng mag-isa dyan." Giit niya.

"Ah, wala! Wag mo na akong pansinin." Natatawang sabi ko.

"Are you happy with me?" Parang nagslow motion naman ako sa pagnguya dahil sa tanong niya.

"Okay lang. Nag-enjoy naman ako." Napatango ako. Bigla tuloy akong na-awkward sa kanya. Ewan ko ba!

"Well that's good." Napangiti siya tsaka hinawakan ang kaliwang kamay ko at parang may inilagay na--

"Ano 'to?" I asked. Alam kong bracelet ang isinuot niya pero...

"Bracelet. Para maalala mo ako lagi." Sagot niya.

"I'm sorry, hindi ko matatanggap ito." Akmang tatanggalin ko na sana 'yong bracelet nang pinigilan niya ako.

Nagkatinginan kami, parang nababasa ko sa mata niya na tanggapin ko nalang 'yong binigay niya.

"To all passengers in blah blah... from Cebu to manila please proceed at the ..."

Kapwa kaming na-distract dahil sa announcement.

"Tara na." Sambit  ko at binitbit ko na ang bagahe ko.

Moving on, 30 minutes lang naman ang byahe pero nakatulog parin ako dahil narin  sa sobrang aga ko nga nagising.

Sa sobrang excited ko na makita si Cib pati tuloy sa panaginip ko ay nakikita ko siya. Excited na din akong malaman kung anong iku-kwento niya sa akin about doon sa audition. Tignan nalang natin pagdating ko...




A/N: Abangan ang muli nilang pagkikita. Mangingisay ba kaya kayo ulit sa kilig? O sasabog sa inis? Hang on *wink* VOTE AND COMMENT ^^


Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon