Cathy's POV
Nagngitngit ang paningin ko sa nakita kong video. Parang nanggagalaiti ako sa inis na may halong galit at inggit. Sa taas ng emosyon ko ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at binato ko yung phone sa pader.
"Whaaaaa!" I shouted out inside my room.
Ako dapat ang nandoon. Ako dapat yung hinaharana at hindi yung babaeng iyon. Sa lahat nalang ng bagay ay kaagaw ko siya.
Since high school siya lagi ang nangunguna sa rank at dahil doon ay lagi lang akong nasa pangalawa. I deserve better than her.
Kahit ang pangit pangit niya nakipagkaibigan ako sa kanya dahil naniniwala ako sa sinasabi nilang 'keep your friends close but keep your enemy closer'
Pinagtiisan ko siya kahit ikinihihiya ko siya sa lahat. Unfortunately, we both entered in the same university in college and the same course as well.
Sobrang inis na inis ako sa kanya dahil kahit para siyang hangin at walang silbi sa mga kaklase namin ay siya lagi ang bida pagdating sa mga professor. Oo matalino siya pero di hamak na mas lamang ako sa kanya.
Second year college, I met this varsity player guy who also have passion in music at doon kami nagkasundo until he courted me and I said yes. And yes, si Cib iyon. I thought masaya na kami pero muling bumaliktad ang mundo ko ng makita ko nanaman siya. I found out na may boyfriend na din siya at si Lucas iyon. Ayokong nakikita siya na masaya at nakangiti.
I don't know pero ayoko talaga. So ang ginawa ko ay nilandi ko ang boyfriend niya kahit may boyfriend din ako noon. Kumagat din naman ito sa bitag ko. I was so happy seeing her crying and broken.
Hindi din nagtagal ay nagising nalang ako na mahal ko din si Lucas. Oo nahulog ako sa kanya kaya mas lalong lumakas ang loob kong kuhanin siya mula kay Tangerine.
Hindi ko hiniwalayan si Cib. I don't love him anymore pero hinayaan ko siyang siya mismo ang bumitaw para wala siyang masumbat sa akin.
We graduated, Tangerine finally found out na may relasyon kami ni Lucas kaya naghiwalay na din sila. I was so happy dahil sa wakas pakiramdam ko ako parin ang nagwagi and she's a big big loser.
Well, dahil mas hamak na tanga si Cib kesa kay Tangerine these last few months lang niya nalaman na may affair kami ni Lucas. He broke up with me and finally we're over dahil nagsasawa na talaga ako sa kanya.
So for now, Lucas and I are enjoying every moments that we have. Wala pa kaming plano na magpakasal but I guess soon.
Back to reality, mukhang masaya nanaman si Tangerine. Nagsama pa ang dalawang tanga argh! Parang gusto kong makipag laro sa kanya ulit. Medyo matapang na siya ngayon at lumalaban na siya unlike before pero isa parin siyang loser. Maaaring lumamang siya sa akin noong nagka encounter kami sa coffee shop pero sisiguraduhin kong hindi na mauulit iyon at dudurugin ko siya.
Mag-antay lang siya...
"Babe what's your problem?" Nadistract ako ng marinig ko ang boses ni Lucas.
Nasira na pala ang unan na hawak ko dahil sa panggigigil.
"Nothing babe." I replied tsaka sumandal sa dibdib nito.
Humanda ka sa akin Tangerine.
Cib's POV
Hayst ano bang pinagagawa ng dalanghitang iyon at hindi sinasagot ang tawag ko? Puntahan ko nalang kaya?
Muli akong pumasok ng kwarto ko tsaka kinuha yung susi ng motor ko at dalawang helmet.
"Kuya saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Victoria ng makasalubong ko siya sa sala.
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent (COMPLETED)
RomanceIt was all started with a game. A game that leads into a boyfriend for rent contract. Until when are they going to pretend? #BoyfriendForRent DATE STARTED: JUNE 8, 2018 DATE FINISHED: AUGUST 5, 2018 Highest Rank in humor is #19