KABANATA 23

2.1K 85 3
                                    

Cathy's POV

"Saan ka nanggaling kahapon?" Bungad sa akin ni Lucas.

"I was with my friends. Bakit?" Hindi kasi kami nagkita kahapon at hindi ko napansing tawag siya ng tawag sa akin since nasa bar nga ako nila Laures at pinuntahan ko talaga si Cib.

"Wala naman." Parang pinagdududahan niya ako. Ano bang problema nito?

"Eh ikaw? Saan ka kahapon? Sabi mo nasa meeting ka pero nung tumawag ako sa office niyo wala ka naman daw doon." Nakapamewang na sabi ko at baka may tinatago din siya sa akin.

"Uhm... may pinuntahan lang." Sagot niya at halos hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko.

"Saan?" Usisa ko.

"It's private. Basta may pinuntahan ako okay?" Natawa ako sarcastically sa sinabi niya.

"Private? So ano? You're now hiding things to me? Geez!" Medyo tumaas ang tuno ng boses ko. "Tsaka ano yang pasa sa mukha mo? Nakipag-away kaba?" I added.

"Wala lang 'to." Pag-iwas niya. He's actually acting now like a different guy.

"Babe, anong nangyari? Sabihin mo sa akin please..." umupo ako sa tabi nito at hinawakan ko pa ang kamay niya at baka may problema siyang ayaw niyang sabihin sa akin.

"Wala nga diba?! Ang kulit mo!" Pasigaw nitong sabi sa akin na siyang ikinagulat ko naman. I think ito ang unang beses na sinigawan niya ako.

"How dare you Lucas!"

*PAK*

I slapped him tsaka ko pinunasan ang luha sa pisngi ko at nagwalk out.

Hinintay kong habulin niya ako at magsorry siya sa ginawa niya ngunit wala. Wala siyang ginawa kundi tumunganga lang at manatiling nakaupo hanggang tuluyan na akong makalabas sa bahay nila.

Cib's POV

Nabalot ng kasiyahan ang bahay nila Tangerine kasama ang buong pamilya ko na hindi ko inaasahang pupuntahan pa ako dito para i-surprise. Dahil sa mga nangyari kahapon ay nakalimutan ko talagang birthday ko ngayon. At birthday niya din pala. Akalain mo iyon?

Pagkatapos ng breakfast ay pinaghahanda na nila kami at aalis daw kami papuntang Tagaytay at mukhang matagal na nila itong pinaghandaan dahil kaming dalawa nalang ni Tangerine ang hindi handa.

"Happy birthday." Bati ko sa kanya.

"Happy birthday din sa'yo." Bati niya din sa akin na may ngiti sa labi.

"Oh siya maghanda kana Tangerine at aalis na tayo." Ani naman ni mama Helena kay Dalanghita.

Masasabi kong napaka-effective talaga ng surprise nila sa amin. Biruin mo, hinanda na ni Victoria yung gamit ko para sa plano nilang trip to Tagaytay tapos ako mismo hindi pa handa.

*kriingg*

Biglang tumunog yung phone ko na nakapatong sa mesa. Nang makita ko kung sino yung tumatawag ay nagdalawang isip ako na sagutin. I ended the call without even answering  it.

Makalipas ang halos isang minuto ay tumunog nanaman ito ulit. Siya parin ang tumatawag kaya sinagot ko narin.

"Yes?" I coldly answered.

"Cib *sobs*" natigilan ako nang marinig ko ang basag nitong boses na halatang umiiyak.

"What happened?" Tanong ko.

"Pwede mo ba akong puntahan? *sobs* I need you." F*ck! Gusto ko siyang puntahan but please Cib... Don't!

"No. I can't. I'm busy." Diretsa kong sabi.

"Bakit? Hindi mo ba ako kayang puntahan? Can't you hear me? I need you now Cib." Kailangan niya ako. Bakit? Bakit ngayon pa? Bakit niya ako ginugulo ngayon?

"Pupunta akong Tagaytay with my girlfriend. I told you... I'm busy." I said then ended up the call bago pa man magbago ang isip ko.

Tangerine's POV

We're on our way to Tagaytay sakay ang kulay puting Van na pagmamay-ari ng family ni Cib. Yung Daddy ni Cib ang nagda-drive while nasa tabi nito ang mama ni Cib. Next, sa likod naman nakapwesto si Mama ko, si Blue at si  Victoria. And yeah kaming dalawa lang ni Cib ang nakaupo dito sa dulo.

Ang busy niya tumunganga habang nasa malayo ang tingin. Ang sarap niyang sipain palabas joke. Hindi naman kami magkagalit ngunit pakiramdam ko may sakit ako at sobrang layo niya sa akin. Yung tipong nandito ako sa dulo tapos siya nandoon din sa kabilang dulo? Ang saya naman ng byaheng ito. Kahapon ang sweet niya sa akin tapos ngayon parang ewan.

Kanina pa siya tahimik at tila ang lalim ng iniisip niya. Ano kaya ang nasa isip niya ngayon? Parang malulunod ata ako kung susubukan kong alamin dahil sa lalim nito. Hays, nakakalungkot naman. I pouted.

Well, kesa sumimangot ako na parang ewan, dumungaw nalang ako sa bintana at ini-enjoy ang mga tanawing nadadaanan namin. Medyo malayo na din kami sa kabihasnan kaya ang sarap na ng simoy ng hangin. Walang usok, walang traffic, at iba pang pollution.

Makalipas ang ilang minuto ay tila may nararamdaman akong humahawak sa kamay ko, at paglingon ko ay nakatitig siya sa mukha ko habang nakangiti.

Nakangiti man siya ngayon sa akin ay kitang kita ko sa mata nito ang lungkot. May bumabagabag kaya sa kanya? Na-curious naman tuloy ako.

Hinila niya ako palapit sa kanya.

"Matulog ka muna, malayo pa ang byahe natin." He muttered as he offered his shoulder.

Namula naman ako bigla doon. Ayokong ipakita sa kanya na kinikilig ako kaya pinigilan ko talaga ang ngiting gustong kumawala sa labi ko.

Relax ka lang Tangerine. Normal lang ang lahat okay? Hays, ang gwapo naman kasi talaga nitong katabi ko kainis! Char! Ang harot mo teh.

Dahan dahan akong sumandal sa balikat nito at ngayon ay amoy na amoy ko na ang mabangong perfume nito na sa kanya ko lang talaga naaamoy ever since. Char!

Mga tulog na ang mga tao sa harapan namin maliban kay tito na siyang nagda-drive. Grabe ang bait ng pamilya ni Cib as in down to earth. Ang suwerte siguro ni Cib at Victoria. Masuwerte din naman ako sa mama ko, minalas lang sa tatay.

Naramdaman kong nilagay ni Cib yung isang earphone sa tenga ko. Wala akong tugtog na naririnig. Hindi naka-play ang music sa phone niya.

"Bakit walang tugtog?" Natatakang tanong ko dito.

"Antayin mo lang." Sagot naman niya.

Okay fine~

"I met you in the dark, you lit me up
You made me feel as though I was enough
We danced the night away, we drank too much~ I held your hair back when
You were throwing up

Then you smiled over your shoulder
For a minute, I was stone-cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said, I already told ya
I think that you should get some rest"

Sa ganda ng boses nito ay hindi ko maiwasang kiligin plus favorite song ko pa yung kinanta niya.

So nilagay niya pala yung earphone sa tenga ko para kumanta siya ng live? Choss. Ang weird niya din minsan eh.

"I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool when I was scared of letting go
I know I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go..."

Hay ang sarap pakinggan ng boses niya. Oo na! I won't let go darling. Char!
Habang nakikinig sa kanya ay unti unting bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog ng hindi ko namamalayan.

Featured Song:
Say you won't let go by James Arthur



A/N: Vote and comment kayo guys ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon