Tangerine's POV
Halos mapigil ang hininga ko nang makita kong number six sa hawak hawak kong stick. Sino si number two?
Nagkatinginan kami ni Cib. Hindi siya, pero pakiramdam ko ay alam niya ng ako si number six.
"Two..." nilapag ni Matthias yung stick na hawak niya. Siya yung hahalik sa akin? gosh!
"Six..." nag-aalangan kong nilapag yung stick na hawak ko din at nagkatinginan pa kami ni Mattie.
"Ano na Matthias?" Tanong ni Cathy.
Si Cib naman ay nakakunot noo na. Ang sama ng titig niya kay Mattie. Kinakabahan ako kasi bawal akong umayaw kung sakaling tatanggapin nga ni Mattie yung dare.
"Isang shot." Sambit ni Mattie. Phew~
"Baka masakal ako ni Cib." Dagdag pa nito tsaka tinungga ang isang shot glass na talagang pinuno ng alak.Ang pangit tuloy ng mukha niya after. Feeling ko matapang yung alak at baka isang shot lang ako dyan ay knock out na ako.
Muli kaming nagpalit ng number tsaka pinaikot muli yung bote. This time kay Mattie naman.
"Inuutusan ko ding halikan ni number 3 si number 4." Ani nito na tila tinatamaan na ng alak.
"Three." Lapag ni Jack ng number niya.
"Four." Lapag din ni Cib ng number niya.
"F*ck!" Halos sabay nilang sabi.
Natawa naman kami. Eww!
"Kissss!" Asar ni Laures at Mattie.
Nakisabay narin lang ako sa pang-aasar.
"Isang shot!" They both said in chorus again.
Nilagyan ni Cathy yung dalawang shot glass ng alak tsaka binigay sa dalawa.
Again, ang pangit nanaman ng itsura nila after uminom. Nakakapangit pala talaga yung alak na yan, paano pa kaya kapag ako na yung iinom?
Pinaikot naming muli yung bote. Kay Cib naman ngayon.
"Number 5, gusto kong aminin mo dito kung sino ang mahal mo." Hay mabuti nalang at hindi ako number 5.
"Five." Lapag ni Cathy sa number niya.
A moment of silence.
"Ikaw." Maiksing sagot nito.
Anong ikaw? Si Cib? Paano si Lucas? Hays...malandi talaga siya! Nakakabwiset ang sarap niya sabunutan.
"Next round na." Basag ni Jack sa katahimikan.
Muling umikot yung bote tsaka huminto kay Jack.
"Okay, number 1 basagan mo ng itlog sa ulo si number 2." Ani nito tsaka naglabas ng itlog. Aba ready ah.
"Two." Lapag ni Cib sa number niya. Siya ulit lols.
"One." Lapag ko ng number ko. Hakhak sorry siya.
"Oh Tangerine basagin mo itlog ni Cib." Pabirong sabi Laures.
"Gago!" Sagot naman ni Cib at nagtawanan naman sila.
"Paano ba yan Cib... sorry ah! Babasagan muna kita ng itlog." Paumanhin ko dito ngunit lalo lang silang nagtawanan sa likod.
"Isang lang Tangerine. At least may matitira pang isa." Ani naman ni Jack.
"I mean, babasagin ko muna 'tong itlog na ito sa ulo mo at hindi yung itlog mo yung babasagin ko." I rephrased. Ang gulo parin lols.
*PAK*
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent (COMPLETED)
RomanceIt was all started with a game. A game that leads into a boyfriend for rent contract. Until when are they going to pretend? #BoyfriendForRent DATE STARTED: JUNE 8, 2018 DATE FINISHED: AUGUST 5, 2018 Highest Rank in humor is #19