Tangerine's POV
Muli akong hinatid ni papa pauwi at medyo late narin. Kahit papaano ay naibsan naman ang sama ng loob ko kanina dahil kay Cathy. I don't care kung hindi niya ako ituturing na kapatid. Sapat narin siguro ang malaman ko ang masaklap na katotohanang kalahati ng pagkatao ko ay kapareho ng mayroon siya. Pero kahit kailan ay hindi magiging kasing itim ng budhi niya ang pagkatao ko.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay napakapit ako sa pintuan ng makaramdam ako pagkahilo. Tila napapadalas ata ang pagkahilo at pagno-nose bleed ko. Ano kayang dahilan nito? Wala naman akong sakit.
Napailing ako at muling naglakad ng tuwid papasok. As I turn on the lights...
Napaatras pa ako sa gulat nang tumambad sa paningin ko si Cib na may hawak pang bulaklak. So kanina pa siya nakatayo dyan?
"Happy Weeksary." Matamis na bati niya sa akin tsaka ako hinalikan sa labi. Huta! Kinikilig nanaman ako.
"Happy weeksary." Bati ko din sa kanya.
Hindi ko naman inasahan ito. Aba malay ko bang isu-surprise niya ako ng weeksary like duhh... hindi na kami mga bata. But anyway, nakakakilig and I found it so sweet. 'Yong tipong pagod na pagod ka sa araw mo tapos ito ang sasalubong sa'yo pag-uwi. Parang pakiramdam ko tuloy ay nasa mala-fairytale na love story ako.
Simpleng bulaklak lang, yakap at halik mula sa kanya ay okay na ako.
"Kumain kana ba darling?" Tanong niya sa akin at inalalayan pa akong maupo sa sofa.
"Yeah. Diba nga may dinner date kami ni papa?" Tugon ko at napasiksik ako sa dibdib niya. Pasimpleng sininghot ko ang amoy nito at namiss ko siya ng sobra. Ang corny ko naman ew! Lols.
"Nasaan sila? Bakit parang wala 'yong tatlo?" Tanong ko nang mapansin kong wala 'yong tatlong gwapito sa bahay. Umayos ulit ako ng upo at tinitigan ang napaka-gwapong mukha ng magiging asawa ko. Choss!
"They're not around darling. Just the two of us." He grinned.
"Ahh...okay." pag-iwas ko ng tingin dito at tila may masama siyang binabalak sa akin. Wag po!
"Anyway, kamusta naman ang dinner niyo?" Tila nabunutan naman ako ng tinik sa leeg dahil sa tanong niya. Phew~ kinabahan ako ng very slight.
"Okay lang naman pero may nangyari ding hindi maganda." Saad ko.
"Ano 'yon?" he asked again while playing with my hair.
"I don't know how to explain this to you Cib. But I'll make it short anyway, MAGKAPATID KAMI NI CATHY." Diretsang sabi ko dito at bahagyang natigil naman siya sa ginagawa niya. Tila natutula siya sa sinabi ko. Halos 30 seconds ko ding inantay na mag-react siya sa sinabi ko.
"WHAT?" He blurted.
"Yeah. Kahit ako parang ayoko maniwala. Pero anak siya ng papa ko sa tunay at una niyang asawa." I sighed.
"So... what happened then?" Curiosity drives him now.
"Ano pa ba? edi nagkagulo kami doon sa restaurant. Mabuti nalang at umalis din siya agad. At ang mas masaklap ay nalaman kong nagkasakit pala ng cancer noon ang papa ko at wala akong kamalay malay doon." I sighed again.
"Don't be sad darling. Kahit ano pang meron sa buhay mo ngayon, I will always be here." Ani niya at binigyan pa ako ng mabilis na halik sa pisngi.
"Salamat." Napangiti naman ako.
"Grabe... ang liit talaga ng mundo natin." Napailing na saad niya.
"Indeed." Pagsang-ayon ko.
"Anyway, let's make love?" Napaatras naman ako sinabi nito at bigla siyang natawa dahil sa reaction ko.
"Your face was epic darling." Giit niya habang nakahawak pa sa tyan niya.
"Loko ka!" Hampas ko dito.
"Sana nakita mo 'yong mukha mo kanina." Asar pa niya.
"Che!" Irap ko sa kanya.
"I'm just kidding darling. I'll wait for the right time." Seryosong sabi niya at hinalikan ako sa noo.
Galawang maginoo na medyo bastos. Precise! Yan si Cib. How to be you po? Char.
Cib's POV
Parang ang pangit ng timing kung ngayon ko sasabihin sa kanya. Shit paano ba ito? Bukas nalang kaya? Masama ang araw niya ngayon dadagdagan ko pa ba?
F*ck Cib. Kinakabahan parin sa pwedeng gawin ni Cathy.
"Darling..." sambit ko.
"Hm?" Tugon niya habang nilalaro ang mga daliri ko.
"Mahal kita." Sana huwag niya akong iwanan sa oras na malaman niya ang tungkol sa video na 'yon.
"Mahal na mahal din kita Mr.Buendia." giit niya. Napangiti naman ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sa akin 'tong babaeng 'to. Naka-moved on na nga ako mula sa pangit na nakaraan ko pero hanggang ngayon ay hinahabol parin ako nito. Hanggang kailan kaya ito?
Tangerine's POV
Habang naglalambingan kami ni Cib ay bigla nalang nag-ring phone nito na nasa ibabaw ng mesa.
Napasilip ako sa screen nito. Pagkakita ko ng pangalan ng tumatawag ay nagkatinginan pa kami.
"Bakit hindi mo sagutin?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Uhm... baka magalit ka eh." Sagot niya.
"Bakit naman ako magagalit? May dapat ba akong ikagalit?" Aside from nakakagigil talaga ang mukha ni Cathy.
"Ito na, sasagutin na." Saad niya tsaka dinampot 'yong phone at sinagot 'yong tawag ni Cathy.
Hindi ko marinig ang sinasabi ni Cathy ngunit wala pang isang minuto ay tapos na agad 'yong tawag. Mabuti naman.
"Anong sabi?" Tanong ko kay Cib pagkalapag niya ulit ng phone sa mesa.
"Sunduin ko daw siya." Mahinang sabi ni Cib. Napapikit naman ako para pakalmahin ang sarili ko.
"Bakit? Driver kaba niya?" This time medyo napataas ang tuno ng boses ko.
"Sabi ko nga. Hindi ko siya susunduin. Dito lang ako sa tabi mo." Sabay yakap niya sa akin.
"Ano siya? Sinuswerte? May taga-sundo? Eh kung sunduin ko kaya siya at ihatid sa impyerno!" This time talagang uminit na ang ulo ko.
"Opo. Kalma na darling. Hindi na nga eh." Paglalambing sa akin ni Cib.
"At ikaw din." Turo ko sa kanya. "Subukan mo lang na sunduin siya, sa labas ka talaga matutulog araw-araw." Giit ko.
"Opo." Tango niya na parang bata na sinisermonan.
"Good. I love you." Chill Tangerine. Weeksary niyo diba? Dapat happy lang.
"I love you too." Sagot niya.
"Lambingin mo ako. Naku, umiinit talaga ulo ko." Giit kong muli.
"Wag na mainit ulo darling. Sige ka iinit din ang ulo ko.... sa baba." Napakunot noo ako sa sinabi niya hanggang sa natawa na din ako nang ma-gets ko. Ang slow ko.
"Bastos!" Hampas ko sa kanya.
"Bastos kapag naka-hubad. Gusto mo maghubad ako?" Hay naku. Pilyo talaga.
"Ewan ko sa'yo." Natatawa nalang na sabi ko.
"See? You're smiling now." Ngisi niya.
"Che! Gigil parin ako. Lambingin mo pa ako. Moree!" Demanding? Wahahaha. Syempre kunwari lang para lambingin.
A/N: Abangan ang next update ko. Try kong mag-update mamayang gabi. VOTE AND COMMENT GUYS^^
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent (COMPLETED)
RomanceIt was all started with a game. A game that leads into a boyfriend for rent contract. Until when are they going to pretend? #BoyfriendForRent DATE STARTED: JUNE 8, 2018 DATE FINISHED: AUGUST 5, 2018 Highest Rank in humor is #19