KABANATA 20

2.2K 73 17
                                    

Cib's POV

*dingdong...*

Tunog ng doorbell.

"I'm coming." Dinig ko mula sa loob. Boses iyon ni Dalanghita. Hays buti naman at andito lang siya sa bahay. Tumatawag siya sa akin kanina kung kailan nasa byahe ako. Pasaway tsk!

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang magan-- pangit na pagmumukha nito.

"Hi." Nakangiting bati niya sa akin.

Mukhang masaya siya? I guess everything's okay. Akala ko na-stress siya dahil sa nangyari.

"Pasok ka." Ani nito kaya pumasok na din ako.

Pagpasok ko ng bahay nila. There's one thing that really catches my attention. Who's that f*cking guy?

Napatingin ako kay Tangerine. Giving her the who-is-he look.

"Boss ko siya kaya wag kang magkakamali." Bulong nito sa akin tsaka ako hinila at pinaupo sa sofa. Kaharap ko na ngayon ang sinasabi niyang boss niya.

I can feel the connection. The way he looks  I mean glares at me, parang may kuryenteng namamagitan sa amin.

"Ehem!" Tangerine's  mother broke the silence. "Meryenda na muna kayo." Ani ni mama helena na nag abala pa talagang maghanda ng makakain at umalis din naman ito agad.

"May bisita ka pala. Nakakadisturbo ba ako DARLING?" Nakangiti kong sabi kay Dalanghita at kitang kita ko naman ang pag-iba ng expression nito.

" Hi-hindi naman. Paalis na din naman kasi si Sir Zach. Diba sir?" Tugon nito. Mabuti naman kung ganun.

"Yeah, I'm actually leaving but of course kasama ka." Parang may bahagyang umakyat sa nerves sa utak ko ng marinig ko ang sinabi ng boss ni Dalanghita.

Nang-aasar ba siya? Parehong masama ang tingin namin sa isa't isa. May gusto ata siya sa Dalanghita ko ah. Aba...

Tangerine's POV

Napanganga ako ng unti sa sinabi ni Sir Zach. Anong kasama ako?

"Bakit naman sasama sa'yo ang GIRLFRIEND ko?" Mariing sabi ni Cib.

"Oh~ boyfriend ka pala niya." Ani naman ni Sir Zach.

"Yeah." Tipid na sagot ni Cib.

"I'm his boss and she's my Secretary kaya sasama siya sa akin. Right Tangerine?" Tinignan ako ni Sir Zach.

Anong nangyayari? Bakit parang nagsasagutan sila? Parang ang iinit ng ulo nila.

Nagkatinginan din kami Cib. May choice ba ako? Pero paano si Cib?

"Remember? Hindi mo day off ngayon. May naiwan kapang trabaho kaya sasama ka sa akin." Dugtong pa ni Sir Zach.   Kung kanina ang amo ng mukha niya ngayon ay iba nanaman ang aura niya at tila sinaniban nanaman ng kasungitan.

"Okay~" naisagot ko nalang. Hindi ko naman talaga day off ngayon kaya kailangan kong balikan ang trabaho ko since pumayag na din ako na wag umalis sa company.

"Sige antayin nalang kita sa labas." Zach said tsaka tumayo na at naglakad palabas.

Napatingin ako kay Cib. Ang lungkot niya tignan at para siyang bata na walang pambili ng candy.

"Aalis kana?" Matamlay na tanong nito sa akin.

Tumango ako. "Kailangan eh." Tugon ko. Kung makapagreact naman 'to parang sa mars ako pupunta.

"Pinuntahan kita dito kasi hindi mo sinasagot yung tawag ko tapos iiwan mo ako." He pouted out.

Parang bata naman 'to.

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon