KABANATA 45

1.8K 60 11
                                    

Cib's POV

"Ano bang ginagawa mo ha?" I confronted her habang nasa comfort room pa si Tangerine.

"Nothing. Nagustuhan mo naman diba?" Saad niya habang gumagapang ulit ang mga kamay niya sa katawan ko.

"Stop it!" Agad kong inalis ang mga kamay niya tsaka naglakad palayo ngunit sumunod parin siya sa akin.

"Omg! Si Cib 'yon diba?"

"Oo nga, siya nga."

"Grabe ang pogi niya pero may kasama siyang babae."

"Si Cathy ata yan, 'yong model?"

"Mataray daw yan. Pero sige, tara lapitan natin sila."

I heard them murmuring at wala pang ilang minuto ay nagsilapitan na nga sila.

"Pwede po pa-picture?"

"Kami din po."

"Please..."

"Oh sure." Sagot ni Cathy.

"Ay, hindi po sa'yo. Kay Cib po." Bahagyang naningkit naman ang mga mata ni Cathy.

At ako, syempre wala na akong nagawa. Alangan naman itaboy ko sila.

After nila ay may sumunod pa. Akala ko hanggang doon lang pero pakiramdam ko ay unti unti na akong dinumog ng mga tao at hindi ko na makita kong nakalabas na ba si Tangerine.

Tangerine's POV

Paglabas ko ng comfort room ay hindi ko na nakita pa si Cib ngunit tila may pinagkakaguluhan ang mga tao. Napatingkayad pa ako para sumilip doon sa pinagkakaguluhan nila.

Namilog ang mata ko sa nakita ko. Si Cib at Cathy pala. Siguro mga fan nila ang mga ito at panay kuha sila ng litrato.

"Cib!" Tawag ko dito ngunit tila hindi niya na ako naririnig dahil sa daming tao na nakapalibot sa kanya.

"Cib!" Tawag ko ulit sa kanya ngunit ganoon parin.

Dahil sa pakikipagsiksikan ko ay sa hindi sinasadyang pangyayari ay naatrasan pa ako ng mga babae na nasa harapan ko dahilan para matumba ako at mapaupo sa sahig.

Bahagya naman akong nakaramdam ng lungkot. It supposed to be our date. Just the of us... pero feeling ko ang dami kong kaagaw kay Cib.

"Tumayo kana dyan." Napatingin ako doon sa kamay ng nagsalita. He extended his arms at tila ba gusto niyang hawakan ko ang kamay niya para mabilis akong makatayo.

I sighed. Humawak ako sa kamay niya at agad na tumayo.

"Mukhang, nakalimutan niyang kasama ka niya." Sambit niya.

"Hindi naman." Mahinang tugon ko. Nakalimutan niya nga ba ako?

"Tignan mo sila. Mukha silang happy couple habang tuwang tuwa sa kanila ang mga fan nila. Bagay sila." Lalo akong nainis sa pinagsasabi ni Lucas.

"Ewan ko sayo!" Kesa manigas sa kinatatayuan ko ay umalis nalang ako at naglakad palayo sa kanila. Nandito pala kami sa SM. Siguro, maghahanap nalang ako ng lugar kung saan pwede pa akong matuwa.

"Hey Tangerine!" Habol sa akin Lucas. Hindi ko siya nalingon at nabubwiset ako sa kanya.

Bagay naman kami Cib ah. Maganda din naman ako, tsaka... hindi naman ako ganoon kataba. Tsk! Kailangan ba maging sexy para masabing bagay kay Cib? Bakit? Lahat ba ng girlfriend/boyfriend ng mga sikat ay sexy?

Grabe, parang noong nakaraan lang ay malaya naman kaming nakakapag lakwatsa ni Cib. Pero ngayon, iba na.

Sa Tom's world ako dinala ng mga paa ko. Gusto ko maglaro ng brutal. Yung may baril at si Cathy 'yong target. Hmp! Meron bang ganoon?

Cib's POV

"Excuse me. I have to go." Saad ko at umalis na. Sinundan pa ako ng iba ngunit hindi ko na pinansin. Kahit bawal ay naglakas loob akong pumasok sa comfort room ng mga babae para lang silipin ni Tangerine ngunit wala. Nagsimula na akong mataranta at baka galit na siya sa akin. Tinatawagan ko siya ngunit hindi siya sumasagot.

F*ck! Saan ko siya hahanapin? Ni hindi ko nga alam kung nasa loob pa ba siya ng SM.

Hindi ko naman inasahan na pagkakaguluhan ako in public at hindi pa naman ako ganoon ka-sikat.

Oh come on Cib, think! Saan kaya siya pwedeng pupunta? Uuwi? Maglilibot?

Nagpaikot-ikot, akyat, at baba na ako sa loob ng SM para lang makita siya ngunit bakit wala? F*ck! Tangerine nasaan kana?

Cathy's POV

Umalis na Cib. In fairness, nandito 'yong mga sikat na online vlogger na pinapunta ko. Para saan? Of course, kapag nagpost sila ng video regarding this, pag-uusapan kami ng mga tao. Mabilis ang pag-angat ni Cib kaya dapat dumikit ako sa kanya para kasama ako sa pag-angat niya. Oh diba? Parang killing two birds in just one stone lang bwahaha. Sisikat na ako, mapapasaakin pa si Cib.

"Girlfriend po kayo ni Cib?" Tanong nung isang kumukuha ng video.

"Uhm... no comment." Syempre dapat pabebe para hindi ako i-bash.

"Kayo po ba 'yong babae doon sa nag-viral na video last last week?" Hmm... ano bang isasagot ko?

"Uhm... yes." Nagtilian naman 'yong ibang fan ni Cib dahil sa sinagot ko. They're actually looking for that person. Si Tangerine 'yon pero malalaman ba nila? Ibang iba ang itsura ni Tangerine doon sa video plus malayo 'yong kuha ng video kaya malamang hindi na sila magtatanong pa doon. Pagsinabi kong 'ako iyon' ako talaga 'yon. No further questions.

Tangerine's POV

"Oh, wala ka pala eh! Weak!" Sabi ko kay Lucas at mukhang mas lalaki pa ako maglaro ng basketball kesa sa kanya.

"Pinagbibigyan lang kita." Sagot naman ni Lucas.

Medyo nabawasan na din ang inis ko at kahit papaano ay nailabas ko na through gaming.

Next na nilaro namin ay 'yong sa may stuff toys na dinadakot na halos 10 years ko nang ginagawa ngunit ni isa ay wala akong nakukuha dahil lagi lang nahuhulog at hindi umaabot ng butas.

"Go Lucas!" I cheered him up.

At ayan  na nga...

"Whaaa!" Napahiyaw ako with matching clap clap nang may nakuha siyang isang maliit na stuff ng pekachu.

Ngunit sa kalagitnaan ng tuwa ay natigilan ako ng bigla niya akong niyakap. Hindi ko alam kung dahil sa nadala lang siya ng tuwa o sinadya niya talaga akong yakapin.

"Tangerine?" That voice wake me up at agad ko namang naitulak palayo sa akin si Lucas.

"Cib..." I muttered.

"A-anong ibig sabihin nito?" I know what he's thinking right now.

"It's not what you think Cib. A-ano kasi..." hindi pa man ako natapos sa pagsasalita ay hinawakan niya na ako sa wrist at hinatak palayo kay Lucas.

"Anong ginagawa mo? Nasasaktan si Tangerine." Ani ni Lucas.

Medyo masakit nga 'yong kapit sa akin ni Cib pero hindi naman ganoon kasakit. Mukhang galit na galit siya dahil sa nakita niya.

"YOU...STAY AWAY." Tipid at mariing sabi ni Cib kay Lucas. Akala ko magsusuntukan pa sila pero mabuti nalang at umalis na agad kami doon sa Tom's world.

A/N: Since sabi ko babawi ako so I updated 2 chapters today.  VOTE AND COMMENT GUYS ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon