KABANATA 18

2.2K 91 10
                                    

Cib's POV

Kasabay ng hiyawan nila ay parang kusang kumilos ang katawan ko at nakita ko nalang ang sarili kong ninakawan ko siya ng halik. Hindi naman ito ang unang pagkakataon pero parang something hits me.

Siya dapat ang kiligin sa nangyayari pero shit! Bakit pakiramdam ko ako yung kinilig? F*ck!  ang baduy mo Cib.

Ang ganda niya.

Oh come on Cib! Pagpapanggap lang ang lahat. Walang meron sa inyo ni Tangerine. And I'm sure wala din siyang gusto sa'yo. She's not gonna fall in love with me. Hindi niya ako type at--

F*ck! Ano ba itong iniisip ko? Maybe nadadala lang ako sa pagpapanggap namin. Yeah, that's it. Umaasta lang ako na parang totoong boyfriend niya ako. Kahit na... in contract lang ang lahat. Nothing's personal Cib. Nothing's real. Nothing... iyon lang ang meron sa inyo.

Tangerine's POV

Quarter to 12 AM na ng hinatid ako ni Cib sa bahay. Tahimik na ang bawat sulok ng daanan.

"Salamat and good night." Sabi ko sa kanya.

Nginitian niya naman ako.

"Good night din... dalanghita." Huh? Ano daw?

"Ano?" Tanong ko.

"Dalanghita. Diba iyon ang tagalog sa pangalan mo?" Wow ang taba ng utak ah.

"Ang sagwa naman pakinggan niyan. Hindi naman ako prutas noh." Reklamo ko.

"You're not a fruit but you're the Apple of my eye." Aba humihirit pa 'tong ungas na ito ah.

"Oo na. Tigil na okay? Nagawa mo na yung wish ko kaya enough na." Tama na at baka mangisay pa ako sa kilig choss.

"Bye dalanghita." Ang sagwa nito. Aangal pa sana ako pero hinalikan niya ako sa noo kaya natigilan nanaman ako. Napapikit ako  ng ilang segundo at pagdilat ko naglalakad na siya papunta sa motor niya.

"Good night Cib." Bulong ko sa sarili ko at sinarado ko yung pinto ng makaalis na siya. Napawalling pa ako sa likod ng pinto dahil sa kilig. Napakagat pa ako sa labi ko at tila gusto kong tumalon talon.

"My gosh! Tangerine gumising ka." Sinampal ko ang sarili ko para magising ako sa katotohanang 'walang kami'

Bakit siya ganun? Ang pafall niya naman masyado argh!

"No Tangerine! Hindi ka dapat mafall dahil walang sasalo sa'yo!" Giit ko sa sarili ko.

Pero...

"Wala ng pero pero! Masasaktan ka lang!" I muttered again.

Tama, masasaktan lang ako. Okay, katulad ni Cinderella ay tapos na ang masayang araw ko pagsapit ng hating gabi.

Sa kalagitnaan ng pagiging baliw ko ay biglang bumukas ang ilaw.

"Sino ka?" Gulat na sabi ni mama at tila hindi pa ako nakilala dahil sa itsura ko.

"Ma ako 'to!" Sagot naman habang tinatanggal ang suot kong sandals.

"Bakit ngayon ka lang anak? Anong meron? Bakit ganyan ang itsura mo? Well, in fairness nagmukha kanang tao dyan sa suot mo ha." Wow ah. Kung makapagsalita naman 'tong si mama ko.

"May pinuntahan lang ako ma." Marahan kong sabi.

"Saan? Sino kasama mo?" Hindi talaga nauubusan ng tanong itong si Helena Salvador.

"Basta doon. Kasama ko si Cib." Tulad ng inaasahan ko ay napangiti ito ng marinig ang pangalan ni Cib.

"Ah ganun ba. Sige pahinga kana." Sabay ganun si mama diba? Wala ng satsat agad. Sana all.

"Sige ma. Matulog na din kayo. Good night." Humalik ako sa pisngi nito at umakyat na sa kwarto ko.

"Mag-iingat ka lang anak. Tandaan  yung baby ha." Pahabol pa nito.

Napailing nalang ako at kahit anong paliwanag ko ay iniisip niya paring buntis ako. Ano ba dapat kong gawin? Mag pregnancy test? Kaloka.

Pero... oo nga, late na yung period ko. Anong araw naba? Napatingin ako sa phone ko. Gosh! 1 week na akong delayed ah. Pero chill lang. Wala namang  nangyari eh. Maliban nalang  kung nakakabuntis yung halik.

After kong mag-half bath ay sa wakas nakahiga narin ako. Napagod ako doon ah.

Cib's POV

"Kuyaaaaaaaa!" Narinig kong hiyaw ni Victoria kaya naman nagtakip  na ako ng unan.

"Umalis ka nga! Inaantok pa ako..." taboy ko sa kanya at antok na antok pa talaga ako.

"Kuyaaaa!" Yugyog padin niya sa akin. "Kuya you have to see this." Ang kulit naman ng bansot na ito.

"Hindi ako interesado umalis kana." Sabi  ko habang nakapikit padin.

"Okay fine. Gusto ko lang sabihin sa'yo na may nagviral na video sa social media." She said then slammed the door.

Hay, salamat naman at umalis  na siya. Ano bang pake ko doon sa viral video na iyon? Hayst nanggigising pa eh. Buti sana kung tungkol sa akin yung video na iyo--

Wait! Dali dali kong naimulat ang aking mga mata  at agad  bumangon tsaka binuksan ang computer ko.

"Uh-oh~" nasabi  ko nalang ng makita ko yung video. Nagviral na nga siya at naexpose na ang  mukha namin ni  Tangerine  on public. Dapat ba akong matuwa? Parang may mali eh. Hindi ko naisip na mangyayari ito.

Napalundag ulit ako sa kama. Kung sa akin lang naman ay ayos lang. Lagi namang nailalabas on public yung mukha  ko. Tulad nung nagpost si Victoria ng Boyfriend for Rent thingy. Pero paano naman si Tangerine? Maaaring may positive comments doon pero hindi talaga maiwasang magkaroon ng bashers. Paano na siya? Baka maapektuhan siya. Nag-aalala  ako sa pwedeng mangyari.

Inabot ko yung phone ko tsaka tinawagan si Dalanghita. Nagriring lang yung phone niya at walang sumasagot. Baka tulog pa siya.

Tangerine's POV

As I woke up, nakita kong may 50 missed calls ako from Cib at halos tanghali na din pala.

Dali dali naman akong bumangon ng kama dahil late na late na ako sa trabaho ko.

After 10 minutes okay na ako. Ready na sana kaso  I've realized na wala na pala akong trabaho. Napaupo ako sa kama ko at nag isip kung papasok paba ako? Kaso...ayoko na talagang makita yung boss ko na iyon. Sige, maghahanap nalang siguro ako ng trabaho ngayon.

Tama, hindi dapat ako magsayang ng araw. Isinukbit ko na ang shoulder bag ko at bumaba ng sala.

"Ate! Tignan mo'to oh. Sikat kana ate." Nakangising sabi ni Blue. Ano daw?

Naglakad ako palapit sa kanya at tinabihan siya.

Kung pwede lang lumuwa ang eyeballs ko baka kanina pa ito nagkalaglagan sa sahig. Napanganga ako sa nakita ko. Yung nangyari kahapon nasa social media na at halos nasa 10 million na ang views nito. Oh my gosh. Artista naba ako? Ano? Dapat ba akong matuwa dito? Pero nagpapanggap lang kami eh. So kailangan na naming magpanggap sa buong mundo?

"Nakakakilig naman kayo anak." Halos mangisay ngisay na sabi ni mama.

Uh-oh~ yung usapan namin ni Cib na dapat ay isang araw lang ay hindi ko naisip na aabot dito.

Buong nationwide na ang nakakaalam na may relasyon kami. Relasyong hindi naman talaga totoo.

A/N: Ano masasabi niyo guys? May nararamdaman na kaya sila para isa't-isa o nadadala lang sila sa pagpapanggap nila?

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon