KABANATA 47

1.9K 55 8
                                    

Cib's POV

"Bye, ingat ka darling." I waved. Hinatid ko kasi siya sa trabaho niya. Mabuti nalang at hindi niya na naalala pa 'yong ginawa ko kagabi. Hindi ko naman talaga 'yon sinasadya eh.

Inantay ko muna siyang makapasok sa loob bago ko pinaandar ang motor ko. Napapansin ko lang, parang araw araw siyang gumaganda. Noong una ko siyang nakita, honestly mukha siyang napag-iwanan ng panahon dahil sa luma ng itsura niya. But now, parang unti unti na siyang nag-aayos ng sarili niya. Well, kahit ano pa man siya ay mahal at mamahalin ko padin siya.

~*~

Bakante ang araw ko ngayon since mamayang gabi pa naman ang appointment ko. Good news! Because soon... we, fboys will be releasing our first album.

Pinindot ko ng maraming beses 'yong busina ng motor ko para pagbuksan ako ng gate. Wala pang isang minuto ay pinagbuksan na nga ako kaya pinasok ko na sa loob ng bahay namin 'yong motor ko.

"Ma~" tawag ko pagkababa ko ng motor tsaka nagtanggal ng helmet. Yeah, nandito ako sa dati kong bahay. Dito muna ako at ayokong gumala.

Bakit walang sumasagot? Hmm, malamang wala dito si Victoria dahil may pasok 'yon. Eh nasaan naman kaya si mama?

Papasok na ako sa loob ng bahay ng may nakasalubong ako na isang babae na siguro ay kasing edad lang din ni mama. Nakuha niya ang attention ko dahil sa hindi ko malamang dahilan. Maiksi ang buhok nito at medyo may pagka-payat. Simple lang siya at-- halos magkapareho kami ng hugis ng mukha. Tinitigan niya ako at nginitian ko lang siya tsaka ako tuluyang pumasok sa loob. Baka bisita lang ni mama.

"Hi ma." Bati ko dito tsaka humalik sa pisngi nito.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tila tarantang saad ni mama.

"Huh? Anong tanong yan ma? Syempre bahay ko rin 'to eh." Tugon ko. Bakit parang balisa si mama ngayon? At bakit--

"Umiyak ba kayo ma?" I asked. Pansin kong mugto ang mata niya. Bakit? May problema kaya siya?

"Hindi ah." Sagot niya sabay iling.

"Weh? Bakit ganyan 'yong mata niyo? Nag-away ba kayo ni papa? May problema ba dito sa bahay?" I asked again.

"Wala Cris. Hindi kami nag-away ng papa mo. Naiyak lang ako kanina doon sa hiniwa kong sibuyas. Kakatapos ko lang kasi magluto." Hmm...

"Okay." I nodded. "Tamang tama at gutom na ako ma. Na-miss ko na din 'yong luto mo." Dagdag ko pa.

"Oh siya! Halika't ipaghahanda kita." Ang swerte ko talaga sa mama ko.

"Kaya love na love kita ma eh!" Nakangisi ko pang sabi.

Nagtungo na ako sa dining room tsaka inaantay 'yong lutong bahay ng mama ko.

"Anong oras uwi ni Victoria ma?" I asked.

"Mamayang hapon pa 'yon. Susunduin lang 'yon ng papa mo." Sagot naman ni mama habang naghahain ng pagkain sa mesa.

"Sabayan mo na ako ma." Sambit ko.

"Oh sige ba." Tugon naman nito.

"Ah ma, sino pala 'yong babae kanina dito?" Tanong ko at ewan ko ba! Parang tumatak siya sa isipan ko at hindi ko malimutan ang mukha niya.

"Ahh... kaibigan ko 'yon noong college." Napatango ako sa sagot ni mama.

"Bakit mo natanong? May sinabi ba siya sa'yo?" Tanong naman ni mama sa akin.

"Wala naman ma. Nakasalubong ko lang kasi siya sa pinto. Akala ko kamag-anak natin eh." Saad ko tsaka nagsimula nang kumain.

Tangerine's POV

Ito ata ang unang pagkakataon na pumasok ng sobrang late si Sir Zach. Akala ko nga hindi siya papasok ngayon eh.

Pinatawag niya nanaman ako kaya ito ako ngayon, kaharap siya. Ang weird lang at kanina pa siya tahimik at nakatitig lang siya sa akin.

"Uhm sir? A-ano pong kailangan niyo?" Wika ko at baka abutin pa kami ng gabi sa ganitong kalagayan lang.

"Wala. Gusto ko lang makita ang mukha mo..." bakit parang lungkot ng boses niya?

"Pero sir, oras pa kasi ng trabaho." Saad ko.

"I don't care." Jusme! Baka pareho kaming matanggal sa trabaho nito.

"Don't worry, hindi ka matatanggal sa trabaho." Shocks! Mukhang nabasa niya ang iniisip ko.

"Mahal kita Tangerine. Hindi ko alam kung bakit, basta mahal kita kahit... may napili kana. I'm not mad. Hindi parin kita susukuan Tangerine. Mag-aantay parin ako hanggang sa huling araw...bago ako ikasal." Namilog ang mga mata ko sa narinig ko mula sa kanya.

"A-anong kasal? You mean, you're getting married?" Ang gulo.

"It was an arrange marriage. Kung-- sakaling magbago ang isip mo at piliin ko ako, bakit ko pa itutuloy ang kasal na kahit kailan ay hindi ko naman ginusto?" Ani nito na halatang may lungkot na nakatago sa maamo niyang mukha.

"Huwag mo na ako antayin at baka lalo ka lang masaktan. Huwag mo din i-depende sa akin 'yong kasal mo. Huwag mo ituloy kung talagang ayaw mo." Seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Wala naman akong dahilan para wag ituloy 'yon maliban sa'yo." I sighed. Ang tigas ng ulo niya.

"Tapos na pala ang training ko dito kaya huling araw ko na ito na pumasok ng office. Babalik na ako ng America para mag-aral ulit ng business." He added.

"Ganoon ba..." nasabi ko nalang at tila nalungkot din ako.

"Saglit lang ako doon at babalik din ako dito. At gusto kong sabihin sa'yo na sa pagkakataong 'yon ay gusto kitang isama pagbalik ko ulit sa America. You have the knowledge and potential para maging isang magaling na business woman and not just a Secretary. " Ano daw? isasama niya ako sa America? Shit! Matagal ko ng pangarap 'yon kaso...

"Hindi ako makakasama sa'yo Zach. Hindi ko kayang mawalay sa mga taong mahal ko." Tama, mas importante parin ang pamilya.

"Alam kong sasabihin mo yan. Well, you still have 1 month to think about it. Pag-isipan mo 'yon ng mabuti Tangerine at malaking opportunity ang nag-aantay sa'yo doon." No. Okay na ako dito.

"Okay." I sighed.

"So I guess, that's all. Good luck to you and mag-iingat ka lagi." Mapait niya akong nginitian at tila ba kinakabisado niya ang bawat tuldok sa mukha ko dahil sa tindi ng mga titig niya sa akin.


~*~

Hay, sa wakas at natapos ko na din ang trabaho ko ngayong araw. Nakakalungkot din pala kahit na minsan o madalas pa nga ay ayoko kay Sir Zach. Magaling siyang manager but I found out na training lang pala 'yong pagiging manager niya. He's a good man and I feel so sorry kasi hindi ko masuklian ang admiration niya sa akin.

"Tan-tan?" Natigilan ako sa paglalakad ko nang marinig ko ang salitang 'yon.

Tila nanigas ang buong katawan ko at hindi ko siya malingon agad. Alam kong siya 'yon.

At paglingon ko-- hindi nga ako nagkamali. Siya nga.


A/N: Sino kaya? Abangan yan. VOTE AND COMMENT ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon