Cib's POV
Since wala naman akong lakad kanina kaya sinamahan ko na munang mag-lunch si Cathy. I comforted her kasi nga umiiyak siya. Kahit na...masama man ang naging nakaraan namin ay hindi ko parin maiwasang mag-alala sa kanya.
She told me na hiwalay na daw sila ng Lucas. Kaya ngayon gusto kong durugin ang pagmumukha ni Lucas sa oras na makita ko siya. Nasaktan niya na si Tangerine, dalawang tao ang nasaktan dahil sa relasyon nila tapos ngayon hiwalay na sila? Wow. May oras din sa akin yung Lucas na 'yon.
After we talked, hinatid ko narin si Cathy sa kanila at baka kung saan pa siya mapunta.
"Magpahinga kana." Sabi ko dito tsaka tumalikod na ngunit tumakbo siya sa harap ko.
"Thank you." Bahagya siyang ngumiti tsaka ako hinalikan sa labi.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman hindi ko sinasadyang bahagya siyang maitulak.
"Sorry." Sambit ko tsaka umalis na.
Hindi ko napansin ang oras, ang tagal pala naming magkasama at almost 5 o'clock na din. Maya maya ay andito narin si Dalanghita.
Naupo ako sa may veranda habang nakalagay ang headphones sa ulo ko at the same time, inaantay ko siya.
Maya maya lang din ay may kotseng huminto sa harapan ng bahay namin. Napatayo ako upang tignan kung sino.
Nakita kong lumabas mula sa kotse si Tangerine at yung-- boss niya. Biglang nag-init ang ulo ko sa nakita ko. Hanggang ngayon magkasama parin sila? Are they dating?
Sinalubong ko papasok si Tangerine.
"Ano 'yon?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Hinatid niya ako. Bakit?" Matapang niyang sagot at tila siya pa ang galit.
"Are you... dating?" Sabihin mong hindi Tangerine.
"Hindi pa." Sagot nito.
"Hindi pa? So may balak kang makipag-date sa kanya?" F*ck.
"Why not?" I take a deep breath para kumalma.
"Okay." I just shrugged. "Tandaan mo lang yung ground ng termination ng contract natin." Tumalikod na ako.
"Yeah I know. Hindi mo naman kasi ako sinabihan na nagda-date pa pala kayo ni Cathy." Natigilan ako sa sinabi niya at muli siyang hinarap.
"Anong sinasabi mo? We're not dating." Giit ko.
"Really? Kaya pala magkayakap kayo kanina doon sa Coffee shop." Ani nito tsaka ako tinalikuran.
Sinundan ko siya. "Look! We're not dating okay? Where in fact inaantay kanina pero sabi mo magkasama kayo ng boss mo." So nasa coffee shop pala siya kanina at nakita niya kaming magkasama?
"Okay." Tipid niyang sagot tsaka ako pinagsarhan ng pinto ng kwarto niya.
Nakakaasar! Napailing nalang ako sa nangyayari sa amin ngayon. We're fighting now like a real couple.
~*~
Three days had passed. Three freaking days narin siyang hindi nagluluto ng breakfast for me at wala halik everytime umuuwi ako o pagdating niya from work. She violating our contract.
"Suyuin mo kasi bro." Ani ni Jack.
"Lambingin mo." Sabat naman ni Laures.
"Bigyan mo flowers and chocolates." Sabi naman ni Matthias.
Napa-face palm nalang ako. Pakiramdam ko tuloy may asawa akong dapat na suyuin at lambingin. Nakatira nga kami sa iisang bahay pero kung titignan niya ako parang hangin lang.
Pag-gising ko every morning wala na siya. Walang pagkain, hays. Pag-uwi niya galing work diretso agad siya sa kwarto.
"Nahuhulog kana ata sa kanya bro." Tapik sa akin Laures.
"Hindi ah. Concern lang ako kasi kasama ko siya sa bahay." I explained.
"Lokohin mo na sarili mo pero wag kami." Natatawang sambit ni Jack.
"Indeed." Pagsang-ayon ni Matthias sa sinabi nung dalawa.
"Okay fine. Siguro, oo, baka, ewan!" Kahit ako naguguluhan.
"Suyuin mo na bro. Malapit na yung audition natin. Diba gusto mo siyang isama?" Napaisip ako sa sinabi Matthias. Oo nga pala, malapit na pala 'yon.
Tangerine's POV
Bakit ba ako umaasa na susuyuin niya ako? Bakit gusto kong lambingin niya ako? Kasi... mahal ko siya? Mahal ko na nga ba si Cib?
Ilang araw na kaming hindi nag-uusap at malapit na din akong umalis papuntang probinsya ng Visayas. Namimiss ko na siya kahit kasama ko siya sa bahay.
"Hatid na kita?" Ani ni sir Zach. Umiling ako.
"Wag na sir." Sagot ko. Alam ni Sir ang tungkol sa amin Cib. Na magkasama kami sa iisang bahay, at yung katotohanang wala kaming relasyon. Hindi ko sinabi pero alam niya. Hindi ko alam kung paano at bakit.
Sumakay na ako sa bus. Ang lalim ng iniisip ko habang nasa byahe. Malapit na din pala yung audition nila. Nasa visayas ako that time. Sayang at hindi ako makakapunta.
Nag-overtime ako kaya naman 8 o'clock na ng gabi ng makarating ako sa bahay. I already texted him na gabi na ako uuwi kahit na hindi kami bati ngayon.
"Ba't ang dilim ng bahay?" I muttered to myself at mukhang hindi pa siya nakakauwi dahil wala ni isang ilaw ang bukas.
Saan naman siya nagpunta at hindi man lang nagtext sa akin?
Pagpasok ko ng bahay ay kinapa ko na agad yung switch ng ilaw ngunit-- isang mainit na kamay ang nakapa ko.
Hihiyaw na sana ako dahil sa takot nang bigla niyang takpan ang bibig ko.
Nagpupumiglas ako ngunit malakas siya at kinaladkad pa ako. Jusko! Sino 'tong taong 'to? Masyadong madilim ang paligid kaya hindi ko siya makita.
Yung puso ko ang lakas ng kalabog. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong. Katapusan ko naba ito? Katapusan naba ng buhay ko? Paanong may nakapasok dito na masasamang loob samantalang sa entrance palang ng subdivision ay mahigpit na?
Cib saan kana? Tulungan mo ako. Hindi ako makapagsalita dahil tinatakpan niya ang bibig ko.
This time pinaupo niya ako. Nasa sala na ata kami.
"Huwag kang sumigaw." Dinig kong sabi nito. Pamilyar ang boses niya pero parang hindi siya.
Naiiyak na ako sa totoo lang pero walang lumabas na luha dahil sa takot.
"Mama, Blue, Cib mahal na mahal ko kayo. Wait! Bakit kasama si Cib? Ah basta! Mahal na mahal ko kayo. Jusko! Kayo na po bahala sa buhay ko." Nasambit ko nalang sa kalagitnaan ng takot at kaba. Namamaalam ako, parang ganun.
"Anong sabi mo?" Aba't nagtanong pa.
"Ano bang pake mo-- teka, parang kilala kita." Sabi ko sa ikalawang pagkakataong narinig ko ang boses niya.
A/N: Sino kaya siya? Guess who? Don't forget to vote and comment guys para lalo akong ma-inspired ^^
BINABASA MO ANG
Boyfriend for Rent (COMPLETED)
RomanceIt was all started with a game. A game that leads into a boyfriend for rent contract. Until when are they going to pretend? #BoyfriendForRent DATE STARTED: JUNE 8, 2018 DATE FINISHED: AUGUST 5, 2018 Highest Rank in humor is #19