KABANATA 42

1.8K 79 23
                                    

Tangerine's POV

Habang nasa byahe ako patungo kung saan si Cib ay tila lalong nadaragdagan ang kaba ko. Hindi ko na napansin na kanina pa pala pumapatak ang mga luha ko.

Shit naman Cib! Sana okay ka lang. Wala na nga akong pakealam sa itsura ko eh. Basta makita lang kita na nasa mabuting kalagayan ay solve na ako doon. Gosh!

Pagkarating ko sa restobar ay agad akong bumaba ng taxi at hindi ko na naisip pang mag-abot ng bayad sa driver dahil sa sobrang taranta ko. As I enter...

Nakakapagtaka at walang tao ang loob ng bar. Medyo madilim kaya hindi ko maaninag kung anong meron at hindi ko rin makita si Cib. Pero mas lalong tumindi ang kaba ko nang makita kong may kulay dilaw na nakapalibot dito. Dilaw na may nakasulat na caution. Siguro naman nai-imagine niyo ang sinasabi ko. Parang crime scene.

Pero bakit may ganito? Hindi ba't may ganito lang sa mga lugar kung saan may disgrasya, patayan o ano pa mang hindi magagandang pangyayari? May nangyari kaya dito? Bakit walang mga pulis?

"Cib?" Sambit ko sa pangalan niya. Dahan dahan akong naglakad papasok sa loob ng caution area  kahit pa medyo madilim at tanging maliliit lang na ilaw ang nakabukas.

"Cib? Andyan kaba? Huwag mo naman akong biruin ng ganito oh." This time napahikbi na ako at mukhang hindi na talaga ito maganda.

"Nasaan kaba huh? Huwag mo naman akong iwan Cib. Hindi ko pa nga nasasabi sa'yo na--mahal kita. Oo mahal na kita--walang halong biro. Kaso...mukhang iniwan mo na ako." I burst into tears habang nanatiling nakatayo sa gitna ng dilim. Napayuko nalang ako at tuluyan nang humagulgol ng iyak.

Am I too late? Ang sakit sakit naman nito.

Sa kalagitnaan ng aking kalungkutan ay biglang may bumukas na spotlight na naka-center mismo sa kinatatayuan ko. Natigilan naman ako at tila huminto sa pagpatag ang aking mga luha.

Nakakapagtaka... bakit ganito?

Halos wala pa atang isang minuto when suddenly a sweet music plays. Madilim parin ang paligid at wala parin akong maaninag na tao mula sa kinatatayuan ko.

Featured Song: Perfect by Ed Sheeran

"I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me..."

I gasped. That singing voice-- muli nanaman akong napaiyak nang marinig ko ang boses na iyon. It was him. Hindi ako pwedeng magkamali, boses niya 'yon. Nagpalinga linga ako sa paligid at nagbabakasakaling makita ko siya pero wala. Tanging boses niya lang ang naririnig ko. I know nandito lang siya sa paligid at nakikita niya ako.

" 'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time~
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine."

"Cib?" I uttered his name.

Right after I uttered his name ay biglang bumukas ang lahat ng ilaw dahilan para masilaw ako kaya bahagya akong napapikit.

As I open my eyes. Parang hindi agad pumasok sa utak ko kung ano ang nakikita ng mata ko. Sobrang aliwalas na ng paligid at kitang kita ko na ang kabuohan ng palagid. Punong puno ito ng mabulaklaking palamuti at tila ba wala ako sa bar ngayon kundi nasa isang napakagandang garden at tanging isang lamesa lang ang nasa gitna at tila ba para sa dalawang tao lamang. Sa dalawang tao na--nagmamahalan?

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon