KABANATA 63

1.7K 70 37
                                    

Cib's POV

Pagkadilat ko ng mata ko ay siya agad ang pumasok sa isipan ko.

"Where is she?" Agad kong tanong kay mama.

"Kumalma ka anak. She's okay now. Mabuti naman nagising kana. Nawalan kadin kasi ng malay." Ani ni mama.

Agad naman akong napabangon ng kama at hinanap si Tangerine. Tila nabunutan naman ako ng tinik nang makita kong nasa katabing bed ko lang pala siya. Wala parin itong malay at mukhang maputla. Napahawak ako sa kamay nito. Pinakaba niya ako ng husto.

"Ano bang nangyari sa kanya? Is she really okay now?" Tanong ko kay mama Helena.

"Wala pang sinabi 'yong doctor. Antayin nalang natin siya." Sagot naman nito. Sana naman okay lang si Tangerine.

God, please help her. Natatakot akong may masamang mangyari sa babaeng mahal ko. Papakasalan ko pa siya.

Napahalik nalang ako sa kamay nito habang inaantay kong magising siya at makauwi na din kami. She's in good health condition right? She'll gonna be fine.

Tangerine's POV

Nagising ako dahil sa may naramdaman akong gumagalaw sa kamay ko. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at tumambad sa akin ang mukha ni mama, mama ni Cib at ni Papa ko. Pagtingin ko sa may gilid ko ay nakita ko namang nakasubsob ang mukha ni Cib sa kamay ko.

Bahagya naman akong napangiti at hinaplos ang buhok ni Cib.

"Darling! Oh geez. Salamat naman at gising kana." Sambit niya nang makita niyang gising na ako at napayakap pa sa akin dahil sa tuwa.

Napangiti naman si mama sa akin. Bumangon narin ako at naupo sa kamang hinihigaan ko.

"Pinag-alala mo kami Anak. Mabuti naman at gising kana." Ani ni papa.

"Sorry papa. Uhm pwede naba tayong umuwi?" Tanong ko.

"Hindi pa anak. Antayin muna natin 'yong  Doctor para malaman natin 'yong dahilan ng pagdurugo mo." Tugon ni mama.

"Okay po." I nodded.

"How do you feel right now?" Tanong naman ni Cib.

"Okay naman na." Tugon ko.

"Sigurado ka?" Tanong niya ulit.

"Yeah." I half smile.

After 10 minutes ay may doctor na din na dumating.

"Ms.Salvador..." sambit niya sa apelyido ko.

*dugdug*

Kinabahan naman ako basi sa tuno ng pananalita ng doctor.

"Po?" Tugon ko naman.

"Congratulations! You're pregnant at okay na ang baby mo. Three weeks palang ang baby mo kaya next time mag-ingat ka at kung maaari ay iwasan mo ang mag-isip masyado ng pwedeng makapagbigay sa'yo ng stress. Katulad ngayon... dinugo ka, mabuti nalang at makapit 'yong anak mo. It's a miracle kaya ingatan mo yan." Literal na napanganga ako sa sinabi ng doctor at ganoon din si Cib.

"WHAT?!" Halos magkasabay na sabi namin ni Cib. HOW COME? Walang nangyari sa amin eh.

"Three weeks?" Sambit ko at napahawak pa ako sa may puson ko. Paano? 

"Yes Ms.Salvador. And by the way kukunan kita ngayon ng dugo para madala sa laboratory to check everything." Napatango nalang ako habang lumulutang ang pag-iisip ko.

Tinusok ako ng parang karayom sa may daliri at kinuhanan nga ako ng doctor ng dugo.

"Pwede ka nang umuwi ngayon Ms.Salvador. Ipapaalam nalang namin sa inyo on the next day ang result." Marahang sabi ng doctor.

"Thank you Doc." Ani ni mama.

"Whaaa! Congrats anak! Magkaka-baby kana." Tuwang tuwa na sabi ni mama.

"Congratulations Tan-tan." Ani naman ni papa.

"Congrats sa inyong dalawa. Magiging tatay kana Cris." Ani naman ng mama ni Cib.

We're totally speechless. Dahan dahan naming nilingon ang isa't-isa at tila hindi parin kumbinsido ni Cib.

"Can... we talk?" Wika ni Cib.

"I guess we need to." I replied.

Tumayo na ako ng kama at hinawakan naman ni Cib ang kamay ko tsaka kami naglakad palabas at naghanap ng lugar kung saan pwede kaming makapag-usap ng masinsinan habang sina mama naman ay nagbabayad ng bill ko sa hospital.

"Paano nangyari 'to?" Halos magkasabay naming tanong.

"I mean... walang nangyari sa atin pero bakit nabuntis ka? Wag mo sanang isipin na pinagdududahan kita." Giit niya.

"I know nagtataka ka din. Kahit ako nga ay hindi makapaniwala. Ikaw pa kaya? As far as I remember, wala ngang nangyari sa atin. Pero naaalala mo ba 'yong panahong nagkatabi tayo sa pagtulog noong kaarawan natin?" Pagpapaalala ko sa kanya.

"Yeah. We woke up in the morning at... pareho na tayong walang suot. If I'm not mistaken, that was three to four weeks ago." Sambit niya.

"Exactly." Mabuti naman at naalala niya agad.

"So it means, may nangyari nga sa atin that time at may nabuo tayo?" Napakagat labi niyang sabi.

"Siguro nga. Wala akong maalala at pareho tayong lasing that time diba? Gosh! Nabuntis ako ng hindi ko alam." I can't believe this.

"I unconsciously took your virginity. I'm sorry." Napa-face palm niyang sabi.

"Okay lang. Tapos na eh. Anyway, are you... happy na ngayon ay buntis nga ako at sigurado naman ako na ikaw ang ama." I asked at mukhang hindi man lang siya happy na magkaka-anak na kami.

"I'm not happy." He answered directly. Ouch!

"Okay." So, ako lang pala ang nakaramdam ng saya. It breaks my heart though.

"I'm not happy because I am very very happy!" He half yelled at binuhat pa ako.

Lokong 'to! Pinalungkot pa ako.

"I-- just can't believe this! Magiging Daddy na ako. Uhm no! Daddy na ako! Whoo! Daddy na ako!" Hiyaw niya dahilan para pagtinginan kami ng mga tao sabay pumalakpak pa ang mga ito at binati pa kami.

"Psshh! Wag ka masyadong maingay at nasa hospital tayo." Saway ko.

"I'm sorry darling. I'm just so happy. Thank you so much for everything kahit pa... medyo sayang at di man lang natin na-enjoy 'yong pagawa ng panganay natin." Pilyong sabi nito.

"Ikaw talaga!" Hampas ko sa kanya.

"I love you." Saad niya at hinalikad ako sa labi... passionately.

"I love you too Cib." I replied at nagyakapan pa kami.

"Will you... marry me Ms.Tangerine Salvador?" Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Kumalas siya mula sa pagkayakap sa akin at biglang lumuhod sa harapan ko at tumambad nalang sa paningin ko ang isang singsing.

Gosh! Napatakip ako ng bibig ko at-- hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Pinagtitinginan nanaman kami ng mga tao at kinukuhanan  pa kami ng litrato. Dito talaga sa hospital?

Gosh! How can I refused to marry this handsome guy na nakaluhod pa sa harapan ko ngayon at hinihingi ang matamis kong 'Oo' sa pangalawang pagkakataon.

"Yes, I do." Kasabay ng sagot ko ay pumatak ang mga luha ko. Tears of joy. I will be getting married at magkaka-baby pa ako. Wala na akong mahihiling pa sa puntong ito.

Isinuot niya ang singsing sa daliri ko at saktong sakto talaga ang sukat nito. Hindi masikip at hindi rin maluwag. It really suits for me.

"I love you..." magkasabay pa naming sabi.

Omg! Ang sarap sa pakiramdam na ikakasal kana sa taong mahal mo.

"Baby, your Mom and I will be getting married soon. So kapit  kalang ha? We'll gonna be a happy family." Wika  ni Cib at hinaplos pa ang tyan ko kahit wala pa naman talaga akong baby bump.



A/N: The End! Jokee! Thank you sa pag-aantay ng updates ko guys. Kapit lang at marami pang magaganap sa buhay nila. Cib and Tangerine loves you.  VOTE AND COMMENT ^^

Boyfriend for Rent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon