PREVIEW

1.7K 14 0
                                    

It's been 5 years simula noong namatay si Vivian, simula noong nasabi ko sa sarili ko na...

I'm safe from now on!

At maglilimang taon na din kaming magnobyo ni Tom. Tehee! Si Jaz naman hindi na masyadong mahigpit saken. Nagkakasundo na din sila ni Tom. Kaya masaya ako! ;]

"Matagal ko ng iniisip 'to Jaz. Sana magawa 'ko."

Nagtataka si Jaz. Matagal ko na kasi talaga iniisip na pag aralan 'to kaya lang masyadong busy sa pag aaral ko, kay Tom at kay Jaz. Ngayong graduate na ako ng college may oras na akong gawin 'to. Sana pumayag si Jaz.

"Bakit mo ba kasi gagawin 'yan? Okay lang naman kami eh. Tsaka ilang dekada narin kaming ganito."

"Naisip ko lang kasi Jaz, diba mas maganda kapag may choice kayo?"

Wala naman kasi akong masamang adhikain sa gusto kong gawin eh. Tsaka gumawa na rin ako ng survey sa mga bampirang kilala ko kung okay lang ba sa kanila ang gagawin ko. May ibang hindi kumbinsido na magagawa ko pero may iba naman na sumusuporta sa gagawin ko. Siguro dapat ko lang talaga patunayan na kaya ko itong gawin.

"Kahit na Meg. Baka mapahamak ka lang sa gagawin mo eh!"

"Hindi yan Jaz. Kaya ko 'to!"

Pagsisigurado ko kay Jaz. Alam ko naman na nag-aalala lang si Jaz sa'kin eh. Alam ko ako lang talaga ang inaalala niya. Kahit nga si Tom ng kinausap ko siya kahapon ay ganun din ang sinabi niya, baka mapahamak lang ako.

"Basta Meg, hindi parin ako kumbinsido dyan sa gagawin mo pero susuportahan kita. Ingatan mo lang lage ang sarili mo. Unahin mo ang sarili mo kesa dyan sa gagawin mo, okay?"

"Promise Jaz."

^___________^

Dahil sa tuwa ko, niyakap ko si Jaz. Ang sweet talaga ni Jaz kahit kelan!! Kahit alam niya na para sa kanya at sa ibang vampires ang gagawin ko, ako parin ang inuuna niya. Kaligtasan ko parin ang iniisip niya. :]

Dahil sa pumayag na si Jaz na gawin ko 'to, kinabukasan agad kong hinanda ang mga kailangan ko. Pinag-aralan ko ang mga libro ng witch na andito saken. Pati narin yung mga librong naiwan ni Miss Bree sa bahay ni Jaz ay binabasa ko baka sakaling may mga nakasulat doon na magagamit ko sa binabalak kong gawin.

Magdamag akong nagbasa, iniintindi ko lahat ng mga nakasulat sa libro. Hindi ko na nga namalayan mag-uumaga na. Si Jaz naman, ayun lang oh, nakahiga at nakaheadset. Alam ko naman hindi siya tulog pero nakapikit siya.

"Jaz? Gising ka pa ba?"

"Hmmm..."

"Ay gising pa nga! Hihihi."

Diba tama ako? Gising pa nga si Jaz. Mwehehe! Kilalang kilala ko si Jaz. Hindi naman kasi siya natutulog sa gabi. Bwahaha! :]

"Nagugutom ka ba Meg? Gusto mo bumaba muna at kumain?"

Kumain? Hindi naman ako gutom. Tinignan ko ang orasan, magaalas kwatro na ng umaga. Kakain pa ba 'ko sa oras na 'to? Grabeh naman 'to si Jaz gusto niya ba talagang tumaba ako? Tss.

"Jaz naman oh!"

"Oh bakit ba? Anong ginawa 'ko?"

"Eh kasi naman noh! Gusto mo ba tumaba ako? Kain na nga lang ng kain ang ginawa ko eh tapos ngayon 4am pa lang kain ulet?"

"Ano bang masama sa pagkain ng maaga? Ayaw mo nun, mabubusog ka? Hahaha."

"Hmp! Sabihin mo ikaw ang nagugutom, sinasali mo lang ako."

"Tama ka nga! Nagugutom ako. Gusto kong kumain ng laman ng tao."

"JAZ!!!"

Grabeh si Jaz. Kailangan ba talaga sabihin yun? Errr. Tumayo ako at nilapitan siya. Nakatayo ako at nakapamewang sa harap niya.

"Joke lang Meg. Ito talaga oh! Sige na, tapusin mo na yang binabasa mo para makatulog ka na. Wala ka ng ginawa kundi magbasa dyan!"

"Tsk!"

Speaking of inaantok, medyo inaantok na nga ako eh. Mabuti pa matulog na nga muna ako. Masakit na din itong likod ko kakaupo.

"Matulog kana kasi."

"Opo, matutulog na po ako."

Tumabi na ako kay Jaz, niyakap ko siya hanggang nakatulog ako. Ganito kasi talaga kami ni Jaz, niyayakap ko siya at nakakatulog na ako agad. Hehehe. Alam ko kasi na aalagaan niya ako, poprotektahan lage kaya alam ko safe ako kapag andito si Jaz. ;]]

"I will do everything for you, Meg. Tatandaan mo yan!"

"Huwag mo ngang sabihin iyan, Tom. Natatakot ako eh!"

Sino ba naman ang hindi matatakot. Isang iglap sasabihin niya iyon sa akin? Para tuloy may mangyayaring masama. Tsk!

"I love you with all my heart, Meg. Take care always."

Niyakap niya ako. Nakakagulat talaga itong pinagkikilos ni Tom. Niyakap ko nalang din siya. Baka kasi may pinagdadaanan siya. Hehehe. Hindi naman kasi siya ganito ka sweet eh kaya unusual para sa akin kapag ganito siya. Phew!

_______________________________________

AN: Hello to my lovely readers. Thank you po for reading. Sa mga nakabasa po ng Best Sister Friend book 1 ay maraming maraming salamat po sa lahat. :D Masaya po ako sobra dahil tinuonan niyo ng panahon ang pagbabasa ng BSF! Sana po ay tangkilikin niyo din pong basahin itong BSF Book Two.

At sa mga hindi po nakabasa ng Best Sister Friend Book 1 ay sana po basahin niyo po iyon para maintindihan niyo ang mga nagaganap at magaganap pa sa book two. Salamat po ulet! :)

Vote. Comment. Be fan. God bless.

BEST SISTER FRIEND - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon