12

1K 21 0
                                    

Jessica's POV

           "HIGH4???  Ano yun?" Tanong ko...

       "Ang HIGH4 ay ang apat na pinaka gwapo, talented at pinaka mayayaman na mga lakeng students dito sa school..." sabi nya....

        "Ganon?" Wika ko...

      "Hayyy... i am sure na Ma iinlove ka sa apat na lalakeng pinagpapantasyahan ng mga babae dito sa school natin..." sabi nya...

     Hindi na lang ako nagsalita pa... napangiti na lang ako sa dahil doon sa mga sinabi nya.... at Tiningnan nya na rin kung nandoon ba ang pangalan ko sa list...

....

      "Oh my G!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

    Nagulat ako sa sigaw na yun... at pati na rin sa biglaang pag yugyog ni Tanya sa akin... "classmates tayo!" Masaya nyang sinabi...

      "Talaga?" Tanong ko at tiningnan ko rin yung listahan... 

      "Jessica...  yung surname mo ay Allonte,  am i right?" Tanong nya habang hinahanap ko ang pangalan ko...

     "Oo..." wika ko... "Oo nga, nandito yung pangalan ko..."

     Ngumiti sya... "ipasok mo muna yung bag mo... mamaya pa naman yung class Eh, ipapasyal muna kita dito..." sabi nya...

     Sumang ayon ako... kaya pumasok ako sa room na yon...

      "Number ng locker mo?" Tanong nya... 

     "17..." sagot ko... at tinuro nya sa akin yung uupuan ko... doon ako naka pwesto sa dulo at malapit sa may bintana...

       Nilagay ko muna yung gamit ko doon tsaka kami lumabas ng classroom...
...

        "Kakaiba ang school na to..." sabi ko...

       Sumang ayon naman sya sa sinabi ko... "mmmm... tama ka... since grade 7 ganito na yung paraan nila... if anong number ang nasa locker mo, malalaman mo kung saan yung chair mo sa classroom..." paliwanag nya....

     Bumaba ulit kami... nasa first floor na kami ng school...

       "Now, papunta tayo sa sports area... nandoon kasi yung basketball and volleyball court, ang soccer field... basta... doon sila nag te-training sa ibat ibang sports...." paliwanag nya at tango lang ako ng tango...

...

      "Iyon ang cafeteria..." sabay turo doon sa may kulay green na pinto... at kumaliwa naman kami...

     "Arts area doon sa may mga red ang pinto, TLE room naman sa may blue na door... " sabi nya...

....

       Kung saan saan kami napadpad... hinayaan ko lang sya dahil sa tingin ko, kabisado nya itong lugar...

    Pero ang lagi kong napapansin ay lahat ng mga nandiditong estudyanteng nakakasalubong ko ay magaganda, gwapo, at may mga itsura... pati nga si Tanya Eh... maganda, kaya nahiya ako ng konti...

   "Wait... matanong ko lang..." sabi nya at huminto kami sa paglalakad...

     "Mmmm?" Tugon ko...

      "Sabihin mo... anong secret mo at sobrang soft ng skin mo... mas soft pa sa akin Eh... tsaka, dont You notice na may mga napapalingon at tumitingin sayo habang naglalakad tayo?" Wika nya...

    "H-ha? Wala Akong secret no... tsaka ayoko ng may pinapahid sa katawan ko... as in, natural lang to..." sabi ko...

  "Mmm... i see... sa tingin ko nga rin Eh..." sabi nya... "Ok, balik tayo sa taas... at makikita mo na rin ang HIGH4! " sabi nya ta kinilig ng todo... natawa lang ako sa kinilos nya...

     Pero at the same time ano kayang meron sa mga lalakeng yon at ganito kumilos si Tanya pag nag o-open topic sya tungkol sa mga yon?

...................

       Nandito kami sa loob ng room, at unti unti na ring dumadami yung mga students...

..

         "Girls! Nandito na ang HIGH4!!!!!! " sigaw ng isang babae...

     "Oh my!!!!!! O, jessica!  Lets go!" Sigaw ni tanya at hinila ang kamay ko...

      "Teka--" naputol ang sanang sasabihin ko Nang bigla syang tumakbo...

....

        Nang nandito na kami sa may pinto ng room, rinig na rinig ko na ang malalakas na sigawan ng mga kapwa ko babaeng estudyante...

     Kaya mas lalo akong na curious... kaya tiningnan ko yung mga lalake...

....

      "Uyyy! Si Ethan!!! Super gwapo talaga!" Reaksyon nung isang babae na malapit sa pwesto namin at tinuturo yung chinitong lalake na may brown na buhok...

      Yung lalakeng nasa kaliwa chinito sya, maputi at may matangos na ilong... brown yung color ng hair nya... medyo magulo ang buhok... Ngumingiti sya sa mga babaeng tumatawag ng pangalan nya...

.....

     "Si Josh!!!! Ang astig talaga nya...lalo na at dala nya ang guitar nya!" Sigaw naman nung katabi ng babaeng tumawag dun sa Ethan...

        Yung lalakeng nasa bandang kanan... Josh pala ang pangalan nun... yung lalakeng hanggang balikat yung buhok... at may dalang gitara...

....

      "Hi Justin!!!!!" Sigaw ng mga babae...

      "Bagay yung suot nyang jacket sa kanya, sobra!" Wika ng babaeng parang patay ba patay sa kanya...

        So, yung lalakeng nasa gitna...  yung may addidas na jacket at kulay itim... at parang koreanong artista sya...

....

      "Oh my G!!!! Si Jacob!!!" Sigaw ni Tanya....

     Mas lalo Nang lumalakas ang mga sigawan doon... para Nang may mga totoong artista O di kaya ay mayroong nanalo sa loto sa sobramg ingay...

    "Ang gwapo nya talaga!" Dagdag ni Tanya at para na nya akong binubugbog dahil sa sobrang pagyugyog nya sakin...

    "Ang cute ng earrings nya!" Wika ng babaeng katabi rin ni Tanya...
...

      Jacob... yung lalakeng nasa likod at may itim na buhok at medyo magulo rin... may itim na hikaw sya sa kaliwang tenga... Bagay sa kanya...

.....

       Papalapit na sila sa kinaroroonan namin... Hindi ko napapansing nagsisitabihan na sina Tanya... at yung ibang babaeng siguro ay mga kaklase namin... Hindi naman ako sinama O hinila man lang ni Tanya...

    Nagulat na lang ako Nang dumaan sa harap ko yung chinitong lalake... at napansin nyang nandoon ako... kaya huminto sya sa paglalakad at tinitigan ako... tinitigan ko rin sya...

    "Hi" wika nya at Ngumiti tsaka tuluyang pumasok ng room...

        Nakita ko namang sumunod na pumasok yung Josh at napansin ko rin yun... Ngumiti lang sya sa akin at pumasok na sa loob...

       Kasunod na pumasok yung Justin... at nakita nya ako... at parang buong mukha ko yata ay sinuri nya... "new face..." sabay ngiti at sinundan yung ethan at josh...

     At yung huli naman, yung jacob... tinitigan ko ng mabuti ang mukha nya... parang kilala ko sya... medyo pamilyar yung mukha pero di ko matandaan kung saan ko sya nakita...
    Tiningnan nya ako at sa tingin ko ay pareho kami ng iniisip...

       Maya maya pa ay napansin kong bigla syang hinila nung Josh... "i know na she's pretty...  so, wag mo na syang titigan... baka matunaw sya...tara na!" Wika nito at tumawa yung ethan at Justin...

        Nang mawala sya paningin ko, hindi ko napansing naiwan na pala akong nakatayo at nakatulala na lang doon...

....................................................

     

100 days contract (COMPLETED AND UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon