29

909 20 0
                                    

Jessica's POV

          Naka bihis na ako at dala ko na rin ang mga cupcakes na i de-deliver ko sa address na binigay sa akin ng customer... sabi ni jacob, hintayin ko na lang daw sya sa labasan ng village dahil paparating na sya para sunduin ako...

       Day 10 na ng kontrata namin... at ngayong araw rin nya ako ipapakilala sa mga magupang nya bilang girlfriend nya....

      Hayy.... habang naglalakad ako papunta sa labasan ng village ay naalala ko ang simula at dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon namin ngayon... Natawa na lang ako...

       Nakarating na ako sa labasan ng village at may nakita akong sasakyang huminto sa tapat ko... kay jacob ang sasakyan na to... nakita kong bumaba sya...

      Tinitigan ko lang sya.... bagay na bagay ang suot nyang navy blue na long sleeves sa kanya... ang gwapo nya.... nakita kong ngumiti sya Nang nakita ako...

        Napansin ko ring Tinitigan nya ako, mula ulo hanggang paa... kaya napailing na lang ako...

       "Speechless ako..." Wika nya at nilapitan ako para tulungan sa pag bitbit ng mga dala kong cupcakes...

       "Ewan ko sayo..." sabay tawa at sumunod sa kanya para makasakay na ng kotse....

...

        "Teka... saan mo ba to i-de-deliver?" Tanong nya... "ihahatid na kita roon... makapag hihintay naman sina mommy..."

      Ipinakita ko ang address ng bahay at medyo nagulat sya... "bahay namin yan..." wika nya at Natawa....

   Nagulat ako sa sinabi nya... Ano? Bahay nya? Bahay nila?

      "Seryoso ka?" Tanong ko.... nakita kong Tumango sya... "baka si yaya ang um-order nyan... or staff na tumulong Kay mommy..." wika nya....

     Napabuntong hininga na lang ako... "ah..." sabi ko....

       "Teka... are You nervous? Kinakabahan ka?" Tanong nya...

        "Medyo..." sagot ko.... at ngumiti sya... "i'm here... wag kang mag alala..."

     Napangiti ako sa sinabi nya....


    playing    .MAMAMOO - Love Lane (Marriage Not Dating OST)

 

        "Jacob... happy birthday nga pala..." wika ko at iniabot ang regalo ko sa kanya...

         Tinanggap naman nya ito at ngumiti... "thanks... uunahin ko talagang buksan ang ireregalo mo...." wika nya... "Jessica... mas lalo kang gumanda sa suot mo... pramis..." dagdag nya at itinaas ang kanang kamay na Ani mo'y nagpa- Panatang Makabayan....

         Natawa ako sa kinilos nya.... Hayy... mas naging makulit na sya ngayon... 


................

          --At Jacob's Residence--

          Nang makababa kaming dalawa ng kotse ay nag volunteer syang sya na ang magdadala ng mga cupcakes sa loob.... kaya ako n ang nag doorbell...

       Pinagbuksan naman kami ng gate at nakita kong may naghihintay na isang babae katabi ng guard at lumapit ito Kay jacob Nang makitang dala nya ang mga cupcakes... 

        "Sir, ako na po ang magdadala nyan..." wika nito at kinuha ang mga dala ni jacob... at limakad na papunta sa loob ng bahay... ibinigay naman ni jacob ang susi ng kotse sa guard at parang inutusang ipasok ang kotse.... matapos noon ay hinawakan nya ang kamay ko at pumasok kaming dalawa sa loob....

100 days contract (COMPLETED AND UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon