16

1K 18 0
                                    

Jessica's POV

              Nagising na ako at Nandito ako sa isang clinic....

       
       May nurse na Lumapit sa akin at may iniabot...

      "Pinabibigay nung lalakeng estudyanteng naghatid sayo dito..." sabi nya at ngumiti sya tsaka naglkad papaalis....

...

     Kung sino man yon, utang ko sa kanya ang buhay ko... sana naman, hindi muna sya umalis para naman makapag pasalamat ako sa kanya...

...

     Nang bumuti ang pakiramdam ko ay nagdesisyon na akong umuwi...

        Habang naglalakad ako, inalala ko ng mabuti yung nangyari sa akin kanina... Hayy... muntikan na yun...

      Naramdaman at narinig ko kasing may sumira ng pinto nung nasa storage room pa kami... pero nanghihina ako kaya hindi ko maimulat ng maayos ang mga mata ko at di ko rin maigalaw ang katawan ko dahil sa lakas ng pagkakapalo sa akin....

      Bigla na lang tuloy sumagi sa isip ko yung Araw na pinagsamantalahan ako ng lalake ni mama... kaya napabuntong hininga na lang ako at may mga tumutulo na ring luha sa pisngi ko....

..

      Nandito na ako sa hintayan ng sasakyan, naka upo at pilit na binubura sa isip ko yung nangyari kanina...

     Napasok tuloy ang mga Tanong na to sa utak ko...

      Ganoon ba Talaga ang pagtingin ng iba sakin? Na madali lang nila akong mapagsamantalahan? Bakit kaya nasagi sa mga utak nila na gawin yon sakin? Anong naging kasalanan ko?

      Dalawang tao na ang nagtangka na gumawa ng bagay na yon... at dito ko naranasan sa maynila ang ganoong pangyayari... sa ikalawang pagkakataon... at dito pa sa bagong paaralang pinapasukan ko....

      Naramdaman ko tuloy na parang gusto Talaga ng kamalasan na mamalagi sa tabi ko.... Hayy....

      Kaya nagpapasalamat nga ako at may dumating para iligtas ako doon.... na feel ko tuloy na naaawa pa ang langit sa akin...

      Nakaupo pa rin ako doon at napansin kong medyo dumarami na ang mga tao sa hintayan kaya pinunasan ko na ng luha ko....

...

       Maya Maya pa ay may narinig akong tumatawag ng pangalan ko....

       Nag nilingon ko iyon, nakita kong papunta si Auntie ana sa kinaroroonan ko.... nakangiti syang lumapit sa akin...
   "O, Nandito ka lang pala... hinanap kita sa paaralan nyo kaso wala ka... buti na lang at dito kita nakita..." wika nya...

       Ngumiti ako... "Auntie, bat nga po pala kayo napadaan sa eskwelahan? " Tanong ko.... nababahala ako... naka nalaman na nya yung nangyari....

      "Ayy, namimili ako ng mga sangkap para sa mga cupcakes, Eh naisipan kong daanan ka sa eskwelahan nyo para sabay na tayong makauwi...." wika nya...

     Tumango tango na lang ako.... hanggang sa may dumating na na tricycle kaya sumakay na kami...

...

        Hayyy.... bahala na... pero mas mabuting hindi ko na lang sasabihin yung nangyari sa akin... ayokong mag alala pa sila sa akin...

......................................................

.......................

..........

...

.

100 days contract (COMPLETED AND UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon