Chapter 3

504 91 0
                                    

"Nasaan na ba kasi iyon,? Hindi pwedeng mawala iyon. Kainis! Asan na ba kasi?"

Kanina pa ako halungkat ng halungkat sa loob ng bag ko pero hindi ko pa rin makita ang hinahanap ko.

"Bry, kanina ka pa ah, ano ba kasi iyang hinahanap mo?"

"Ang diary ko Mich, nawawala!"

Hindi na talaga ako mapakali. Saan na ba kasi napunta ang diary kong iyon? Hindi pwedeng mawala iyon. Hindi ngayon.

"Saan mo ba kasi nilagay?",tanong ni Mich at tumulong na rin sa paghahanap.

"Dito lang sa bag ko"

"Sigurado ka? Isipin mo kasing mabuti."

"Oo nga Mich, dito ko lang nilagay sa bag ko."

"Eh, bakit wala dito?"

Naiiyak na ako! Paano kung may nakakita non at binasa? Lahat pa naman ng mga kadramahan ko para kay Josh nakasulat doon.

Wahhh!!!! Ang tanga mo kasi Bry! Bakit mo kasi winala iyon? Paano ka na ngayon?

"Bry"

"Ano ng gagawin ko Mich? Paano ko hahanapin iyon? Ang tanga ko kasi. Bakit ko hinayaang mawala iyon? Lagot na ako oras na mabasa iyon ninuman. Malalaman na ang pinakaiingatan Kong sikreto."

Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng mga luha ko. Naramdaman ko ang pagyakap ni Mich sa akin.

"Don't worry Bry, gagawa tayo ng paraan para mahanap ang diary mo."

***
"Flyers?"

"Oo Bry, gumawa ako ng flyers para mahanap natin ang diary mo. Alam Kong medyo risky pero ito na lang talaga ang naiisip Kong paraan para mahanap natin iyon. Wala namang mawawala kung susubukan natin."

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Siguro nga may point si Mich. Medyo okay na ito kaysa naman wala kaming gawin.

Gaya nga ng plinano, pinamigay na namin ni Mich ang mga flyers na ginawa niya. Pero hindi naging madali ang lahat sa amin.

"Diary? uso pa ba ang diary ngayon?"

"Ang cheap naman"

"Get lost girl, hindi ko sasayangin ang precious time ko para sa walang kwentang diary mo"

Ilan lamang iyan sa mga narinig ko habang pinamimigay ang mga flyers.

Nalulungkot ako dahil may mga ganon palang klaseng tao. Kaunting tulong lang naman ang hinihingi ko eh. Hindi ko naman sinasabing hanapin nila. Ang akin lang naman ay kung sakaling makita nila.

*sighed*

"Arrgghh!!!!"

O________________________O

"Mich, napaano ka?"

Padabog siyang naupo sa tabi ko at saka nag cross arm. 

"Nakakainis talaga ang mga maarteng babae dito sa school. Kaunting tulong lang naman ang hinihingi natin Bry eh, bakit ang damot nila? Ang sarap pagsasapakin.", gigil na sabi ni Mich.

Ngumiti ako ng mapakla.

"Hayaan na lang natin sila Mich. Ayoko na ng gulo."

"Pero huwag kang mag alala Bry , hindi tayo titigil hanggat hindi natin nahahanap ang diary mo".

*****
Uwian na, at gaya kanina hindi pa rin kami tumitigil ni Mich sa pagbibigay ng mga flyers kahit pa na ang dami na naming naririnig na mga bad comments. Pero ganon pa man masaya pa rin ako kasi kahit papaano ay mayroon pa rin namang mga tumutulong sa amin.

" Bry! Mich!"

Sabay kaming napalingon ni Mich sa may-ari ng boses na iyon. Si Mike, ang isa sa mga kaibigan ni Josh.

"Anong ginagawa ninyo? Teka, ano yan Bry?", tanong niya saka tiningnan ang hawak Kong mga flyers. 

"Diary? Nawawala ang diary mo?"

Nahihiya akong napakamot sa batok ko.

"Oo eh, hinahanap nga namin."

"Akin na yan", kinuha niya mula sa kamay ko ang mga flyers. 

"Ako na lang ang mamimigay nito".

Napangiti ako sa sinabi niya. 

"Talaga? Gagawin mo yun?", paninigurado ko. Baka kasi nagbibiro lang siya. 

"Oo naman, ayoko rin naman kasing mapagalitan ni Josh kapag nalaman niyang pinabayaan kita"

Biglang kumalabog ng malakas ang puso ko ng marinig ang sinabi ni Mike. Si Josh? Magagalit sa kanya kapag pinabayaan niya ako? Pero bakit---

"Magkaibigan! Dahil magkaibigan kayong dalawa.....sabi niya.", sagot niya na tila nahulaan ang iniisip ko.

"Ahhhhhh........", patango tango Kong wika.

Magkaibigan. Magkaibigan pala kaming dalawa.

"Nga pala Bry, may idea ka ba kung bakit absent si Josh? Dalawang araw na kasi siyang hindi pumapasok. Hindi ko rin siya makontak"

Umiling ako.

"Sorry Mike, hindi ko alam"

"Ganon ba? Sige una na ako. Don't worry, ipapamigay ko itong mga flyers. Sana mahanap mo na ang diary mo"

Tumango ako habang pinapanood siyang mawala sa paningin ko.

"Bry, OK ka lang?"-Mich

Napangiti ako ng mapakla. 

Ang sakit pa lang marinig na magkaibigan lang kami.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW!! Thank you very much

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon