Chapter 8

422 85 0
                                        

Bakit naman siya tatakasan ni Josh?", naguguluhang tanong ko.

Matagal na hindi ako nakarinig ng kahit anong sagot mula Kay Mike. Hindi ko alam kung nakikinig pa ba siya.

"Mike? Nandiyan ka pa ba?", tanong ko sa kabilang linya.

(B-Bry.... ikaw pala yan....ano kasi Bry eh. .ahh...),nauutal na sambit ni Mike.

"Mike, bakit tinakasan ni Josh si Arrianne?", Muli Kong tanong.

(K-kasi...--)

"Kasi gusto kitang makita"

Nalipat ang tingin ko sa pintuan. Akala ko kung nananaginip lang ako pero totoong totoo ang nakikita ko. Si Josh, nakatayo sa pintuan ng room ko habang nakangiti. Sa sobrang gulat ko ng makita ko siya, na off ko bigla ang cp ni Mich. Ni hindi na ako nakapagpaalam Kay Mike.

"J-Josh... Kanina ka pa ba dyan?"

Naramdaman ko na naman ang muling pagkalabog ng puso ko.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay pasimpleng nilagay ni Josh ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa niya saka dahan dahang lumapit sa kinaroroonan ko.

Mas bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa ginawa niyang iyon. Idagdag niyo pa't nakasuot siya ng itim na jacket na mas nagpalakas ng appeal niya.

*lunok!*

"Bakit, hinihintay mo ba ako?"

O______________________________________O

Shemayyyy!!!!! Muntik pa akong matumba nang nilapit niya bigla ang mukha niya sa mukha ko.

O////////////////////////////////////////////////O

"H-hindi....hindi kaya", todo iling ko.
Nagsmirk siya na mas nagpatayo ng balahibo.

"Akala ko kasi hinihintay mo ako"
Nakahinga ako ng maluwag nang ilayo niya ang mukha niya sakin sabay upo sa tabi ko.

"Nag alala ako sayo".

Napatingin ako sa kanya. Biglang naging seryoso ang mukha niya.

Yumuko ako saka nilaro laro ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako dahil nag alala siya o masasaktan dahil naalala lang niya ako dahil na hospital ako.

"Bry".

Napapitlag ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung hihilahin ko ba ito mula sa pagkakahawak niya o hahayaan na lang.

"Wag mo na ulit gawin toh ah... Halos mabaliw na ako kanina kaiisip kung anong nangyare sa iyo. Wag mo na ulit ako pag alahanin ng ganito. Ipangako mo".

Hindi ko man maintindihan ang ibig niyang sabihin ay tumango na lang ako.
Napangiti naman siya sa naging tugon ko.

"Nga pala Bry, pwede bang wag mo ng sabihin Kay Arrianne na pumunta ako dito?".

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Pero bakit?".

"May tiwala ka ba sakin Bry?".

Muling kumunot ang noo ko.

"Oo naman", tugon ko.

Hindi na siya sumagot pa at ngumiti na lamang.

***

~days later~

"Mom, anong nangyayare?", agad kong tanong Kay mom pagkababa ko ng hagdan.

Andaming mga pulis at mga security sa loob ng bahay.

"Anak halika dito.", utos ni mom na agad ko namang sinunod.

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon