Chapter 4

474 87 0
                                        


Lumipas ang mga araw, patuloy pa rin kami ni Mich sa paghahanap sa diary ko. Halos mawalan na ako ng pag asa na mahanap iyon. Pero buti na lang talaga nandiyan si Mich para sa akin. Lagi niya akong pinapagalitan sa tuwing sinasabi kong sumuko na lang. Sabi niya isipin ko na lang na ginagawa ko ito para Kay Josh, para sa pagmamahal ko sa kanya. Kaya kahy imposible, ginagawa ko na lang ang lahat ng makakaya ko.

*blag!*

"Aray/Aw!"

Nasamo ko ang noo ko. Aray! Ang sakit naman!

"Naku! Pasensya na hindi ko sinasadya. OK ka lang ba?", alalang tanong ng taong nakabangga ko.

Napatingin ako sa kanya.

O__________________________O

*blink! Blink!*

"Hey, ok ka lang? May masakit ba sa iy0? Gusto mo dalhin kita sa clinic?"

*Iling! Iling!*

Grabe, ang ganda niya. Promise, para siyang anghel. Tapos ang kinis pa ng balat halatang mayaman. Parang---

"Teka, hindi ka taga dito non?", tanong ko.
Ngayon ko lang kasi siya nakita at halatang hindi rin siya estudyante dito dahil hindi rin siya naka uniform.

"Ah oo, napadalaw lang ako dito sa school niyo. Susunduin ko kasi ang future husband ko", kinikilig niyang sabi.

Napangiti naman ako sa kanya. Ang swerte naman ng boyfriend niya at talagang sinundo siya ng napakagandang dilag na ito. 

"Ako nga pala si Arriane", sabi niya sabay lahad ng palad niya.

"Bry......Bryana Mendez", sagot ko naman at inabot ang kamay niya.

"Teka, ano toh?"

Nagtapunan kasi ang mga hawak kung flyers nang magkabanggaan kaming dalawa .

"Hinahanap mo ang nawala mong diary?"
Marahan akong tumango.

"Wah! Mukhang exciting! Tara tulungan kita !" 

Sab niya saka pinulot ang mga flyers.

"Pero ang boy----" 

"Tara na ,ang saya nito" 

Napakamot nalang ako sa batok ko.Napakaganda nga niya pero napakaisip bata naman.Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kanya.Okey na toh,at least may tumutulong sa akin.

"Baka nakita niyo po ito ,salamat." 

Tinulungan ko na rin siya sa pamimigay ng mga flyers.
Sobrang naging malaking tulong ni Arriane sa akin dahil andaming lumalapit para lang makipag-usap sa kanya.

Hindi ko naman sila masisisi, sa ganda ba naman niya.

"Yey! Ubos na!"

^___________________________^

Grabe, ang galing! Naubos nga namin kaagad ipamigay ang mga flyers. Salamat kay Arriane. At para makabawi sa kabaitan niya, niyaya ko siyang kumain sa canteen. Syempre treat ko.

"Wah!!!!! Grabe, ang sarap ng mga pagkain nyo dito! Salamat Bry."

"Ako nga ang dapat na magpasalamat sa iyo. Kung hindi dahil sa iyo, siguro hanggang ngayon nagkakandarapa pa rin ako sa pamimigay ng mga flyers ko. Kaya Arriane, salamat sa tulong".

"Ano ka ba naman Bry, wala iyon. Masaya ako't natulungan kita", nakangiti niyang sagot sabay tinggin sa wristwatch nya.

"Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa iyo pero kailangan ko ng umalis. Bye Bry, hanggang sa muli", paalam niya at agad na tumakbo palabas ng canteen.

Napangiti ako. Maliban sa pagiging maganda, napakabait rin pala ni Arriane. Malinis rin ang puso niya. Ang swerte talaga ng taong mamahalin niya.

***

"Bry sino yun?", agad na bunggad ni Mich pagkarating niya sa table namin. Tukoy niya Kay Arriane na nakasalubong pa niya sa pintuan ng canteen.

"Si Arriane".

"Arriane? In fairness maganda siya. Pero mas maganda pa rin ako kaysa sa kanya", taas noo niyang sabi. 

"Nga pala Bry, na saan na ang mga flyers mo?"

Hindi ko alam kung bakit pero biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Ghad! Don't tell me tinapon mo? Anukabanaman Bry, di ba sabi ko sa iyo hindi tayo titigil hanggat hindi natin nahahanap ang diary mo. Pero bakit ka ganyan? Bakit sumuko ka agad? Saan ba ako nagkulang Bry? Sabihin mo , saan?", drama niya at talagang niyugyog pa ako sa balikat.

Napa iling na lang ako sa kanya. Pagpasensyahan nyo na po ang bestfriend ko at may pag ka abnormal. Lahat naman tayo mayroong ganoong klaseng best friend. O kung ako lang ang mayron non? 

"Hindi ko tinapon Mich, naubos ko ng ipamigay. Tinulungan ako ni Arriane".
Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya.

"Ganon? OK, edi kayo na ang close. Hmpt!"

Hay naku Mich, Ewan ko sa iyo. Minsan talaga nagtataka ako kung paano ko naging kaibigan ang isang ito. Kung titingnang mabuti sobrang magkaiba ang ugali naming dalawa. Pero ganon pa man masaya pa rin ako at kaibigan ko siya.

Nang matapos kaming kumain ay nagpasya na naming umuwi. Sa paglipas ng mga araw, nababawasan na ang pag-aalala ko sa pagkawala ng diary ko.

Pakiramdam ko kasi kung may nakakita man ng diary ko, NASA mabuting tao iyon.

"Nga pala Bry, bakit hindi ko na nakikita si Josh? Hindi pa run ba siya pumapasok hanggang ngayon?", tanong ni Mich ng makarating kami sa field.

Oo nga, halos mag-iisang linggo ko na rin siyang hind nakikita. Ano kayang nangyari sa kanya? May problema kaya siya?

"Mich, puntahan kaya natin siya sa bahay nila?", suhistyon ko. Baka kasi kailangan niya ng tulong.
Napaisip naman si Mich sa sinabi ko.

"Tanungin muna natin si Mike kung may balita na siya Kay Josh, Bry. Pero kung wala pa rin edi puntahan na natin.

"Ok", maiksing tugon ko.

Ano kaya ang problema ni Josh? Hindi ko alam pero bigla akong nag alala.

Pakiramdam ko may maling nangyayari. 
Kailangan Kong malaman kung ano iyon. Hindi ako matatahimik hanggat Hindi ko nalalaman ang lahat.

"Bry!", naputol ang pag iisip ko ng lumitaw bigla si Arriane sa harapan namin.

Nakangiti siya habang kumakaway. 
Ginantihan ko ang mga ngiti niya at kumaway na rin. Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang dumako ang tingin niya sa likuran namin.

"Josh"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW!! Thank you very.

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon