Chapter 11

482 87 0
                                        

*Bry's P.O.V*

"Good morning Bry".

"Hi Bry, ang blooming mo today".

"Bry, pahingi ng number mo. Gawin kitang text mate".

"Bry, congrats".

Hindi ko maintindihan kung anong sakit ang dumapo sa buong academy at lahat na lang ng makakasalubong namin nginingitian ako't binabati.

"Bry, anong meron?", takang tanong ni Mich.

Nagkibit balikat ako.

"Uy Bry, ang sweet niyo ni Josh. Bagay kayo".

Muling kumunot ang noo ko sa sinabing iyon ng babaing nakasalubong namin. Hindi ko na lang pinansin iyon at dirediretsong tumuloy ng room. 

Malayo pa lang kami ay napansin na agad namin na parang may pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa bulletin board. Nang mapansin nila kami ay agad silang tumahimik at tumingin sa akin.

"Ano ba yang pinagkakaguluhan niyo ah?!", pagalit na tanong ni Mich at dali daling lumapit sa bulletin board.

"Oh my ghad Bry! Totoo ba toh?!", gulat na tanong ni Mich saka kinuha ang litrato na nakapaskil sa bulletin board at iniharap ito sa akin.

Halos nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Litrato ko iyon at....at ni Josh. Kuha iyon sa room kung saan nakulong kami ng magkasama. Nakasandal ako sa balikat ni Josh at hawak namin niya ang kamay ko. Kung titingnang mabuti, para kaming magkasintahang dalawa.

"Bry, hindi mo sinabi pero kayo na pala ni Josh. Crush ko pa naman siya, pero dahil mahal niyo ang isat isa, ipapaubaya ko na lang siya sa iyo"-girl1

"Oo nga Bry, ingatan mo si Josh kung hindi aagawin ko siya sayo"-girl 2

"Forbidden love.... .ang cute"-girl 3

"Sana ganyan din kami ka sweet ng boypren ko"-girl 4

"Kainggit naman! Saan ba kinuhanan yan? Makapapicture nga din dyan"-girl 5

Pulang pula na ako sa sobrang hiya. Lahat sila iniisip na boyfriend ko si Josh.

"Bry, mag usap nga tayo", hila ni Mich sa akin palabas ng building.

****

"Paki explain nga nito".

Agad na utos ni Mich pag karating namin sa lugar na lagi naming tinatambayan.
Wala na akong nagawa pa kundi ang I kwento sa kanya lahat ng nangyare kahapon.

"ANO? KINULONG KA NI ARRIANNE SA DATING FACULTY ROOM?!!!"

Tumango ako.

"Walangyang impakta yun! Humanda talaga siya sa akin pag nagkita kami. Ipapatikim ko sa kanya kung gaano ako kasama! Makikita niya!!", nanggagalaiting sabi ni Mich. 

"At aba kung sinuswerte ka nga naman. Here comes the devil".

Then natanaw ko ang nagdadabog na Arrianne papunta sa direksyon namin.

"What is the meaning of this?!"

Tinapon niya sa harapan ko ang kaparehong litratong hawak ko.
Hindi ako sumagot.

"Bry! I'm asking you! Anong ibig sabihin niyan?!", galit niyang ulit sa tanong niya.

Pinulot ko ang litratong tinapon niya sa harapan ko saka ito iniharap sa kanya.

"Arrianne, hindi magkakaroon ng ganitong litrato kung hindi mo sana ako kinulong sa silid na yun.", seryosong sabi ko.

"So ibig mong sabihin, kasalanan ko pa ngayon ang lahat, huh?".

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon