*Arrianne P.O.V*
"Kenjie, ready ka na ba?", tanong ko sa kanya while leaning closer to him.
Ngumiti naman siya saka tumango. Then he started playing with his toy again. Ang cute niya talaga. Minsan na tetemp ako na kurutin siya.
He really has that pair of big gray eyes, a pointed nose and a pinkish lips. Kung hindi ko lang siguro alam na palaboy laboy sila sa kalsada, I will definitely conclude that he's an elite.
Even manang Grace, may pagka mestisa rin siya. And the way she moves was a 'lil bit weird. Masyado siyang feminine, which is hindi mo nakikita sa mga palaboy.
Guni guni ko lang ba o talagang may something sa mag inang ito?
"Hija, tara na".
I was snapped back to reality when manang Grace called me. Naka ready na pala lahat ng mga gamit namin at talagang tuloy na tuloy na ang paglabas namin dito.
"Ah..ok po", sabi ko at sumunod na sa kanila.
***
"Good morning ma'am".
Isang kulay itim na sasakyan ang agad na bumungad sa amin. Mayroon itong isang driver at dalawang body guard.
"Good morning din po, kuya", nakangiting bati ni manang Grace sa kanila.
At dahil sa punong puno ng question mark ang mukha ko ay lumapit na ako Kay manang Grace.
"Kilala niyo po sila?", pabulong kong tanong sa kaniya.
Tumuwa siya ng mahina then patted my head.
"Halika na, sa bayahe ko na ikukwento ang lahat sayo.", she said smiling.
***
Natahimik ako. Matapos ikwento ni mana---i mean ma'am Grace ang lahat, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng lungkot.
Katulad ko, naglayas din pala sila ni Kenjie sa bahay nila. Sa kadahilanang sinasaktan pala sila ng asawa niya. Kaya ilang araw na palaboy laboy lang ang ginawa nilang mag ina.
Ngunit nalaman ng mga magulang niya ang mga nangyare. Kaya hinanap siya ng mga ito at pinasusundo. Sila rin ang nagbayad ng bill ng mga ito sa ospital.
Akala ko talaga pulubi sila. Hindi kasi halata sa ugali ni ma'am Grace na mayaman siya. Para siyang si Bry.
Nanliit tuloy ako sa sarili ko. Sila nga na totoong mayaman natutong magpakumbaba, pero ako na di hamak na pinulot lang sa kalsada, binihisan at pinag aral sa magandang eskwelahan, naging mapagmataas sa iba.
"Hija, ayos ka lang ba?"
Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko.
"O--opo"
"Alam mo, kahit gaano pa kasama ang mga ginawa nating mga anak...papatawarin at papatawarin pa rin tayo ng mga magulang natin. Katulad ko, sinumpa ako ng nga magulang ko noong magpabuntis ako sa lalaking hinding hindi nila gusto para sa akin. Akala ko, tatalikuran na nila ako ng tuluyan. Pero tingnan mo ngayon, tinanggap nila ulit ako.
Alam mo tama ang sabi nila. Na kayang tiisin ng anak ang magulang niya, pero hinding hindi kayang tiisin ng magulang ang anak niya. Kaya hija, umuwi ka na rin sa inyo. Humingi ka ng tawad sa magulang mo. Magulang din ako at alam ko ang pakiramdam na mapalayo sayo ang anak mo."
Hinawakan niya ang mga kamay ko. Tuloy tuloy na rin sa pag agos ang mga luha ko. Nasaktan ako sa sinabi niya. Lalo na don sa sinabi niyang" kayang tiisin ng anak ang magulang niya".
Oo, tama siya. Sa loob ng mahabang panahon, nagawa kong tiisin ang mga magulang ko. Iniwan ko sila kapalit ng isang maganda at marangyang buhay. Ni hindi ko iniisip ang mga pag alala nila.
BINABASA MO ANG
Dear Diary (On Going)
Roman pour Adolescents(On Going) This book is full work of fiction, truly means that the Names, Places, Incidents are produce by the author's imagination. Ang anumang pagkakapareho sa tao, living or dead are actually coincidental!
