Chapter 9

385 83 0
                                        

Bry's P.O.V*

Kanina ko pa hinintay si Mich dito sa bench kung saan lagi kaming nagtatambay,sa mismong tapat ng soccer field. May practice pa kasi siya at syempre dahil gusto Kong sabay kaming umuwi, hinihintay ko siya.

Medyo nakokonsensya nga lang ako dahil kahit si kuya max matiyaga rin naghihintay dito kasama ko.

"Kuya max, mauna na po kaya kayong umuwi. Baka matagalan pa po ako dito".

"Hindi ko po kayo iiwan dito maam", matigas niyang sabi.

"Bry na lang po kuya. Huwag niyo na po akong tawaging ma'am.", muling pakiusap ko sa kanya.

"OK po, Bry".

Kaya para hindi kami mabagot ni kuya max, bumili na lang ako ng makakain sa canteen saka namin nilantakang dalawa habang hinihintay si Mich. Noong una ayaw pa sana niyang kumain pero dahil mapilit ako, wala rin siyang nagawa. Haha!

"BRY!"

Muntik pa akong mabilaukan ng marinig ang malakas na boses na yun. Paglingon ko si Arrianne lang pala.

Agad siyang lumapit sa kinaroroonan namin. Inalok ko siya ng kinakain namin pero parang nasuka lang siya ng makita ang mga ito.

Ano kayang nangyare sa kanya? Hindi naman ganito ang reaksyon niya noong unang beses na kumain kami sa canteen. Hmm! Baka masama lang pakiramdam niya o baka wala lang talaga siyang gana.

"Let's talk", simula niya.

"Tungkol saan?", tanong ko.

Hindi siya sumagot. Bagkus, tiningnan niya si kuya max mula ulo hanggang paa.

"Hindi mo ba narinig na mag uusap kami? Umalis ka nga dito! Walang kwenta!".

Nagulat ako sa inasal ni Arrianne. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Dahil sa sobrang hiya sa ginawa niya ay ako na lang ang kusang lumapit kay kuya max na ngayon ay hindi mo makikitaan ng kahit anong reaksyon sa mukha.

"Kuya max,pasensya na po kayo. Mauna na lang po kayo sa kotse. Susunod po ako agad pagkatapos nito. Pasensya na po ulit.", hinging tawad ko.

"Ma'am Bry, hindi po ako aalis dito hanggat hindi ko kayo kasama. Yun po ang utos ng mommy niyo".

"PUNYETA! SABING UMALIS KA NA EH! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI?!".

O________________________________O

"Kuya max, sige na po. Umalis na po kayo. Pakiusap".

"Sige po ma'am".

Halos maubusan na ako ng hangin.Anuba talagang nangyayare kay Arrianne? Bakit siya nagkakaganit0?

"I fired mo na nga yang body guard mo. Napakawalang kwenta."

Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya.

"Anubang gusto mong pag usapan?"
Umupo siya sa bench saka nag cross arms.

"Wala naman. Mga walang kwentang bagay lang. Alam mo na?".

Napakunot noo ako.

Walang kwentang bagay? Para sa walang kwentang bagay kinailangan pa talaga niyang pagsabihan ng masama si kuya max?

Hindi na talaga kita maintindihan Arrianne.

"Nga pala Bry , nahanap mo na ba ang diary mo?", tanong niya na nag paisip sa akin.

"Hindi pa nga eh, bat mo natanong?".

Bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.

"Gusto mong sabihin ko sa iyo ang totoo?".

Dear Diary (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon