"Josh..."
Kasabay ng pag lapad ng ngiti ni Arriane ay ang pagkabog naman ng puso ko.
"Josh?",bulong ko sa sarili ko.
Kilala ni Arriane si Josh? Pero paano? Hindi kaya si Josh ang sinasabi niyang---
*iling iling*
Pinilit Kong pakalmahin ang sarili ko.
Relax lang Bry, baka ibang Josh naman ang kilala ni Arriane . Di ba nga hindi mo pa nakikita si Josh ngayon? Dahil malamang absent siya .Kaya huwag kang mag alala Bry hindi si Josh ang tinutukoy ni Arrianne. HINDI!!!" Josh, nandyan ka lang pala.Akala namin kung napano ka na. Bakit ngayon ka lang nagpakita?", kausap ni Mich sa taong nasa likuran namin.
Naramdaman ko ang biglang pagsikip ng dibdib ko. Parang pinipiga ng malakas ang puso ko dahilan para mahirapan akong huminga. Hindi ito totoo. Hindi!
"Josh", nakita ko ang pagtakbo ni Arianne papunta sa direksyon ng taong nasa likuran namin. Hindi ko alam kung niyakap ba niya ito o ano. Basta ang alam ko hindi ko sila kayang lingunin at tingnan.
Walang pasabing tumulo ang mga luha ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang mga ito sa pag agos mula sa mga mata ko.
"Josh, kanina pa kita hinihintay. Bakit antagal mo? Akala ko tuloy iniwan mo na ako. Hmpt", parang batang usal ni Arianne.
"Nga pala Josh may nakilala akong bagong kaibigan si Bry, halika ipapakilala kita sa kanya".
Pagkasabing iyon ni Arianne at pasimple kong pinunasan ang mga luha ko.
Ayokong magmukhang tanga sa harapan nila lalo na kay Josh.
"Bry ,si Josh nga pala . . .fiancee ko".
And it hits me so hard.Sobrang sakit man ng mga narinig ko ay pinilit ko pa ring lumingon sa kanila. Halos naubos ang buong lakas ko sa pagbitiw ng isang pilit at simpleng ngiti mula sa mga labi ko.
"Hi--hi Josh", sabi ko sa nanginginig na boses. Ganon pa man, hindi ako nagpahalata na nasasaktan na ako.
"Congrats nga pala",dugtong ko saka ko nilahad ang palad ko.
Walang emosyon.
Walang emosyon ang mukha ni Josh habang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy mawari kung ano ang nararamdaman niya. Kung masaya ba siya o masayang masaya.
Ilang segundong nakalahad lamang ang palad ko sa harapan niya. Hindi ito inabot ni Josh o tiningnan man lang. Basta titig na titig lamang siya sa akin.
Muling nag init ang mga mata ko sa ginawang iyon ni Josh. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi ko salubungin ang mga titig niya.
"Salamat Bry".
Si Arriane ang umabot sa nakalahad Kong kamay.
Tumango ako saka muling ngumiti. Ngiting hindi ko alam kung totoo ba o hindi.
"Sige alis na kami", paalam ni Arriane sa amin.
Hindi ko na sila pinanood pang umalis. Yumuko na lamang ako at tahimik na pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.
****
Tama ang sabi nila, na kung saan kailangang kailangan mo ang isang bagay ay saka pa ito wala para sayo. Kung nasa akin lang sana ang diary ko, ito ang isusulat ko.Dear diary,
Ayoko! Ayokong makita siyang lumalayo. Lalo na kung sa paglayo niyang iyon,iba ang kasama niya.
****
"Bry. . .tahan na huwag ka ng umiyak. PLEASE".
Hindi ko kaya .Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Parang may sariling utak ang mga luha ko na hindi ko sila kayang kontrolin.
*PLOK*
Sina Josh at Arianne ikakasal na sila ...
Titira sa iisang bahay ...
Bubuo ng masayang pamilya...
Magkakaroon ng mga anak ...
Magsasama habangbuhay.
*PLOK! PLOK!*
Samantalang ako, maiiwang sugatan at mag isa. Pero sino nga ba ako para hadlangan ang pagmamahalan nilang dalawa? Mahal ko si Josh pero mahal niya si Arriane at mahal din siya ni Arriane. Mahal nila ang isat isa.
*PLOK! PLOK! PLOK!*
Ayakong sirain ang relasyon nilang dalawa. Ayokong maging hadlang para hindi matuloy ang pangarap na binuo nila ng magkasama. AYOKO!
*PLOK! PLOK! PLOK! PLOK!*
At kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos rin ng mainit na luha sa aking mga mata.
"Bry, tara na. Lumalakas na ang pag ulan baka magkasakit ka pa."
Pinilit akong hilahin ni Mich paalis sa field pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Parang ang bigat bigat ng katawan ko.
"Bry"
Umiling-iling ako.
"Ayoko Mich...ayoko...ayoko...ayoko... ayoko..."
Halos mabaliw na ako sa sakit na nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw pero parang may kung anong pumipigil sa akin.
Ang pakiramdan na ito, sobrang bago ng pakiramdam na ito. Hindi ko pa ito nararamdaman noon.Hindi pa ako nasaktan ng ganito katindi.
Biglang nanghina ang buong kalamnan ko dahil para mapaupo ako sa damuhan. Walang binatbat ang lakas ng ulan sa lakas ng mga luhang dumadaloy sa mga pisngi ko .
Ganito ba talaga kasakit ang pag ibig? Kung gayon, ayoko ng umulit. Ayoko ng umibig.Kailangan ko ng tanggapin ang katotohanang hinding-hindi magiging akin si Josh.
Na kahit anong gawin ko, manantili na lamang na lihim itong nararamdaman ko para sa kanya.Kailangan ko ng palayain at pakawalan si Josh sa buhay ko. Kailangan ko na rin palayain ang sarili ko. Para ko na rin pinarusahan ang sarili ko kapag patuloy pa akong aasa gayong halatang halata namang wala akong pag asa. Pero paano ko gagawin iyon?
Paano?
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Ito na ang katapusan ng lahat. Dito na matatapos lahat ng kahibangan ko sa kanya. Imposible ng masabi ko pa sa kanya kung gaano ko siya kamahal o kung gaano na ako katagal na naghihintay sa kanya.
I need to let go of him. Mahirap man pero kailangan. Lalo na ngayon at ikakasal na siya.
Paalam Josh! Mahal kita!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW!! Thank you very much.

BINABASA MO ANG
Dear Diary (On Going)
Dla nastolatków(On Going) This book is full work of fiction, truly means that the Names, Places, Incidents are produce by the author's imagination. Ang anumang pagkakapareho sa tao, living or dead are actually coincidental!